Bagong umaga at pangalawang araw na namin dito sa Nama. Hanggang ngayon ay hindi parin namin alam kung paano hahanapin ang may gawa. Wala na din nangyari na katulad doon sa babaeng naging bato.
"Paano ba natin hahanapin ang gumawa?" tanong ni Andrea sa amin.
Lahat naman kami ay napabuntong-hininga, walang palatandaan maliban sa suot na kwintas ng babae na nagpapahiwatig na taga Nama siya.
"Baka wala talaga dito." saad naman ni July.
"Baka nga! Ang saya nga ng mga tao sa sentro." segunda naman ni Harvy.
Namayani naman ang katahimikan sa amin. Maaring tama sila, maari din na hindi.
"Let's try to find outside." napatingin kami kay Victoria ng biglang nagsalita ito at tumayo.
"Victoria's right. Let's try to find clue outside." saad naman ni Adam.
"But how?" sagot ni Blair kay Adam.
Bigla akong napatingin kay Blair at napalaki ang mata. Bakit hindi ko 'yon naisip. Akmang magsasalita na ako ng biglang umimik si Rogue na nasa gilid ko. "Blair's magic." saad niya at tumingin kay Blair.
Napatango ako dahil 'yon din ang iniisip ko. Kayang makita ni Blair ang nangyayari sa nakalipas na ilang araw maari niya itong gamitin sa kahit na ano.
Napatayo naman ang iba at handa ng umalis, sumunod kami ng nag-simulang maglakad si Victoria patungong pintuan. Binuksan niya ito at nag-simulang maglakad palabas. Ngunit pagtapak siya sa daan siya ding pagbukas ng pintuan sa kaharap namin na bahay.
Pagtingin ko kumunot ang noo ko ng makitang 'yon ang babaeng pinagkakaguluhan sa sentro kahapon, ngunit mas nagtaka ako ng makitang halos maglaway sina Harvy at Hedrick ng makita siya.
Alam kong maganda siya, 'yon lang.
Tumingin ito sa amin at ngumiti. Unti-unti itong lumabas sa bahay niya at naglakad. Akala ko pupunta itong sentro ngunit dumeritso ito sa amin, nilibot pa niya ang tingin sa aming lahat bago nagsalita. "Magandang araw, bago lang ba kayo dito?" saad niya sa amin habang matamis na nakangiti.
Biglang umabante sa harap sina Harvy at Hedrick at inilahad ang kamay nila, "Oo, anong pangalan mo?" parang maamong tuta na saad ng dalawa.
Narinig ko namang napaismid sina July at Andrea sa gildi. Ngumiti naman ang babae, "Ako nga pala si Helen." sagot niya.
"Matagal ka na dito?" tanong ni Rita sakanya.
Tumingin ito sa amin, "Oo, simula pa noon." sagot niya. "Kayo?" balik tanong nito.
"Nandito lang kami para mag-bakasiyon." biglang sagot ni Victoria sa kanya.
Tumango naman ito sa kanya, "Saan ka pupunta, Helen?" tanong naman ni Harvy sa kanya. Na ngayon ay titig na titig sa mukha ni Helen.
Tumawa naman si Helen sa kanya at matamis na ngumiti, "Sa sentro, magliwaliw." sagot niya.
"Doon din kami pupunta, pwedeng sumabay?" saad naman ni Hedrick sa kanya.
Balak pa sana nina Andrea na sumagot ngunit ngumiti ng malaki si Helen at sinabay si Harvy at Hedrick sa paglakad niya. Kinawit niya ang kanyang mga braso sa dalawa. Wala naman kaming nagawa kung hindi sumunod. Nasa likod naman nila sina Rogue at Adam habang hulihan kaming lahat na babae.
"She's not that attractive." walang ganang saad ni Blair na rinig naming lahat na babae.
Tumabi naman si Andrea sa kanya at tumango ng tumango. "You're right, mas maganda pa nga ako!" mahinang sagot nito.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...