My magic is destruction magic. One of the rare magic. Kaya kong sirain ang kahit anong mahika. Ngunit ang kabaliktaran nito, hindi ko kayang mag-labas ng magic. Kaya ko lang pigilan at sirain ito. Gaya ng kay Lolo Cruz, kaya lang niyang ibalik sa dati ang lahat ng nasira. Kaya para matalo ang kalaban, kailangan kong umisip ng paraan at hindi dumepende sa kapangyarihan ko.
Mabilis akong tumakbo patungo kay Nelia, pilit naman itong nag'palabas ng water magic niya at ibinabato na sa akin ngunit lahat ng ito ay agad nawawala. Pagkarating, agad kong sinuntok ang mukha niya, hindi naman ito nakaiwas kaya agad ko ding sinipa ang tagiliran niya. Akmang sisipa ulit ako ng bigla nalang itong natamaan ng itim na bola na naging sanhi ng kanyang pagtumba at nawalan ng malay.
Napatingin naman ako kay Andrea, ngumiti lang ito sa akin at hinarap ulit ang kalaban niya. Nilibot ko ang tingin sa paligid, katapat ni Rita at Blair ang isang mage na may wind magic, pilit lang nitong nililipad ang mga ugat ni Rita, habang kalaban naman ni Victoria si Mila, para lang itong walang pakealam sa kaharap niya, kalaban naman ni Adam at Red ang kagaya nilang may apoy na kapangyarihan napasinghap naman ako sa galing ng dalawa at napangiti sa pinapakita ni Red at huli kalaban ni Rogue si Greg, kung gaano kabilis ang kilos ni Greg ganon din kabilis ang mga kidlat ni Rogue ngunit agad kong napansin na parang malalim ang iniisip nito.
Ngunit agad nalipat ang tingin ko kina Aling Linda at Celeste, napatakip nalang ako sa aking bibig dahil sa aking nakikita. Hindi ko na nakilala si Aling Linda dahil sa itsura niya ngunit mas nakakatakot ang kapangyarihang pinapalabas niya. Habang si Celeste naman ay seryosong nakikipaglaban habang paiba-iba ang mahikang pinapalabas.
Bigla akong napahinto, napatitig kay Celeste at napasinghap. P-paiba-iba ang k-kapangyarihan? Buong akala ko isa siyang mage na may lighting magic ngunit hindi... Napatingin ako kay Rogue na ngayon ay nakatingin sa kanya, habang nakahandusay na ngayon si Greg at may maraming pasa sa buong katawan.
Parang piniga ang puso ko hindi sa lungkot kung hindi sa saya, ngayon ko lang napagtanto ang pagkahawig ng kanilang mukha.
Napangiti ako, matagal ko palang kasama ang hinahanap mo Rogue, matagal ko na palang kasama ang ina mo.
Napakurap ako ng biglang nasa harapan ko na si Rogue, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ngunit seryoso itong nakatingin sa akin, "Focus!" tanging saad niya at nakarinig nalang ako ng pagtumba sa likod. Agad naman akong lumingon at nanglaki ang mata ng makitang si Claus ito.
Hindi pala ito kinuha kanina, at kasama niya pala sila. Malakas akong napabuntong-hininga, "S-salamat." mahina kong saad. Tumango naman ito at tumingin kina Celeste.
Kita kong hingal na hingal na silang dalawa lalong-lalo na si Aling Linda. Dahil parang hindi na niya maigalaw ang kaliwang kamay niya dahil may mga paso ito habang may mga sugat na din si Celeste sa mga braso niya.
Agad nanglaki ang mata ko ng makitang napangisi si Aling Linda, at kitang-kita kong may parating na mga tinik sa likod ni Celeste.
Dahil sa labis na kaba agad akong napasigaw, "Sa likod mo!" malakas kong sabi.Mabuti nalang at nasunog ito si Celeste agad at muli silang naglaban. Napatingin naman ako sa gilid ko ng maramdamang may tumabi dito, "Sino 'yang babaeng maganda? Ang lakas niya." saad ni Red at tumingin sa akin.
Agad naman itong ngumiti at agad akong niyakap, "Ang hirap mong hanapin Alliya ha!" sinuklian ko namam ito ng yakap at napangiti. Napalaki naman ang mata ko ng may humila sa kanya at sabay akong niyakap no Blair at Rita. Rinig ko pang singhot ni Rita kaya tahimik akong napatawa.
Ngumiti naman si Andrea sa akin at yumakap, napasinghap naman ako ng bigla ding ngumiti si Victoria. Ngunit agad itong napalitan ng gulat ng bigla nalang akong niyakap ni Hedrick, ngunit agad din itong kumalas habang nakatingin sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...