"Hi!" bati niya.
Hindi ako sumagot bagkus nakatingin lang sa kanya. Nang-laki naman ang mata nitong napatingin sa buhok ko, "Oh! I love white hair!" nakangusong saad nito.
Napatingin naman ako sa buhok niyang berde. I also love her hair,ngunit hindi ko na ito sinabi pa.
"I'm Rita, plant magic. Anong pangalan mo?" she said bubbly.
Hindi naman ako nakaramdam ng pangamba kaya ngumiti lang din ako sa kanya. "Alliya." tanging sagot ko.
Nag-simula naman kaming mag-lakad papasok sa gubat, wala na naman akong nakitang ibang mages maliban sa aming dalawa.
Marahan naman itong tumango. "So, pupunta kang Salla..." tumingin ito sa aking mukha ng maigi. "Hindi pa kita nakikita noon, anong gagawin mo doon?" tanong nito.
"Papasok ako sa paaralan doon." marahang sagot ko sakanya.
Napatili naman ito kaya napatakip ako sa aking tenga. Lumingon ito sa akin, "Doon ako papunta, nag-aaral ako doon tingnan mo suot ko." saad pa niya at umikot-umikot. Napatawa naman ako sa ginawa niya.
"May grupo ka na bang sasalihan pag-pasok mo? Pwede ka sa amin, ipapaalam kita sa mga kasama ko. May dorm ka na ba, pwede ka sa tabi namin wala pa namang may-ari doon." suhestiyon niya.
Napakunot naman ang noo ko sa mga sinabi niya. Anong grupo? May dorm pala? buti nalang may dala akong ginto baka sakaling hindi ito libre.
Nang nakita niyang hindi ko naintindihan ang mga sinasabi niya napabuntong-hininga ito. "Saan kaba galing at hindi mo 'yon alam." nakangusong saad nito.
Bigla namang nang-lamig ang aking kamay sa sinabi niya, saan nga ba ako galing? Galing sa bahay ni Lolo Cruz? Galing sa bahay niya? na hindi ko alam kung anong pangalan ng lugar.
"A-ah, sa B-bora!" I stuttered. Mahina ko namang kinurot ang aking kamay dahil sa kasinungalingan sinabi ko. Bora? Seriously? Narinig ko lang 'yon kay Lolo Cruz, mahina akong napabuntong-hininga.
"Galing ka palang Bora? Maraming taga Bora ang nag-aaral din sa Salla, napakalungkot at wala silang paaralan eh!" sagot naman ni Rita. Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya,mabuti nalang at lumusot.
"Alam mo na ba ang mga patakaran sa Academy, Alliya?"
Napalingon naman ako sa kanya sa biglang tanong nito. Ano nga ba ang mayroon sa paaralan nila? Ang alam ko lang ay kung ano ang sinabi ni Lolo Cruz.
"Missions?" patanong na sagot ko sa kanya.
"Tumpak!"masayang ani nito. "May alam ka pala eh!" dagdag niya.
Ngumiti lang ako sa sinabi niya.
"Galing akong misyon ngayon, buti nalang talaga at maaga akong natapos! Hindi tayo nag-aaral Alliya, palagi tayong lumalabas para gumawa ng mga misyon at syempre may kapalit na ginto 'yon, ang gagamitin natin pang-gastos. Alam mo ba.. binilisan ko talagang umuwi dahil may magaganap na paligsahan sa Academy, hindi kami sumali ngunit nakaka-excite parin." Rita paused for a while and breathe. Mahina naman akong napatawa nang ibubuka na naman niya ang bibig niya.
"Alam mo bang may dalawang malakas na grupo doon, ang Alpha at Clover. Wag na wag mo silang babanggain, Alliya." dagdag na babala niya.
"Anong pangalan ng grupo niyo?" tanong ko.
Hinihingal na ako.
"We are.... RRB!" masiglang sagot niya.
Napakunot naman ang noo ko. Anong RRB? Tila naramdaman naman niya ang ibig kong sabihin kaya napanguso na naman ito.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...