Pagtapak ko palang sa lupa mas lalo akong namangha sa aking nakikita. Malayong-malayo ito noon. Masyadong moderno at masyadong maraming mages. Nagtataasan ang mga bahay na tila ba isa itong kompetensiya bawat isa.
Napunta ang tingin sa amin ng mga mages na nandito. Agad naman akong yumuko baka sakaling makilala nila ako. Hula ko ay nasa sentro kaming bahagi ng Nama at sa likodang bahagi lang nito makikita ang nakalinyang mga bahay na may iba't-ibang disenyo at laki.
Sumunod ako kung saan papunta sila Rogue, humalo lang kami sa dagsa ng mga mages at hindi na nagsalita pa. May mailan-ilan parin na tumitingin sa amin ngunit may iba din na binabalik lang ang tingin sa kanilang ginagawa.
Hindi ko lubos maisip na ganito na pala ang bagong ayos na Nama. Kung dati ay napakaluma ng mga bahay at konti lang ang mages na nakatira ngunit ngayon napakadami.
Dumeritso kami sa may kalakihang bahay, agad silang pumasok sa loob at sumunod naman ako sa kanila.
"It's good to be back!" agad na sigaw ni July pagpasok namin. Dumampa ito sa sofa at ipinikit ang kanyang mata.
Umupo din ako sa kalapit nitong sofa at tumabi naman sa akin si Red at Rita na hanggang ngayon namamangha sa laki ng bahay.
Napatingin naman kaming tatlo ng biglang tumikhim si Victoria. "May sobrang limang kwarto sa itaas, pumili lang kayong tatlo pwede niyo ng ilagay ang gamit niyo doon." saad niya.
"Paano si Blair?" kunot-noong tanong ni Red.
"May kwarto na ako dito." sagot naman ni Blair sa malayo.
Napatawa naman ng hilaw si Red at tumingin kay Victoria, ngumiti lang ako "Maraming salamat." saad ko at tumayo.
Gusto kong matulog.
"Una na ako sa inyo." paalam ko sa kanilang lahat at umakyat sa ikalawang palapag.
Madali lang namang mahanap ang sinasabi niyang kwarto dahil bawat pinto ay may kanilang pangalan. Pinili ko agad ang pinto na walang pangalan at pumasok. Ibinaba ko ang bag na bitbit ko at piniling pumunta sa may bintana.
Binuksan ko at tumitig sa labas. Ngunit napalumo lang ako ng makitang isa itong malaking gubat. Akala ko kita ang sentro mula dito. Agad ko din itong sinirado at dumamba sa kama.
Tiyak kong hindi na nila ako makikilala. Sa tagal ng panahon na nangyari 'yon baka nakalimutan na nila. Isa pa, napakalayo ng Nama noon at ngayon. Gusto ko mang magtanong kong anong nangyari sa nakalipas na taon, baka magtaka pa sila kung bakit.
Malakas akong napabuntong-hininga at inayos ang pagkakahiga ko, ipinikit ko naman ang mata ko para matulog.
-
Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa aking pintuan. Kinusot ko pa ang mata bago tumayo at binuksan ito. Bumungad naman sa akin ang mukha ni Andrea, "Pinapatawag tayo sa baba, Alliya." magiliw na saad nito sa akin.
Tumango naman ako at lumabas kasama siya. Nadatnan pa namin ang iba na nasa sala, naghihintay sa amin. "Sino dito ang marunong magluto?" agad na tanong ni Victoria sa amin.
Nilibot ko naman ang tingin sa kanilang lahat, nang makita kong wala ni isa ang nagtaas ng kamay ay malakas akong napabuntong-hininga, "Ako." saad ko.
Laking tuwa naman silang tumingin sa akin, nakita ko pang pumapalakpak si Harvy at Hedrick. "May sangkap ba dito?" saad ko nalang at pumunta sa kusina. Ngunit pagbukas ko palang ng ref ay wala itong laman kahit isa.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...