Tila hindi namin alam kung bakit ganyan siya makatingin sa amin. Ang kaninang hawak niya ay ay nasa sahig na ngayon, at isa itong libro. Akmang pupulutin ko na ito para ibigay sa kanya nang bigla niya akong harangan.
"Anong ginagawa niyo dito? Tama na ang ginawa niyong pagsira sa mga libro ko." mahinahong saad na nito.
Napakunot ang noo naming lahat. Anong kami? Ni hindi pa nga ako nakakapunta dito.
"Whay do you mean?" tanong ni Blair sa kanya na tila naguguluhan.
Tumingin ang matanda sa amin ng may galit sa kanyang mga mata. "Kayo! Kayo ang dahilan kung bakit naging ganito dito!" sigaw nito.
"Pero.. ngayon lang po kami nakapasok dito." marahan na saad ni Rita sa kanya.
Tila nahimasmasan naman ito, at bumuntong hininga ng malakas.
"Wala po kaming alam diyan, hala!" segunda naman ni Red sa sinabi ni Rita at binulong pa ang huli.
Tumitig din ako sa matanda at nagsalita, "Ngayon lang din po ako nakarating dito."
Bigla nalang itong yumuko at akmang pupulutin ang librong nahulog niya nang maunahan ko ito at binigay sa kanya. Ngumiti naman ako kahit hindi niya ako sinulian ng ngiti.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya.
Naging mahinahon na ito at pumunta sa may counter para ilagay ang librong bitbit niya, nakatingin lang kami sa kanya habang abala ito.
"Naghahanap po kami ng libro, kaso..." hindi natapos ni Rita ang sasabihin niya at tumingin sa kabuoan.
Nagkalat ang mga libro pati ang mga pahina, halos hindi na makilala ang iba dahil may mga putik pa itong nasasama.
I heaved a sigh, "Sino po ang may gawa nito?" tanong ko at tinuro ang mga libro sa sahig.
"Mga estudyante ng Salla."
Napasinghap kami sa sinabi ng matanda. Mga estudyante rin? Tumingin ako sa matanda ngunit umiwas lang ito ng tingin.
"Po? B-bakit? Sino po sila?" hindi makamayaw na tanong ni Red sa kanya. Ngunit hindi sumagot ang matanda bagkus tumingin din ito sa amin.
"Anong libro ang hinahanap niyo?" tanging tanong nito.
May binigay na papel si Blair kaya agad akong napatingin dito. Napalaki ang mata ko nang makitang iginuhit niya pala ang librong pinakita ni Headmaster kanina at gaya ng libro kuhang-kuha niya ito.
"Ang galing!" I murmured to myself.
Napakunot ang noo ng matanda ngunit kalaunan ay parang may naalala ito at tumingin sa mga librong nagkalat sa sahig.
"Alam kong nandito ang librong yan ngunit hindi ko alam kung nasaan na ngayon." saad niya.
Nakita ko namang napabagsak ang balikat nilang tatlo ngunit tumingin lang ako sa matanda. "Kami na po ang maghahanap dito, at ibabalik po namin lahat ng libro sa tamang lagayan nila, okay lang po ba 'yon?"
Biglang napatingin ang matanda sa akin, ngumiti ako sa kanya ngunit bigla nalang nanubig ang mata nito. Hindi naman ako mapakali sa nasaksihan at agad siyang dinaluhan. Hinawakan ko ang kamay nito at pinaupo.
"Pasensiya na kayo sa inasal ko mga iha." nakayukong saad nito.
"Hindi ko inaakala na may tutulong pa sa akin, dahil lahat ng nasa labas wala man lang ginawa kung hindi tumingin." mahinang pahayag ng matanda.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...