Agad namin itong dinaluhan na ngayon ay nakaunan sa hita ni Victoria. Ginising nang ginising ni Victoria si Meliora ngunit hindi talaga ito gumigising.
"Wag niyo 'yang hahawakan, maliwanag!" paalala ni Avalie sa amin. Lumuhod ito sa harap ni Meliora at inilagay ang mga palad niya sa kanyang noo. Bumigkas ito ng mga salita na hindi ko maintindihan at umilaw ang noo nito.
Agad naman itong tumayo, "Magigising si Meli, mamaya wa--"
Bago paman matapos ni Avalie ang sasabihin bigla kaming nagulat ng sumigaw si Rita, "Sa taas!" napunta ang tingin namin dito, at nakitang may paparating na napakalaking bolang apoy.
"Tutustahin ba nila tayo?!" malakas na sigaw ni Elara at nagpalabas ng napakalaking tubig sa kamay niya. Ganon din ang ginawa ni Victoria at pinaghalo ang dalawa nilang kapangyarihan. Nabuo ang malaking bolang tubig at agad nila itong inihagis pataas. Pagtama nito sa malaking bolang apoy agad kaming napapikit sa epekto nito.
Ngunit bago paman ito mawala isang napakaraming pana ang ngayon ay papunta sa amin. Bumuo ng malaking harang sa itaas si Andrea ngunit may iba parin na tumatagos papunta sa amin, wala kaming nagawa kung hindi iwasan o gamitan ito ng kapangyarihan.
Napalaki naman ang mata ko ng makitang nasa sahig na si July nakahandusay pagtingin ko sa likod niya may bakas na namumuong dugo dahil sa tinik. Agad itong dinaluhan ni Avalie at hinawakan ang noo habang may sinasabi na mga salita.
"Watch out!" malakas na sigaw ni Rita.
Pagtingin ko sa itaas ay mas domoble ang dami ng mga pana. Masyadong malimit ang espasiyo na nandito kung mapipigilan namin ang iba mayroon paring iba ang tumatagos papunta sa amin. Dapat din naming iwasan ang mga tinik na nandito.
Dumeritso ang pana papunta sa amin sa mas doble na bilis, pilit parin namin itong iniiwasan ngunit hindi ito nauubos.
"Hindi nauubo--" hindi natuloy ni Rita ang sasabihin niya ng bigla itong nahimatay sa gilid. Agad akong dumalo sa kanya at tiningnan ang tinik nito na nasa balikat. Agad namang pumunta si Avalie sa akin at gaya ng ginawa niya kina Meliora at ganoon din ang ginawa niya kay Rita.
Napatingin ako kina Andrea na pilit paring iniiwasan ang mga pana na hindi nauubos, bigla akong tumayo napatingin naman si Avalie sa akin, "Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong niya.
Wala naman sigurong masama kong susubukan ko. Mas madami ang mahihimatay kung hindi kami makakalabas dito, tumitig ako kay Avalie, "Kung may mangyari sa akin, ikaw na bahala!" saad ko.
"Hoy! Mag-ingat ka Alliya!" saad nito.
Pumikit ako bago unti-unting tinusok ang kamay ko sa mga pader na may tinik, napalaki naman ang mata nila napatingin sa akin. Shuta! Masakit ngunit wala akong naramdamang kakaiba sa katawan ko. Gaya ng ginagawa ko sa mga kapangyarihan nais kong sirain, ganoon ang ginawa ko.
Nanglaki naman ang mata nila na unti-unti itong nasira habang tumaas ang sulok ng mga labi ko. Magagawa ko palang sirain pati kapangyarihan ng mga sorcerers. Nanglaki naman ang mata ng mga babaeng tumingin sa amin. Natigil sila sa kanilang ginagawa at tumitig sa akin.
Subalit mas nangunot ang noo namin sa ginagawa nila may namumuong bilog na sa gitna nila na tila isang ritwal na ginawa nila kanina habang nasa loob kami.
Nakita ko namang napalaki ang mata ni Avalie na nakatingin sa bilog sa gitna. "They're the o-one w-who did it. That ritwal.. isa yang ritwal para manghigop ng kaluluwa ng mages at maging isa itong bato."
Marahas na tumingin ang babae sa amin at tumitig kay Avalie. "Sino ka? Sino ang lapastangang sumira?!" mariin na sigaw ng isang babae sa amin.
Ngunit bago paman ito magpalabas ulit ng panibagong spells ay sumugod na sina Elara at Victoria papunta sa kanila. May namuong mga bolang tubig sa mga kamay nila upang sirain ang bolang ginawa nila.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...