Tumakbo patungong loob si Meliora at isa-isang tiningnan ang mga lalaking naging bato.
Oo, naging bato. Maaring siya ang hinahanap namin na gumawa doon sa babaeng naging bato.
Napahinga naman ng maluwag si Meliora at tumingin sa amin, "Wala sila dito. Kailangan natin silang mahanap bago pa mahuli ang lahat!" mariin na saad niya.
Napatakip lang ako sa aking bibig sa mga nakikita sina Avalie naman ay tumingin sa mga lalaking nandito. Napaawang naman ang bibig nina Rita at Red habang nanglalaki parin ang mata ni July at Andrea. Si Blair at Victoria naman ay isa-isang tiningnan ang mga lalaking nakahandusay.
"Wala din sina Rogue dito." saad naman ni Victoria sa amin.
Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Akmang lalabas na kami sa kwarto ng biglang may naririnig kaming mga yabag sa labas ng bahay. Nanglaki ang mata naming lahat at hindi alam kong anong gagawin.
Agad naman na sinirado ni Meliora ang pinto ng kwarto at sinabi sa amin na magtago, ang iba ay dumapa sa gilid at iba naman ay sa likod ng mga kurtina, kami naman nina Victoria ay humalo sa mga batong lalaki na nandito.
Napakalakas ng tibok ng aking puso dahil sa kaba, nakapikit rin ako at pilit na hinihiling na sana hindi kami makita. Nagulat ako ng biglang may nagbukas ng pintuan, at pumasok ang ilang yabag na narinig namin kanina.
Bagkus hindi ito nagsalita, kitang-kita namin na binuksan niya ang ilaw at dahan-dahan na naglakad sa sala na tila ba may hinahanap. Mas lalong lumakas ang tibok ng aking puso ng makita kong papalapit ito sa kwarto namin dahil sa ilang anino na tumatagos sa ilalim ng pinto, bigla ko ngang nahawakan ang kamay ni Victoria at pumikit.
Isang hakbang. Pangalawang hakbang. Isa nalang at mabubuksan na niya ang pinto. Nakita ko din na tila nagdadasal si Rita sa gilid dahil nakapikit.
Hahakbang pa sana ito ng biglang may tumawag sa kanya, "Anong ginagawa mo?" tumigil sa siya paghakbang at bumalik sa pwesto niya kanina. Ngunit mas napalaki naman ang mata ko ng marinig ang boses nang nagtanong, si Helen! Napatingin ako kay Victoria at tumango lang ito sa akin.
"I smell something." saad ng isang babae. Ngayon ko lang narinig ang boses nito.
Narinig ko namang suminghot si Helen, "Ah, it was my perfume." sagot niya.
Nakita ko namang binatukan ni Sandra si Avalie na nasa gilid nagtatago, ngumiti lang si Avalie at nag peace sign. Napangiti nalang ako sa kapilyuhan nito, nakita ko kasi itong kumuha ng perfume sa kwarto ni Helen at inilagay sa kanya.
"Okay, nasaan na sila?" tanong naman ng isang babae.
Tumawa naman ng malakas si Helen, "Their are head over heels with me." saad niya. "Sa likod gubat ko sila inilagay para walang makakakita at hindi sila taga-dito." dagdag naman ni Helen.
Nanginginig ang mga bibig ko dahil sa kaba, dahil alam ko ang tinutukoy nila ay sina Rogue, kami lang naman nina Meliora ang hindi taga-dito.
"Anong ibig mong sabihin? May taga labas ang pumunta dito?! Are you dumb? Bakit sila ang kinuha mo?!" malakas na sigaw nito kay Helen.
"Iniisip ko l-lang n-na mas m-maganda kong sila, d-dahil w-walang nakakakilala sa kanila d-dito." nauutal na sagot nito.
Narinig ko naman ng biglang may nabasag na isang bagay at napahiyaw si Helen sa gulat. "Paano nalang ang mga kasama nila? Hindi naman siguro sila dumating dito nang walang kasama? Inaalam mo ba kung saan sila galing na lupain? Hindi diba?!" mariing sagot naman ng babae sa kanya.
Hindi na namin narinig na sumagot ni Helen bagkus umiyak lang ito, "Hindi ka talaga nag-iisip!" dagdag na saad ng babae at umalis ng bahay.
Sumunod naman si Helen sa kanya papalabas, hindi muna kami gumalaw hangga't naririnig pa namin ang mga yabag nila. "Umalis na sila," saad ni Elara na nasa kurtina nagtago.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...