Bigla akong nagising ng malakas akong yugyugin ni Rita sa braso. Pagkadilat ko ng mata ay agad akong tumingin sa paligid at kami nalang pala ang nandito sa loob ng kalesa habang nakatanaw ang kutsero sa aming pag-alis.
Agad naman akong nahiya at nagpasalamat sa kanya, bumaba na kami ni Rita at unti-unting naglakad papasok sa gubat.
"Nasaan nga pala ang iba?" tanong ko sa kanya.
"Umuna na sa loob ng bahay.." saad niya at tinuro ang bahay ni Lolo Cruz, "Baka daw wala na tayong matuluyan, dahil maraming manglalakbay ngayon at dito na daw tayo magpalipas ng gabi." dagdag niya na ikinatuwa ko.
Marami akong ikwe-kwento kay Lolo Cruz, at matagal na ng huli kaming nagkita. Ang dami na palang nangyari sa panantili ko sa Salla at nagkaroon ako ng kaibigan at karamay.
"Tanda mo pa ba dito tayo unang nagkita?" ngiting kwento ni Rita sa akin.
Sinuklian ko naman ito ng ngiti at tumango, "Salamat at dinala mo ako sa Salla." saad ko.
"Duh! Ako paba!" sagot niya na ikinatawa ko.
Pagkarating, agad naming binuksan ang pinto at bumungad ang mukha nilang naghihintay sa amin sa bulwagan ng bahay, agad hinanap ng mata ko si Lolo Cruz ngunit hindi ko ito makita, agad namang itinaas ni July ang susi at tinawag kaming dalawa.
"Akyat na tayo!" sigaw niya.
Nagsimula na kaming umakyat patungo sa kwarto kinuha namin, nakita ko ding may hawak na isang susi si Rogue. Agad binuksan ni Rogue ang isang pintuan habang si July naman sa katabi nito, pumasok ang mga lalaki sa pintuan tinuluyan ni Rogue at sumunod kami kay July sa pagpasok.
Agad dumamba sa kama si Red at pumikit, nakita ko namang umupo sa sofa ang iba, habang ang iba sa isang kama pa na nandito. Magkasing-laki ang kwarto na ito sa dati kong tinuluyan dito, ang naiiba lang ay dalawa ang kama na nandito.
Tumabi naman sa akin sa pag-upo si Andrea at tumitig sa akin, napakunot ang noo ko at umiwas ng tingin sa kanya, "Isasama kita sa mga misyon, Alliya." paunang saad niya. Agad namang nanglaki ang mata ko sa sinabi niya, akmang iiling ako ng bigla niyang hinawakan ang ulo ko, "No buts! Matagal ko ng gustong makita ang mga mayroong rare magic dito sa Sylverian, tapos mayroon pala tayo sa Salla! Dapat ipagyabang yan!" dagdag na saad pa niya.
Napa facepalm ako sa sinabi niya, parehas lang sila nila Red at Rita na ngayon at kita ko pang natutulog na sa kabilang kama.
Bigla namang tumabi si July sa gilid ko, "Tama si Andrea, isasama ka namin sa susunod." saad naman niya.
Hilaw akong napatawa sa mga sinasabi nila, "Kina Blair ako na grupo nabibilang." sagot ko.
"Kasama natin sila!" agad na sagot ni Andrea na hindi man lang pinag-isipan. Nahagip ng mata ko ang ekspresiyon na Victoria na hindi ko mabasa habang nakatingin lang sa amin.
"Okay lang naman, Victoria diba?" tanong naman ni Andrea sa kanya.
Nagkibit-balikat lang ito, "If Rogue agrees, it's fine with me." sagot niya sa kanila.
Rinig ko namang nagdiwang ang dalawa sa gilid ko, "Hindi ba tayo kakain?" pag-iiba ko sa pinag-uusapan.
"Kami nalang ni Alliya ang magluluto," saad ni Blair at tumingin sa akin, "Tayo na!" agad akong tumayo at sumunod sa kanya.
Pagkabukas niya ng pinto ay siya ding pagbukas ng pinto sa kwarto nila Rogue at bumungad ang mukha ni Adam, tumingin naman si Blair sa kanya at nagsalita, "Kami na ang magluluto, sa kwarto nalang namin tayo kakain." tumango naman si Adam sa kanya bilang tugon.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...