"Bakit po Headmaster?" tanong ko.
Tumingin naman ito sa akin at napabuntong-hininga, "Alam na ba nila ang kapangyarihan mo?"
Tumango ako, "Nagamit ko po ito sa misyon, may nakalaban po kami." sagot ko.
"Anong sinabi ni Rogue sa iyo?"
Bigla akong natahimik sa tinanong niya. Sasabihin ko ba na humihingi siya ng tulong sa akin? Baka tumutol si Headmaster? Ngunit ayaw ko namang magsinunagaling sa kanya.
Napayuko ako, "S-sinabi niya po.. na ang ina niya ay mayroon ding rare magic, at kailangan niya ng tulong ko." mahinang sagot ko sa kanya.
Hindi ako tumingin kay Headmaster at tanging nakayuko lang, hindi din ito sumagot sa sinabi ko. Makalipas ang ilang minuto bigla itong nagsalita, "'Yan ang dahilan kung bakit sinabi ko sa iyo na kailangan ko ng tulong mo." bigla kong itinaas ang ulo ko at tumingin kay Headmaster na nakakunot ang noo.
"Parang anak ko na si Rogue, gusto ko lang maging masaya ito. Nang nalaman kong mayroon kang rare magic si Rogue agad ang naisip ko. Maari mo ba siyang tulungan, Alliya?" dagdag niya pa.
Walang pagalin-alangan akong tumango ng paulit-ulit sa kanya, "Oo naman po. Ngunit hindi ko alam kung paano." sagot ko naman sa kanya.
"Ako na ang bahala," paunang saad niya, tumayo ito at may kinuhang libro sa likodang lagayan niya ng mga libro, "pag-aaralan ko ulit ang tungkol sa kapangyarihan niyo, maghahanap ako ng paraan. O siya, pumunta kana sa dorm ng Alpha." pagtatapos niya.
Ngumiti ako sa kanya at kumaway bago buksan ang pinto. Malakas akong napabuntong-hininga pagkasirado ko nito, at dahan-dahang naglakad patungo sa building nila na katabi lang ng sa amin.
Mula sa malayo tanaw ko na ang building nila, nilagpasan ko lang ang sa amin at pumasok sa bulwagan ng building. Pagkatapak ko palang lahat ng mata na nandito ay napatingin sa akin, mailan-ilan lang din ang nakikita kong estudyante ang nandito at lahat sila ay halos nakita ko na sumali sa paligsahan.
Bigla akong napahinto at napakamot sa ulo ng mapagtantong hindi ko alam kung saan ang dorm nila Rogue, sa dami pa naman ng kwarto na nandito.
Magtatanong ba ako sa mga estudyanteng nandito? Wala namang masama diba?
Una kong nakita ang babaeng nakatayo lang sa gilid, tumingin ito sa akin ngunit binalik din niya ang tingin sa kuko niya, nang maramdaman niyang nakatayo ako sa harap niya ay tumingin ito sa akin.
"Bakit?" walang ganang tanong nito.
"Ahm. Alam mo ba kung ano ang numero ng dorm ng Alpha?" mahinang tanong ko sa kanya.
Bigla itong napatingin sa kanya at tinignan ako mula ulo hanggang paa, at tumitig sa akin, "Kung isa ka sa nangangarap na mapansin nila, umalis ka nalang!" sagot niya at ibinalik ang tingin sa kulay dilaw niyang kuko.
Napabuntong-hininga ako at sasagot na sana ulit, ng biglang may tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko si Rogue pala ito nakatayo sa gilid ng elevator. Agad akong kumaway sa kanya at lumingon sa babae na ngayon ay napaawang ang bibig na nakatingin sa amin, "Hindi ako nangangarap." saad ko sa kanya bago umalis at pumunta sa gawi ni Rogue.
"Anong ginagawa mo?" agad na tanong niya at lumingon sa babae sa likod.
"Nagtatanong lang ako kung saan ang dorm niyo." sagot ko naman. Tumango naman ito at pumasok ma sa loob ng elevator, sumunod naman ako sa kanya. Tumingin pa ako sa babae na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sa amin, mahina akong napabungisngis. Agad namang pinindot ni Rogue ang 4, at agad sumirado ang pinto ng elevator.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasíaAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...