Chapter 41

2.1K 59 8
                                    

"Nice catch!" biglang saad ng isang lalaki.

Bigla akong naalerto at humarap sa kanya, hindi ko naman ito makita dahil walang ilas malapit sa amin, napatingin ako sa hawak kong karayom. Siya ba ang may gawa nito? Nalipat ang tingin ko sa kanya at tumitig na nakakunot ang noo, nang biglang nagkaroon ng ilaw sa loob.

Bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki, may itim na buhok at mata, matangos ang ilong at may magandang labi. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, wala naman akong maramdamang panganib. Narinig ko naman na mahinang tumawa ito sa gilid ngunit hindi ko na pinansin pa.

Narinig ko namang tinawag ako ni Aling Linda kaya agad akong pumunta sa kanya, napatitig rin ang babaeng kasama niya sa akin. "Nelia, si Alliya... Alliya, kapatid ko si Nelia." nakangiting ani ni Aling Linda.

Tumingin ako kay Aling Nelia at ngumiti, "Ikinagagalak ko pong makilala kayo." saad ko. Ngumiti naman ito at kinuha ang kamay ko, "Ako--" bigla nalang itong huminto at napalaki ang mata, napatingin siya kay Aling Linda at nakita kong tumango ito.

Napakunot nalang ang noo dahil sa inasta nila, "A-ako rin, tawagin mo lang akong Nelia." pagtatapos niya.

Dumating naman 'yong lalaki sa gilid ko, agad namang ngumiti si Nelia at hinawakan at balikat nito, "Anak ko Linda, si Claus." napalaki naman ang mata ni Aling Linda sa sinabi niya. "Nagka-anak ka?" tila hindi makapaniwalang saad niya.

Napaiwas ng tingin si Nelia, "Oo." sagot lang nito.

Kahit hindi makapaniwala, hinawakan din ni Aling Linda ang kamay niya, "Ikinagagalak kong makilala ka, Claus. Ito si Alliya, sana maging magkaibigan kayo." pakilala ni Aling Linda sa akin.

Nakita ko namang ngumisi si Claus pero ngumiti kalaunan, humarap ito sa akin at inilahad ang kamay niya, "Ikinagagalak kong makilala ka." nakangiting saad niya.

Patago akong napaismid, "Ako rin." tanging saad ko at nakipag-kamay sa kanya. Agad ko rin itong binawi.

"Mag-uusap muna kami ni Linda.. Claus sa itaas muna kayo ni Alliya." biglang saad ni Nelia sa amin. Tumingin naman ako kay Aling Linda ngunit tanging pag tango lang ang iginawad nito sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod kay Claus na nagsimula nang maglakad patungo sa taas.

Lumingon muli ako kina Aling Linda na ngayon ay may seryosong mukha. Napabuntong-hininga nalang ako at sumunod kay Claus. Nakarating kami sa bandang itaas nila deritso lang ang lakad nito hanggang sa mapadpad kami sa huling bahagi dito kung saan may upuan at lamesa at tanaw-tanaw ang labas.

Umupo siya sa bakanteng upuan at umupo naman ako sa tapat niya. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa, nakatingin lang ito sa labas habang nakatitig naman ako sa kalangitan. Biglang bumalik sa isip ko ang mukha nina Rogue, ang nakangiting mukha nina Rita, ang pag-aasaran, ang mission na ginawa namin. Gusto kong bumalik, gusto-gusto kong makasama sila ulit.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila ngayon, kung anong nararamdaman nila ngayon, hindi ko alam... at parang ayaw ko nang alamin. Baka madamay pa sila sa takbo ng masilamoot kong buhay.

"Malalim ata iniisip mo," bigla akong napatingin kay Claus ng magsalita ito. Tumingin naman ito sa akin, "Anak ka ni Linda?" napasimangot ako sa tawag niya kay Aling Linda ngunit hindi ko nalang ito pinansin pa.

"Hindi." saad ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Bakit kayo nandito?" tanong na naman nito.

"Bumalik lang kami sa dating bahay niya." mahinahong sagot ko. "Ano nga pala ang nangyayari kanina?" tanong ko.

"Alin doon?" balik tanong niya.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon