Chapter 19

2.4K 71 0
                                    

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tago na namin ito sa mga puno at dahon na nandito sa loob ng gubat. Talagang tinutoo ni July ang sinabi niyang susundan namin silang maghanap ng ginto. Hindi ko na din alam kung nasaan na ang iba pa naming kasama.

"Akin na nga uli ang mapa, Constance!" rinig naming sigaw ng isang babae sa kanya na agad niyang sinunod.

Napatitig naman kami ni July sa babaeng inutusan niya, may kinuha itong isang mapa na galing sa bag niya at ibinigay sa babae. Nakatitig lang sila sa babae ngayon, nag-aabang sa sasabihin nito.

"Malapit na tayo." saad niya sa kanila. Ibinalik niya ang mapa sa babae at nagsimula na naman silang maglakad pahilaga.

Tiyak kong napakalayo na namin sa lagusan ng gubat, at tiyak kong kanina pa kami hinahanap ng iba.

"Baka hinahanap na tayo ng iba." bulong ko kay July habang nasa likod kami ng isang malaking dahon.

"Wag kang mag-aala, susunod 'yon sila." sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "Paano?"

Bigla itong napahinto sa kinalalagyan niya at napatitig sa akin, ngunit napa kibit-balikat ito, "Magtiwala ka lang sa kanila," bulong niya at ngumiti.

Akmang susunod na kami sa kanila ng biglang lumingon ang lalaking nasa likod nilang lahat, napahinto naman ang mga kasama nito at napatingin sa kanya, dali-dali kaming dumapa ni July. Ngunit napalaki ang mata ko ng malapit ng makita ang paa niya sa likod, agad ko itong inituro sa kanya, nanglaki din ang mata nito ngunit unti-unting tumakip ang mga dahon na nasa malapit nito.

Bigla akong napatitig kay July ngunit ngumiti lang ito sa akin, "I have a plant magic." she mouthed na agad kong naintindihan.

Nabalik kami sa reyalidad ng biglang nagsalita ang isang babae sa harap, "Why?"

"I hear noises."

Napahawak ako sa braso ni July sa binanggit nito, hindi na kami tumingin pa o sumilip kung anong nangyayari sa kanila sa harap.

"Baka guni-guni mo lang, let's go." saad naman ng isang babae na napahinga ng maluwag sa amin.

Rinig ko ang yabag nila papalayo, kaya agad akong sumilip sa gilid na ginawa rin pala ni July. Nang makita naming hindi na nila kami maradamdaman pa ay agad kaming tumayo, at nagsimulang maglakad sabay tago sa likod ng mga puno at dahon.

"Saan ba tayo papunta?" tanong ko sa kanya.

Ngunit hindi ako nakarinig ng sagot, pagtingin ko sa kanya pilit pala nitong kinukuha ang damit nitong nakasabit sa isang sanga. Agad akong dumalo sa kanya para sana tumulong ng bigla niya itong pinunit. Ang kaninang maikli niyang damit mas lalong naging maikli ngayon.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito sa akin, "Sanay na ako diyan, tayo na!" saad niya sabay pakita sa napunit na damit niya.

Tumango ako at nagsimula na kaming sumunod sa kanila, gamit ang mga malalaking dahon at puno na mapagtataguan, tagumpay namin silang nasundan na hindi man lang napapansin, muntik na palang mapansin.


Ngunit agad akong napalinga sa paligid ng hindi ko na sila makita pa, akmang sasabihin ko na ito kay July ng unahan niya ako sa pagtanong, "Nasaan na sila?" tanong niya.

Hindi ako sumagot dahil maski ako hindi alam kung nasaan sila, napadpad ang mata ko sa isang malawak na daan sa harap at sa hangganan nito makikita ang isang talon na tila walang tunog ngunit kumikinang.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon