Chapter 31

2.1K 64 7
                                    

Halos libutin na namin ang sentro ngunit hindi ko talaga sila makita. Bigla akong napatingin sa ulap at makitang malapit na palang dumilim. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil nababahala ako sa kanila. Alam kong wala sila sa tamang katinuan ngayon.

Nabaling ang tingin ko sa tumatakbong Blair papunta sa amin ni Victoria, nagkahiwalay kami kanina para madali namin silang mahanap, at magkasama kami ni Victoria ngayon.

"Nahanap niyo ba?" bungad ni Victoria sa kanila.

Umiling naman si Blair at Rita. "Wala talaga sa paligid." sagot ni Rita sa kanya. Napatingin ako kay Blair, kitang-kita sa mata niya na pati siya ay nababahala na rin.

Makalipas lang ang ilang minuto dumating na din sina Andrea, July at Red at gaya nila sabay din silang umiling. Malakas kaming napabuntong-hininga, malapit ng gumabi, nagsisirahan na din ang ibang tindahan ito. Hindi kami dapat umuwi nang hindi sila kasama.

"Excuse me." napatingin kami ng biglang may nagsalita sa likod namin. Ito 'yong tinuro na magandang babae ni Victoria kanina.

"Parang may hinahanap kayo..." napabuntong-hininga ito, "Kung hinahanap niyo ang mga kasamahan niyo, subukan niyo sa bahay ni Helen, doon niya dinadala ang mga lalaking mababaliw sa kanya." saad niya sa amin.

Agad kaming nagpasalamat sa kanya at akmang maglalakad na papunta sa bahay ni Helen ng biglang umimik si Victoria. "Why are you helping us?" tanong niya na tila nagtataka.

Napayuko naman ito, "May malakas akong kutob na--" ngunit hindi niya tinuloy ang sinasabi niya. Tumitig lang ito sa amin at ngumiti, "Mag-ingat lang kayo kay Helen, hindi niyo siya kilala." tanging saad niya at umalis.

Napakunot naman ang noo naming lahat ngunit agad din kaming tumalikod sa kanya at nagsimulang maglakad patungo sa bahay ni Helen. Malalaki ang mga yabag namin at hindi na namin napigilang tumakbo.

Mabuti lang at magkaharap lang ang mga bahay naming dalawa.

Pagkarating namin agad kaming dumeritso sa bahay nag-babakasali na umuwi na ang apat ngunit wala. Nagkatinginan kaming apat at lumabas para pumunta sa bahay ni Helen sa tapat ngunit may nauna sa amin. Nagtataka pa kaming napatingin sa kanila dahil halos sirain na nila ang pinto sa bahay ni Helen.

Napakunot naman ang noo ko, dahil parang pamilyar sila sa aking paningin. Pagtapak palang namin sa bakuran ni Helen agad silang napatingin sa amin, nanglaki ang mata namin ng makitang sila 'yon. Ang nanalo sa paligsahan, ang taga Tamora!

Nanglaki din ang mata nilang tumingin sa amin, "Anong ginagawa niyo dito?" sabay saad naming lahat.

"Don't tell me--" sabay na saad ni Victoria at 'yong babaeng maganda na may yelo na kapangyarihan.

"That witch! Liliparin ko talaga siya pag mayroong nangyari kay Relm!" malakas na sabi ng isang babaeng kasama nila.

Binatukan naman ito ng isa pa, "Wow! Kay Relm lang talaga Sandra?" malakas din na saad nito.

Napatingin naman ang babaeng may yelo na kapangyarihan sa amin, "Wala dito ang babaeng higad!" saad niya sa amin.

"Bakit nandito kayo?" dagdag pa niya na tanong.

Akmang sasagot na ako ng biglang umimik si Victoria, "Let's talk in our house." saad niya at tumalikod.

Nakita ko namang sumunod din sila kaya agad kaming pumuntang bahay. Parang naging bato naman si Rita at Red sa gilid.

"Wow! Ganda ng bahay ah!" rinig kong saad ng babaeng nambatok kanina. Magiliw din itong umupo sa sofa, "Upo kayo! Feel at home lang!" dagdag pa niya.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon