Chapter 33

441 6 8
                                    

Naglasing si Ian that night sa isang bar.

"Of course he would be taken by her! Anyone would be in love with her! Lalo na when she smiles!" sigaw ni Ian at iniyuko uli ang ulo.

"Ano ba yan, ang ingay. Sayang, gwapo pa naman," bulong ng isang babae sa kasama na tumabi kay Ian.

Marami pang ganung kumento ang narinig ko tungkol sa kalasingan ni Ian.

Hay Ian.

Nakatulog na sya sa mesa nang 'di kalaunan.

Eew!!! Ang dumi kaya dyan.

Sinapian ko si Ian para mapunta na sya sa sasakyan nya. Itinapon ko ang susi sa tabing upuan pagkapasok ko sa kanya sa loob para hindi sya mag-drive ng lasing.

Grabe, ang lungkot mo Ian, nasabi ko pagka-alis ko sa katawan nya.

Sige sleep ka muna dyan. Tingnan ko kung makakakuha ako ng rescue mo.

Pinuntahan ko si Maggie. Mukhang naging masaya ang dinner ng dalawang pares. Nagkakape na sila sa kapihan sa katabing establishment nang maabutan ko sila.

Nagkukwentuhan sila ng mga childhood stories nila: kung sino ang makulit, pasaway at sweet na kapatid.

"Si Cee tahimik lang yan 'pag galit pero maya-maya sa isang sulok, iiyak na, ngangawa na," kwento ni Aldrin. "At ang lakas lakas nyang mag-wala 'pag napuno na sya."

Hinampas sya ng kapatid. "Grabe ka talaga Kuya!"

Natawa sina Brent at Maggie.

"Kayo ba, sinong iyakin?" tanong ni Aldrin sa kanila.

Nagtinginan sina Brent at Maggie. Nagkasingkitan sila ng mga mata at biglang tinuro ang isa't isa. Natawa sila.

"Ikaw kaya!" "Hindi kaya, ikaw!"

"Si Ate kasi malaking papansin kasi gitna," sabi ni Brent na umiilag sa kiliti ni Maggie.

"Si Brent spoiled sa parehong parents namin!" sabi naman ni Maggie.

"Ikaw, spoiled ka naman kay-" Hindi tinuloy ni Brent ang sasabihin. Nagtinginan sila ni Maggie.

"It's okay," ngiti ni Maggie kay Brent. She turned to Aldrin and Cee. "Spoiled ako sa ex ko," tuloy ni Maggie ng kwento.

"Ahh," tango ni Aldrin.

"My ex was part of the family kasi kaya when we were talking about who's spoiled with who... ayun nasama, naalala sya ni Brent," ngiti ni Maggie kay Brent.

"Oh so..." itatanong sana ni Aldrin na binitin nya.

"He died. Years ago. Pero okay na. Wala na yun," ngiti ni Maggie. Umiling sya.

Umakbay si Brent kay Maggie. "Kaya si Ate, sa'kin na lang spoiled."

May imimeet pa daw na mga kaibigan sina Brent at Cee kaya humiwalay sila kina Aldrin at Maggie.

"Ihahatid kita ah," sabi at mahinang siko ni Aldrin kay Maggie.

"Okay lang?" tanong ni Maggie.

"Oo naman. Hayaan mong i-spoil kita," ngiti ni Aldrin sa kanya.

Natawa ng kaunti si Maggie.

Nang nasa sasakyan na sila ni Aldrin, tumunog ang phone ni Maggie. Nakita kong nag-text si Brent sa kanya: Ate ang naisip ko kanina na ini-spoil ka hindi si Ficks, si Ian. Pero hayaan mo na yun if hindi na sya nagpaparamdam sa'yo. He's weak to not accept or understand your position. He didn't even try again...

The Unfinished Business (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon