Chapter 45

1.6K 37 0
                                    

"Celeste!" rinig kong saad ni Aling Linda.

Narinig ko nalang ang mga hiyaw ng ibang kasama ni Aling Linda, ang impit nilang daing at ang sigaw nila na tila labis na nasaktan. Hindi ko alam ang nangyayari at hindi ko alam ang kung anong gagawin ko. Iiyak ba ako o tatakbo muli palayo sa kanya.

"Umalis kana d'yan, Alliya!" nagulat ako ng bigla nitong banggitin ang pangalan ko. Napasinghap naman ako at hindi makapaniwala dahil sa kauna-unahang pagkakataon tinawag niya ako gamit ang sarili kong pangalan.

Pinakiramdaman ko naman ang katawan ko, ngunit hindi ko parin ito magalaw, hindi ko rin maibuka ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano makakala--


"Use your feet, idiot!" tila nabasa naman niya ang aking iniisip dahil sa sinabi nito. Tumango ako kahit hindi ko alam kung nakikita niya at pilit inihakbang ang paa ko.

Labis naman akong natuwa nang maihakbang ko ito, at naramdaman ang lamig ng sahig. Unti-unti ko namang ibinukas ang aking mata at ang una kong nakita ang mukha niya na nakatingin. Hindi nakangiti, ngunit hindi din galit.

Napatingin ako sa likod ko at nakitang nasa loob ng hugis bilog na kulungan si Aling Linda akmang tatakbo ako sa kanya ng bumalik sa isipan ko ang lahat ng sinabi niya, siya... siya ang may gawa nito sa akin. Nilibot ko ang tingin sa paligid at halos nanginig ako sa aking nakikita. Nagkalat ang mga tao sa loob na gaya ni Aling Linda nasa loob sila ng isang bilog at may nakakabit na aparatus nito na nagsisilbing hangin nila sa loob habang sila ay nasa ere na tila kinukuhanan ng kung ano sa katawan nila.


Ngunit mas lalo akong napasinghap ng makitang nasa loob ng malaking bilog sa gitna si Nelia at lahat ng aparatus galing sa mga taong nandito ay nakakabit sa kanya. Hinanap ko naman ang ibang kasama ni Aling Linda kanina at nakitang sa gilid silang lahat habang may nakapalibot na lubid na gawa sa kidlat ang nasa kanilang katawan at mga walang malay.

Napailing ako ng mahina dahil hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, anong ginagawa nila? At ako muntik na, muntik na akong matulad sa kanila kung hindi lang siya dumating, muli akong tumingin sa kanya. Ang babaeng nagkulong sa akin sa mahabang panahon, ang babaeng sinasaktan ako sa mahabang panahon, ang babaeng pumatay sa mga magulang ko, ngunit ngayo'y ang babaeng nagligtas ng buhay ko.

Iniwas ko ang tingin ko, at tumingin kay Aling Linda na nanlilinsik ang matang nakatingin sa akin at sa kanya. "Sinira mo lahat ng plano ko!" malakas na sigaw niya sa loob at pilit itong sinisira. Ngunit dahil sa kapangyarihan niyang nakapalibot dito hindi ito magawa ni Aling Linda.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, ano ba ang balak niyang gawin sa akin? Sa mga taong nandito? Lalong-lalo na si ang kapatid niya na si Nelia na nasa loob parin ng loob ng hugis bilog.

"She is after you, Alliya." napatingin ako sa kanya ng bigla itong umimik. Ngunit napakunot parin ang noo sa sinabi niya at muling tumingin kay Aling Linda. H-hindi... hindi niya 'yon magagawa sa akin. Niligtas niya ako, mahal niya ako, inalagaan niya ako. Ngunit lahat ng nasa isip ko ay nawala ng humalakhak ito. Tila ay hindi kona kilala ang babaeng nasa harap ko ngayon.

"Tama ka,!" saad ni Aling Linda at tumitig sa akin, "Inaalagan kita at inaral kita! Lahat ng kilos mo, ang pananalita mo, ang pag-kain mo, ang pag-inom mo, kahit ang pagkurap mo! Lahat 'yon inaral ko. Ginawa ko ang lahat para pagkatiwalaan mo ako, ginawa ko ang lahat para mahalin mo ako nang sa gayon ay makuha ko ang gusto ko! Ngunit hindi ko 'yon magagawa pag nasa bahay ka ni Celeste kaya gumawa ako ng paraan para makaalis ka, at gagawin ko rin ang lahat para makasunod at makuha ka! Gusto ko ang katawan mo! Gusto ko ang kapangyarihan mo! Gusto ko ang mukha mo!" pagtatapos ni Aling Linda at galit na galit na tumingin sa akin.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon