Nagising ako ng biglang kumalam ang aking sikmura, agad akong bumangon at tumingin sa labas ng bintana. Maraming palakad-lakad na estudyante ngayon sa labas, agad din akong nagbihis ng bagong uniporme bago piniling lumabas sa kwarto.
Akmang kakatok na ako kina Blair nang may mahagip ang mata ko na sulat sa gitna ng pinto, agad ko itong kinuha ang binasa, "Sumunod ka na lang sa cafeteria." tanging saad nito.
Pinili ko nang maglakad patungong elevator at sumakay dito, pagkalabas, halos lahat ng estudyante ang patungo sa cafeteria o palabas na ng cafeteria. Maaring tanghalian na talaga ngayon. Napatingin ako sa gate at nakitang marami rin ang estudyanteng naroon, nag-aabang ng bagong misyon.
Pagkarating, agad hinanap ng mata ko sina Blair, bagkus hindi ko ito nakita sa aming upuan. Ngunit pinili ko paring umupo dito, naghihintay sa kanila habang pilit paring nililibot ang tingin sa loob.
Napalaki ang mata ko ng makitang nandoon sila sa upuan ng Alpha, ng makita nila ako agad silang nagpaalam sa kanila at pumunta sa akin. Ngumiti pa ako kina July ng bigla itong kumaway sa akin.
"Anong pinag-uusapan niyo?" agad na bati ko sa tatlo.
"Sabi nila, isasama nila tayo pag mayroon silang bagong misyon."
Agad akong napalingon kay Blair sa sinabi nito, "Talaga?" laking tuwa saad ko. Mas malaki kasi ang makukuhang ginto pag ang Alpha ang kasama dahil mas mahirap ang misyon na kinukuha nila. Isa pa, kailangan namin ng ginto pambayad at napakahirap hanapin 'yon pag madami din ang nag-aabang.
Paulit-ulit na tumango si Rita na nasa gilid ko, "Oo, shuta! Hindi parin ako makapaniwala na sinasama na nila tayo!" Rita exclaimed.
Tumawa lang sila at hinintay ang pagkain namin, napatingin ako sa gawi ni Rogue na tahimik na kumakain sa tabi ni Victoria habang tumatawa ang iba maliban kay Adam.
Sinabi niya kaya sa kanila ang napag-usapan namin? Ayaw ko namang pangunahan niya sa pag-kwekwento kaya hindi ko ito sinabi kina Blair. Sana naman may maisip na paraan si Headmaster para matukoy kung paano namin hahanapin ang ina niya.
Biglang nabaling ang tingin ko sa paparating na pagkain, agad itong binababa ng taga-hatid at umalis din kalaunan.
"Punta tayong bayan ngayon." saad ni Red sabay subo ng pagkain niya.
"Anong gagawin?" tanong naman ni Rita sa kanya.
"Mamimili tayo ng bagong damit? O gamit? May natitira pa naman tayong ginto." sagot naman niya.
Biglang napantig ang tenga ko sa sinabi niya, ngayon ko lang napagtanto wala pala akong damit na maayos maliban sa damit na galing sa bahay ni Lolo Cruz. Ginawaran ko ng tingin ang tatlo, "Kailangan ko din ng bagong damit, sasama ako!" saad ko.
"Okay, pagkatapos nalang nito deritso na tayo sa bayan." saad ni Blair sa amin. Agad kaming tumango dito at itinuon na ang pansin sa pagkain.
Pagkatapos, napili na naming umalis para tumungo patungong bayan. Nahagip pa ng mata ko ang Alpha na kumakain pa sa lamesa nila, ngunit hindi na namin piniling magpa-alam pa. Pagkarating namin sa gate, malakas akong napabuntong-hininga sa mga estudyanteng nandito parin naghahanap ng misyon para may makuha na ginto.
Sana naman maraming misyon ang mayroon ngayon, para magkaroon silang lahat.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng gate, bigla namang may dumaan na kalesa na may sakay na mga kasangkapan at agad namin itong pinara. Sumakay naman kaming apat sa likod.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...