Chapter 24

2.4K 67 2
                                    

Tila nawalan ako ng boses sa tunog ng salita nito. Tunog nakikiusap, tunog ng puno ng kalungkutan. Maigi akong tumingin sa kanya na ngayon ay nakatingin din sa akin, deritso akong tumitig sa mata niya at dahan-dahan na tumango.

I was startled, nang bigla nalang ako nitong niyakap. Hindi ako gumalaw ngunit unti-unti din akong tumugon sa yakap nito. Halos magkapareho kami ng sitwasyon, siya na pilit hinahanap ang kanyang ina, ako na hinahanap ang presensiya niya. Ngunit alam kong hindi na sila mabubuhay pa ngunit siya.. maaring makapiling pa niya ito at gagawin ko ang lahat para makamit niya ito.


"Thank you." saad niya bago kumalas sa yakap. Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na sumagot pa.

"Tayo na, maaga pa tayo bukas." saad ko at nagsimula ng maglakad pabalik. Sumabay naman ito sa akin, at hindi na nagsalita pa.


Pagkarating, agad kaming tumungo bawat pintuan. Akmang pipihitin ko ang pinto ng bigla itong nagsalita, "See you tomorrow."

"Okay." saad ko sabay tango. Tuluyan na akong pumasok sa kwarto, nakita ko namang gising pa sina Blair at Rita na tila naghihintay sa akin.


"Saan ka galing, Alliya?" bungad ni Rita pagkaupo ko sa kama.


"Kay Lolo Cruz." tanging sagot ko. Ayaw ko namang malaman nilang si Rogue ang kasama ko pagkatapos. Baka kukulitin na naman ako nitong magkwento at marinig pa ng iba, lalong lalo na si Victoria.


Ramdam kong may nararamdaman ito kay Rogue, babae din ako at hindi ako bulag. Kaya hindi nakakatulong kung sasabihin ko pa ito kay Blair.


"Matulog na tayo." ngiting saad ko sa kanila. Tumango naman ang dalawa at agad na kaming humiga sa kama. Nasa kabilang kama sina Andrea, July, at Victoria habang kaming apat ang nandito sa kabila. Si Red ay kanina pa natutulog sa gitna namin, si Rita na nasa kanan niya at ako habang nasa kaliwa naman si Blair.

Unti-unti kong ipinikit ang mata ko ng may ngiti sa labi. Hindi ko alam ngunit parang natutuwa ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon.

--

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Kusot mata akong bumangon, tumingin pa ako sa ibang babae ngunit kapwa tulog pa sila. Agad akong dumeritso sa pinto para buksan ito.

Pagkabukas, bumungad sa akin ang mukha ni Adam na nag-aabang. Nagulat pa ako dahil siya ang nandito, ngunit ngumiti lang din ako. "Aalis na daw tayo sabi ni Rogue." saad niya sa akin.

Tumango ako, "Okay, maraming salamat." sagot ko naman. Tumango lang ito at bumalik na sa kwarto nila.

Pagkasirado ko ng pinto, nakita ko nang gising na sina Blair at Victoria at nakaupo sa kama nila.

"Anong sinabi?" bungad na tanong ni Victoria sa akin.


"Gisingin na daw ang iba, dahil aalis na tayo." sagot ko sa kanya. Agad niya namang ginising sina July at Andrea habang ginising ni Blair sina Rita at Red.




Nang gising na ang lahat at handa ng umalis, binuksan ko na ang pintuan. Pagkalabas namin ay siya ding paglabas ng mga lalaki sa kabilang kwarto. Ramdam ko naman na inaantok pa ito lalong-lalo na si Harvy at Hedrick dahil matamlay itong nakatingin sa amin habang bitbit ang chest na binalot sa isang supot.


Agad kaming bumaba patungong bulwagan, para ibalik ang susi. Pagkarating, agad dumeritso si Rogue patungo sa unahan kung saan nakaupong naghihintay si Lolo Cruz, agad akong sumunod sa kanya na nagpakunot ng noo ng iba.


Pagkakita ni Lolo Cruz sa amin agad itong ngumiti, "Aalis na kayo, Alliya?" bungad niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya, "Opo, mag-iingat po kayo dito. Dadalaw po ako sa susunod." sagot ko sa kanya.


Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon