"Nasa loob nga sila!" paunang saad niya at binalik ang dati niyang anyo. "Sabi ng babae na tinanong ko kanina, nasa loob ang lahat ng bihag. Mabuti nalang at hindi 'yon nagtaka!" pagtatapos niya.
"May mga nagbabantay ba sa paligid?" tanong naman ni Victoria sa kanya.
Umiling naman ito, "Hula ko, nasa loob lahat." sagot ni Avalie sa kanya.
"Paano tayo makakapasok sa loob na hindi napapansin?" tanong ko naman.
Biglang nagtaas ng kamay si Avalie kaya agad napunta ang atensiyon namin sa kanya, "Tinanong ako ng babae kanina, bakit daw ako bumalik. Tiyak kong wala sa loob si Helen."
Kung wala sa loob si Helen, maari naming--
"Gayahin natin ang anyo ni Helen," sabay na saad ni Meliora at Victoria.
Iyon din ang naisip ko, walang magtataka kung anyo ni Helen ang papasok sa loob.
"Avalie," saad ni Meliora kay Avalie. Tumango naman ito at pumikit. May sinabi siyang mga salita na hindi ko maintindihan, pagkatapos lahat kami ay nag-anyong Helen.
"Ilang minuto lang itatagal nito, dapat mahanap natin sila bago bumalik ang dati nating itsura." paalala ni Avalie sa amin.
Tumango naman kaming lahat. Nakakapanibago parin na wala sila Rogue at ibang taga-lupain ang kasama namin. Nananabik rin akong makita ang mga kapangyarihan nila sa malapitan lalong-lalo na kay Meliora.
"Let's go!" saad naman ni Victoria sa amin. Dahan-dahan kaming naglakad patungo sa dinaanan ng babae kanina, bigla naman itong umiilaw at bumukas. Nagtinginan kami bago pumasok isa-isa at kusa naman itong sumirado.
Nilibot ko ang tingin sa loob, para itong isang malaking bahay, may mga hagdan bawat gilid na may apat na palapag. Mas lalo kaming nag-ingat nang wala ni isa kaming nakitang mages na nandito.
Pinangungunahan ni Meliora at Victoria ang daan habang nakasunod kami sa kanila, dumeritso kami sa kanan na hagdanan at naglakad patungong ikalawang palapag.
"Check the room." bulong ni Victoria sa amin kaya agad akong tumango. Dumeritso naman sila ni Meliora sa ikatlong palapag kasama ang iba habang ako, si Elara, Blair at July ang nandito sa ikalawang palapag.
Unang sumilip sa unang pinto si Elara, pumunta naman sa ikalawang pinto si July, unti-unti silang pumasok upang masiguro na walang mages sa loob. Agad din akong dumeritso sa ikatlong pinto habang sa huling pinto pumunta si Blair. "Mag-iingat ka," bulong niya sa akin.
Tumango naman ako, "Ikaw din," sagot ko. Tumango kami sa isa't-isa at binuksan ng maliit mga pinto, dahan-dahan akong sumilip sa pinto ngunit biglang nanglaki ang mata ko ng may mga mages na nandito. Hindi lang isa kung hindi anim.
Nanginginig naman ang kamay ko kaya agad kong inilagay sa likod, "What brings you here, Helen?"
Napahinga ako ng maluwag ng mapagtantong naka-anyong Helen pala ako ngayon, tuwid akong tumayo at ngumiti ng matamis sa kanila. "Akala ko tapos na kayo,." sagot ko.
Napaawang naman ang bibig ko ng marinig ko ang boses ni Helen galing sa bibig ko, ang galing ni Avalie!
"As you can see, hindi pa. Maari kanang lumabas!" sagot ng isang babae sa akin. Yumuko lang ako at unti-unting sinirado ang pinto ngunit bago ko pa man ito masirado ay bigla ako nitong tinawag.
Tumama ang kaba sa aking dibdib na bumalik sa loob, "Kumuha ka ng maiinom namin." saad naman ng isang babae. Napatitig naman ako sa kanya dahil sa kanyang boses, siya ang kausap ni Helen kanina sa bahay niya!
Yumuko lang ako at agad na lumabas. Pagkasirado ko ng pinto, naghihintay na pala sina Blair sa akin kaya napahinga ako ng maluwag. I sign them, na sundan ang iba dahil hindi kami ligtas dito sa ikalawang palapag.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...