Chapter 17

2.4K 66 1
                                    

Nagising ako ng biglang may tumapik sa balikat ko, unti-unti kong ibinuka ang mata at nilibot ang tingin sa paligid hanggang napadpad ang tingin ko kay Rogue na nakatingin pala sa akin.

"Nasaan na tayo?" mahinang tanong ko at uminat ng konti.

Tumingin naman ito sa daan at sumagot. "Malapit na tayo."


Pagkasabi niya ay agad akong lumingon sa labas ngunit biglang nanglaki ang mata sa aking nakikita. Lahat ng puno ay kumikinang, hindi ko alam kung paano at saan ito galing ngunit paiba-iba ang kulay nila. Dumagdag lang ito sa kagandahan ng lugar, hindi ko alam na may ganitong klaseng lugar pala dito sa Sylverian.

Rinig ko naman ang mahinang tawa ni Rogue sa gilid kaya bigla akong napaayos ng upo. "Ngayon lang ako napadpad dito." pagdadahilan ko sa kanya.

"It was made of lights. Nasa Namorn na tayo." sagot naman niya sa akin.

Lights? May ganoong puno pala? Sa di kalayuan may nakita kaming isang malaking tarangkahan, kaparehas lang ang laki nito sa Salla ngunit kitang-kita sa taas ang ilang ilaw na tumatakas sa loob pati ang maingay na mga mages. Huminto naman ang kalesang sinasakyan namin sa mismong tapat ng tarangkahan, may inabot na ginto si Rogue sa akin kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Bayad sa kutsero." saad naman niya.

Dali-dali naman akong tumingin sa kutsero at binayad ang gintong binigay niya. Bumaba na si Rogue sa kalesa kaya agad akong sumunod. Nakita ko namang bumaba na sila Blair galing sa likod, at pumunta sa gawi namin.

Ngayong kita ko na ang kabuuan ng tarangkahan ngayon ko lang nakita na may nagbabantay pala sa tarangkahan. Maaring hindi kami basta-basta makakapasok diyan.

"Saan tayo ngayon?" biglang tanong ni Rita sa kanila.

Lahat naman sila ay tumingin kay Rogue na ngayon ay nakatingin lang sa tarangkahan, nakita ko namang nasa gilid na niya si Victoria kaya dahan-dahan akong lumayo para sumama kina Blair. Pagkarating, agad naman akong kinurot ni Red na nagpakunot ng noo ko.


"Hindi tayo diyan sa loob maghahanap, let's go." saad ni Rogue sa amin.

Nagsimula na itong maglakad, sumunod naman ang Alpha at kami na nasa hulihan.

"Alliya! Rinig na rinig ko kayo." mahinang saad ni Red sa akin.


Tumingin naman ako sa kanya na tila nagtataka. "Ha?"

"Nasa likod niyo ako nakaupo, okay! Alam kong nag-uusap kayo ni Rogue." saad niya at sinusundot pa ang bewang ko sabay tili.


"Anong nag-uusap? I-kwento mo sa akin dali!" biglang sumulpot si Rita at sumabay sa amin. Tahimik lang din si Blair na nakikinig sa gilid niya.

Ikinuwento naman ni Red kay Rita ang pinag-usapan namin ni Rogue, kita ko namang napatakip pa si Rita sa kanyang bibig dahil balak pa nitong tumili. Napasapol ako sa aking noo ng mapagtantong, iba pala ang pinapahiwatig nila at nakikinig pala si Red sa amin na akala ko ay natutulog lang kanina.


"Sa tingin ko nagseselos si Victoria kanina." dining kong bulong ni Red sa amin.

"Sinong nagseselos?"

Bigla kaming napatili ng lumitaw si Hedrick sa gilid ko na ngayon ay sumasabay sa paglalakad namin.

"Wag mo kasing ginugulat, pre!" sigaw ni Harvy sa harap at tumawa pa.

Humalakhak lang si Hedrick bilang tugon. Napahawak pa ako sa dibdib ko kanina dahil sa labis na gulat. "Sino ngang nagseselos?" ulit na tanong niya.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon