Chapter 6

2.6K 89 11
                                    

"Let's go sa labas ko nalang sasabihin." saad ni Blair sa amin. Dali-dali silang tumayo at lumabas kaya agad akong sumunod. Napahinga naman ng maluwag si Rita nang makitang malayo na kami sa cafeteria.

"Y-yong kanina... they're the group Clovers. Isa sa malakas dito sa Salla." hinihingal na saad ni Blair. Tumingin naman ito sa akin. "And I have a magic of seeing what happened in the past only by touching anything from a specific person." dagdag niya na agad nagpalaki ng mata ko.

But she chuckled and continue, "Kaya ko lang makita ang nakaraang dalawang araw, and for the record hindi ko tiningnan ang iyo Alliya. I didn't activate it, when I shake your hand." pagtatapos niya na nagpahinga ng maluwag sa akin. Dahil kong nangyari 'yon makikita niya ang pagtulong sa akin ni Aling Linda, at ang pagtakbo ko sa loob ng gubat.

"Anong nakita mo kay Rocky?" tanong ni Rita sa kanya.

Umupo kami sa malapit na bench dito, tumingin naman si Blair sa aming lahat bago nagsalita, "Hindi siya, kagagaling lang nila sa mission at ngayon lang sila bumalik."

Kinuha naman ni Red ang papel at agad binura ang pangalan ni Rocky sa listahan. Kinuha ko naman ito at binasa ang susunod na nakasulat.

"Hedrick from Alpha." basa ko.

Ngunit agad napailing ang tatlo na ipinagtataka ko.

"He's from Alpha, hindi ako sigurado." saad naman ni Blair.

"Bakit mo isinulat? Shuta! next person." sagot naman ni Rita sa kanya.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

Dahil nasa gilid ko si Red at sumiksik ito sa akin, "Makapangyarihan ang Alpha dito, they're the strongest groups aside Clover, at hindi na nila kailangan pa nang ginto." mapait na pagkakasaad nito sa hulihan.


"Sino sunod Alliya?" tanong ni Blair sa akin.

Agad ko namang tiningnan ang papel, "Sammy from Wonder."

"Diba 'yon yung babaeng halos wala kang makitang balat sa kanya maliban sa mukha? Palaging naka jacket, pants at socks?" saad ni Rita sa kanila.

Tumango naman ang dalawa sa sinabi niya.

"Let's go nakita ko siya sa harap ng gate kanina." saad ni Red sa amin. Tumayo naman kaming apat at tumungo sa gate kung saan marami paring estudyante ang nakaupo at naghihintay.

Minsan iniisip ko, ganyan na din ba ang buhay ko sa susunod, uupo sa harap ng gate, mahihintay ng misyon at gagawin ito... dahil hindi na ako makapaghihintay.

Nang makarating sa gate agad hinanap ng mata ko ang babaeng tinutukoy nila kanina at hindi nga sila nagkakamali. Nakatayo ito habang balot-baot ang sulot, may kasama din itong ibang babae ngunit siya lang talaga ang natatangi ang suot sa kanilang lahat.

Takot ba siya sa araw?

Tumingin kami kay Blair kaya tumango ito ng marahan, naglakad lang siya papunta kay Sammy at binangga ang balikat nito, ngunit nakita kong humingi ng paumanhin si Blair dahil panay ang pagyuko nito, ngumiti lang naman si Sammy sa kanya. Tumingin naman ito sa amin at nagsimulang maglakad pabalik.


"Hindi siya." bungad na saad niya.

"Details?" tanging saad ni Red sa kanya.


"Nasa gate lang siya simula kaninang umaga." sagot ni Blair sa kaniya.

Tumango naman kaming apat. "Sino sunod sa listahan, Alliya?" tanong ni Rita sa akin.

Agad ko naman itong tiningnan at binasa, "Phil from the group Sign." basa ko.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon