"May spell na kayang magaya ang kapangyarihan ng kalaban, 'yon ang ginawa ng mga kalaban ko gaya ng kalaban nina Victoria." Andrea continued.
Napatingin naman ako sa babaeng nakalaban ko na wala paring malay, bakit hindi niya nagaya ang kapangyarihan ko.
"Ngunit may mga kapangyarihan ang hindi nagagaya," napatingin ako kay Andrea sa seryosong tono nito. Tumitig naman ito sa akin at muling nagsalita. "Ang kapangyarihan mo, niyo. Hindi nagagaya ang rare magic kaya siguro kumuha ng espada ang kalaban mo." dagdag niya.
Napatingin ako sa kamay ko. Nahagip ng tingin ko si Sandra na nakaupo na ngayon sa gilid ni Blair, napatingin naman ako sa kalaban niyang nakahadusay na rin sa sahig. Iniba ko ang tingin ko papunta kay Elara at Victoria sila nalang ang natitirang naglalaban at ang babaeng kausap ni Helen nalang hanggang ngayon ay lumalaban parin.
Nang makita niyang nasa sahig lahat ng kasamahan niya ay tila nag-aalab ito sa galit, nagpalabas ito ng napakaraming tubig sa kamay niya at balak sanang ihagis papunta sa aming lahat ngunit bago pa ito nangyari ay napigilan na ito nina Victoria at Elara. Imbis na sa amin ito papunta at deritso ito sa kanya na dahilan sa kanyang pagkawala ng malay.
"Kahit magaya pa ng ibang Sorcerers ang ilang kapangyarihan may iba na hindi ito kayang kontrolin." saad naman ni Andrea sa akin. Napatitig ako sa kanya dahil sa dami niyang alam hindi kaya... wag naman sana. Nang makita niya ito ay bigla niya akong binatukan.
"Ang tingin mo Alliya parang may ginawa akong masama!"
Ngumuso ako ng sabihin niya ito, "Alam ito ng lahat!" dagdag pa niya. Ngumiti lang ako sa kanya at humingi ng tawad.
Pumunta sa gawi namin si Victoria at Elara na hingal na hingal, "Tapos na kayo?" tanong nila.
Tumango ako, "Oo." sagot ko sa kanila.
"Tayo na sa labas!" saad ni Victoria sa amin. Agad naming inakay kinuha sina Meliora, inakay ko at ni Blair si Rita habang si Avalie at Andrea kay July. Nakay Elara at Victoria naman si Meliora.
Pinili na naming tumungo sa pinto at binuksan ito ngunit napalaki ang mata namin ng makitang nagliliyab na ang daan sa labas at papunta na ito dito sa silid namin. Agad namin itong sinirado at pumunta sa may bintana, biglang pumunta si Victoria sa amin, "Sabay ka kay Elara, Alliya." saad niya. Agad akong tumango at pumunta kay Elara na nakahanda ng tumalon. Agad kong inakay si Meloria at kumapit sa kanya.
"Kumapit ka ng mabuti, Alliya." paalala ni Elara sa akin. "Okay!" sagot ko sa kanya.
Sabay kaming tumalon sa bintana ngunit kusa ding lumabas ang pakpak nito sa likod at maayos kaming nakalapag sa lupa. Agad namang hinanap ng mata ko si Red, nang biglang may tumawag sa gilid.
"Alliya! Dito!"
Pag-tingin ko nakatago sa bandang gilid si Red kasama sina Rogue na hanggang ngayon ay natutulog parin. Tumakbo naman ito patungo sa amin, "Okay lang ba kayo? Anong nangyari kina Meliora?" aligagang tanong nito.
Ngumiti lang ako sa kanya, "Okay lang kami, mahabang kwento. Mamaya nalang." sagot ko sakanya.
Tumalon na din sina Victoria kasabay si Blair at July, sumunod naman si Andrea at Avalie kasama si Rita. "Anong nangyari?" agad na tanong ni Blair.
"Mamaya nalang, nasaan sina Rogue?" tanong ni Victoria sa kanya.
"Nandoon sa gilid." sagot ni Red.
Agad naman kaming tumungo papunta doon, tulog parin silang lahat kaya patuloy parin ako.. kaming nangangamba. Bigla namang tumingin si Sandra kay Avalie, "Kaya mo pa ba, Avalie?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...