"Ngayon, bakit ka nandito?"
"Ang alam ko nakatira kayo sa Nama, at nasa timog 'yon ng Salla." dagdag niya.
Napa-iwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko. Sasabihin ko ba? Do I tell him my story? Alam ba niya ang nangyayari o walang may alam sa nangyari sa pamilya namin?
Malakas akong napabuntong-hininga, rinig ko naman ang mahinang tawa nito at nagsalita, "Kong hindi mo sasabihin,okay lang naman."
"I was a-abducted by my family's murderer." paunang saad ko. Tila hindi naman niya ito naintindihan dahil kunot na kunot ang noo nito.
"Anong ibig mong sabihin? Anong nangyayari? Kay Llordes?" tambak na tanong ni Lolo Cruz.
Ibig sabihin walang may alam sa nangyari sa amin? O baka ay tanging sa lugar lang namin ito kumakalat.
Tumingin ako kay Lolo Cruz, "Namatay na si Lola bago paman nangyari ang trahedya, pinatay ng isang malakas babae ang pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit, ngunit basta nalang itong sumugod sa bahay namin at masamang-masamang nakatingin sa magulang ko." huminto muna ako at huminga ng malalim. "Bata palang po ako noon, hindi ko alam ang nangyayari, at lalong hindi ko pa alam gamitin ang kapangyarihang ibinigay ni Lola. Tumakbo ako na umiiyak noon, sa mabuting palad binuhay niya ako inuwi sa bahay niya ngunit sa kasamaang palad palagi niya akong sinasaktan." pagtatapos ko.
Tila hindi naman makapaniwala si Lolo Cruz dahil pawang nakaawang ang bibig nito. Sino nga ba ang magaakala na mangyayari pa ito sa ganitong panahon kung saan hindi talamak ang ganitong pangyayari. May kanya-kanyang ginagawa ang bawat lupain, na tanging sa kanila lang umiikot. Hindi ko rin mawari kong bakit hindi man lang ako nautal sa pagkwe-kwento,dahil ba wala na ako sa puder niya o dahil alam kong ligtas ako kung saan ako ngayon.
"A-anong nangyari? Pano ka nakatakas?" tila nag-aalala sambit nito.
"May kasama akong nakatira sa bahay niya, tinulungan niya po akong makatakas. She's a sorcerer." mahinang sagot ko sa kanya.
That makes me think, kung ano nang nangyayari kay Aling Linda ngayon. Tila hindi pa naman makapaniwala si Lolo Cruz dahil nakatitig parin ito sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumingin lang sa ibaba kung saan pagala-gala ang ibang mages ang iba papasok sa gubat ng may daan at ang iba palabas.
I envy them, tila walang balakid sa paglalakbay nila, they're free walang kinatatakutan, at hindi nababahala. Ngunit ako, hindi ko alam kung saan ako patungo, hindi ko alam kung ilang araw, linggo, o buwan bago ako mahanap dahil tiyak kong hahanap-hanapin niya ako at pag-nagkataong mahanap niya ako hindi ko alam ang mangyayari sa akin.
"Tutulungan kita." bigla akong napalingon kay Lolo Cruz nang magsalita ito. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Napabuntong-hininga ito, "Alam kong wala kang matutuluyan, at tiyak kong nagtatago ka. May naisip akong paraan, Alliya." nakuha ni Lolo Cruz ang aking atensiyon sa mga sinabi niya. Maigi naman akong nakinig sa susunod niya na sasabihin.
"Pumasok ka sa mga paaralan Alliya, ngunit hindi ka pwede sa Tamora dahil minsan lang silang gumawa ng misyon mas pinapahalagahan nila ang pag-aaral ng mga estudyante kaya madali kang mahahanap doon dahil nakakulong kalang sa paaralan, sa Namorn naman hindi sila nagpapasok ng kung sino, sa Bora isa lang itong maliit na lupain ngunit walang paaralan, at sa dati niyong lugar sa Nama baka makilala ka doon, kaya papasok ka sa Salla. Sa Salla palaging may misyon ang mga estudyante,palaging umaalis, at alam kong pro-protektahan ka nang namumuno pati ng iyong mga kasama." sumilay ang ngiti sa mukha ni Aling Cruz.
Ni minsan hindi pa ako nakakapasok sa isang paaralan. Hindi ko alam ang madadatnan ko doon.
"Okay lang po ba talaga doon?"
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...