Chapter 20

2.4K 78 6
                                    

Dali-dali akong umatras at pumunta sa gawi nina Rogue kung saan nakipagtitigan sa kaharap na grupo.   Ngunit nahagip ng mata ko si July na ang kalaban ay may kapangyarihang apoy. Kita mong nahihirapan ito dahil pilit lang nitong sinusunog ang mga halaman niya.


Rinig ko ang buntong-hininga ni Adam at pumunta at sa gawi ni July, "Tutulungan ko lang." saad naman ni Red at sumunod sa kanya.

Hingal na hingal namang pumunta si July sa amin at tumingin sa akin. "Ang cool mo, Alliya!" sigaw pa niya.

Tila naguguluhan naman ang iba kaya tumawa lang ito ng marahan, "Naghahanap din sila ng ginto, kaya sinundan namin ni Alliya," pauna niyang sinabi. Bigla nalang niyang tinuro ang kabilang grupo na ngayon ay pilit paring binobomba ang mga bato. "They're trying to destroy it," pagtatapos niya.


"Kanina pa 'yan nila pilit na sinisira ngunit maaring napakatibay ng bato." dagdag ko naman.


Tumango sila Rogue sa sinabi namin, "We need to defeat them first---"

"Yuko!" biglaang sigaw ni Red sa amin, sa lakas nito agad kaming napayuko. Pagtingin ko isa pala itong bolang apoy, na muntik ng makasunog sa amin.


Tumawa lang ito at nagpaulan uli ng bolang apoy sa kalaban niya habang si Adam naman ay may kalaban na na bago.... na isa ding may kapangyarihang apoy.

Lahat ng atensiyon namin ay napunta ng biglang sumabog ng napakalas, pagtingin ko tagumpay na pala nilang nabutasan ang mga bato. Nanglaki ang mata ko ng tinulak nila si Constance papasok, at tila may tinanong dito na hindi namin rinig. Akmang papasok na din 'yong lalaking may bomba na kapangyarihan ng bigla itong hindi makagalaw, tila nagtataka naman sila ngunit ngumisi lang si July sa kanila.

"Now!" agad na saad ni Rogue at nagpaulan ng napakaraming kidlat patungo sa kanila.

Wala silang nagawa kung hindi umiwas, nakita ko namang nandoon na pala si Hedrick at Harvy na hindi ko alam kung paano sila napunta doon nang  ganon kabilis. Napatingin ako sa gawi ni Victoria kung saan pareho silang hingal na hingal ng kalaban niya, bakas rin ang pagkainis nito sa mukha kagaya ng kalaban niya. Sa gawi naman nila Red at Adam  kung saan kalaban ang dalawang kapareha nila na kapangyarihan ay pawang yakang-yaka lang nila ito, maliban kay Red na tila nahihirapan.


Nakita ko naman ang babaeng kalaban ko kanina na ngayon ay ramdam ko ang saya dahil bumalik na kapangyarihan nito, ngunit ng makita niyang nakatingin ako sa kaniya iniwas lang nito ang tingin sa akin.

Patuloy parin sa pag-ulan ng kidlat si Rogue at ngayon sa kanilang lahat na, umatras ang bawat kalaban nila Victoria, Adam, at Red at pumunta sa gawi ng grupo nila. Bigla namang pumikit ang babae na palaging nag-uutos sa kanila at agad may nabuo na malaking harang na napalibot sa kanila, at gawa ito sa ilaw.

She has a light magic.

Napakunot ang noo ni Rogue ng makitang lahat ng kidlat niya at hindi man lang tumatama sa kanila.

"Her power is strong." biglang saad ni Blair sa kaniya.

Biglang tumigil ang mga kidlat ni Rogue habang nandoon parin ang harang na ginawa ng babae. Biglang nanglaki ang mata ko ng ngumisi ang babae, at ngayon may paparating na napakaraming kidlat ang papunta sa amin, napatingin ako sa kanila ngunit pawang hindi man nila ito napansin, pinisil ko si Rita na nasa gilid ko at nagsalita, "Matutusta tayo!" 

"Kanina pa ako kinakabahan, wag kang pahalata Alliya! Masisira image natin. Act cool!" bulong niya sa akin kahit nanginginig na.


What the!

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon