Chapter 16

2.4K 71 1
                                    

Subalit hindi lang pala ako ang nakakakita kung hindi kaming lahat. Binalik ng may-ari ang tingin niya sa amin at ngumiti.

"Kayo ang huli naming pagsisilbihan, ininyayahan ng Reyna ang lahat sa harap ng palasyo." saad nito sa amin.

"Ganon po ba? Bilisan nalang po namin ang pagkain." sagot naman ni Victoria sa kanya na agad niyang ikinatuwa.

"Maraming salamat." sagot nito at agad inasikaso ang mga pagkain namin.

Nasa isang lamesa lang kaming lahat, nasa kanan kami nina Blair, Red, Rita, July at Andrea habang ang iba ay nasa kaliwa. Hindi na din tahimik ang paligid dahil nag-uusap na sina Hendrick at Harvy ng ubod ng lakas habang tumatawa si July sa gilid ko na nakatingin sa kanila.

Tahimik lang naman sina Blair, habang inip na inip na si Rita para kumain.


"Ano kaya ang nangyayari dito?" biglang saad ni Andrea sa kawalan.

Napatingin naman ako sa kanila, si Rogue na may malalim na iniisip at si Victoria na pawang nakatingin lang sa kaniya. Habang ang iba ay nag-iisip sa sinabi ni Andrea.

"Baka may paligsahan." sagot naman ni Hedrick sa kanya.

"Pagdidiwang?" segunda naman si Harvy at tumawa pa ang dalawa.

"Maaring tama ang dalawa. Hindi natin alam ang patakaran dito dahil wala naman tayong Hari't Reyna sa Salla." sagot naman ni July sa kaniya.


Mahina akong tumango sa sinabi niya. Maski ako hindi ko alam ang patakaran sa lupaing may Hari at Reyna dahil maski sa Nama wala. Siguro masyadong organisado at mataas ang seguridad ng lupaing may nangangalaga.

Bigla namang dumating ang may-ari bitbit ang mga pagkain namin. Agad naman namin itong kinain at kusang tumahimik ang hapag.



Makalipas ang ilang minuto ay tapos na ako, lumingon naman ako sa iba at nakitang malapit na din silang matapos. Nilibot ko nalang tingin sa loob hanggang napadpad ang tingin ko labas. Isa-isang nagsirasahan ang mga paninda sa labas habang ang iba naman ay sumasakay na sa mga kalesang naka parada sa labas.

Bigla naman nanglaki ang mata ko ng makitang malapit ng maubos ang mga kalesang maari namin sakyan patungong Namorn.

"Unti-unti ng umaalis ang mga kalesa! Baka wala na tayong masakyan!" sigaw ko sa kanila.


Agad nilang binaba ang kutsara nila at tumingin sa labas. Gaya ko ay nanglaki din ang mata nito na tila hindi makapaniwala.


"Tayo na." lahat kami ang sumang-ayon sa sinabi ni Rogue. Kahit ang iba ay hindi pa tapos kumain gaya ni Red na ngayon ay nakasimangot ay wala siyang magagawa. Agad nagbayad si Victoria sa may-ari na ngayon ay nakabihis na at papa-alis na din.

Pagkalabas namin, agad akong tumakbo ng makitang tatlong kalesa nalang ang natitira. Hindi ko alam kung tumakbo din ba ang iba ngunit paglingon  ko sa likod, lahat pala sila ay nakasunod sa akin.


Agad akong may nakitang kutsero na naghihintay sa gilid ng kalesa niya kaya pinili ko itong puntahan. "Sa Namorn po kami." hingal na saad ko sa kaniya.


Tumango naman ito at tumungo sa harap. Agad akong sumakay sa tabi niya at pilit hinahabol ang paghinga. Ngunit napaawang ang bibig ko ng makitang nasa gilid ko na nakaupo si Rogue na nakatingin lang sa harap. Mas lalong nanglaki ang mata ko ng makitang nasa labas si Victoria nakatingin sa amin, mahina kong tinampal ang kamay ko.

Malamang magkatabi sila, agad akong yumuko at tumayo para sana bumaba ng biglang sumigaw ni Blair sa likod. "Diyan ka na Alliya, para alam mo ang daan papuntang Namorn." sigaw niya.


Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon