"Maraming salamat, Maraming salamat," paulit-ulit na saad nito. Lahat naman kami ay mayroong nagtatanong na tingin dahil sa inakto niya. Hindi kami kumibo at nakatingin lang sa kanya.
Bigla naman itong tumayo at pinahid ang luha niya.
"Anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni Meliora sa kanya.
Tiningnan niya kaming lahat, "Alam kong kayo ang may gawa nangyaring sunog sa gubat." mahina niyang saad.
Akmang magtatanong ako nang muli itong nagsalita, "Kalat na ito ngunit hindi alam ng mga nandito kung ano 'yon at sino ang nandoon." pagtatapos niya.
"So, alam mo?" Meliora confronted.
Dahan-dahan naman itong tumango, "Nawawala ang ina ko, at dati siyang nagtratrabaho sa ina ni Helen." sagot niya.
Napalaki naman ang mata namin, may ina si Helen? Iyon bang mga litrato sa bahay niya 'yon ang ina niya?!
"I knew it. Yung litrato na nakasabit sa bahay niya, baka yon ang magulang niya." saad naman ni Avalie.
"Maraming salamat talaga sa inyo, alam kong hindi na makakabalik si ina," muli na naman itong napaiyak ngunit ngumiti parin itong napatingin sa amin, "Kung hinahanap niyo si Helen nakita ko siyang umalis." dagdag niya.
Napatango kami sa sinabi niya muli itong nagpasalamat at bumalik sa dati niyang pwesto kanina. Agad naman kaming tumalikod at bumalik sa daan kung saan pabalik sa bahay. Walang nagsasalita sa amin, na tila pinoproseso ang sinabi ng babae.
"Helen ran away." biglang saad ni Elara.
Nabigla naman kami ng biglang sumigaw si July, "Yes! Makakabalik na tayo," sigaw niya sa daan.
Napangiti ako sa sinabi niya, maari ngang makauwi na kami. Natalo na namin ang mga sorcerers, umalis na si Helen. Kung bumalik ang pangyayari na 'yon dito sa Nama alam ko namang agad kaming a-aksiyon.
"Parang makakabalik na din tayo, Meliora!" saad naman ni Sandra sa kanya. Nakangiting tumango naman ito kaya lumundag sa tuwa si Sandra at Avalie.
"Wag mo nang dalhin ang mga damit nila Rogue, wala na naman si Helen." saad naman ni Victoria sa amin nang akmang papasok kami sa bahay. Napatango naman kami at dumeritso lang sa lakad.
Kinawit naman si Rita at Red ang braso nila sa akin, muling namayani ang katahimikan sa aming lahat. Naputol lang ito ng tumikhim si Andrea, " Pwede magtanong?" biglang saad nito habang nakatingin ila Meliora.
Tumingin naman sila sa kanya at tumango habang nakangiting nakatingin si Avalie at Sandra sa kanya. "Ano nga pala ang ginawa niyo sa Salla noon?" nagtatakang tanong niya.
Nakita ko namang napayuko si Avalie sa gilid, ngunit tumingin si Sandra sa kanya at hinawakan ang kamay nito. Lahat naman kami napunta ang tingin kay Meliora nang magsalita ito, "May hinahanap kaming libro kay Lola Celes, ngunit sabi niya kinuha ito ng mga estudyante sa Salla kaya napunta kami doon." sagot ni Meliora.
Napatango kami sa sinabi niya dahil totoo naman, 'yan din ang sinabi ni Lola Celes sa amin. Hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng bahay nila, napatitig kami sa isa't-isa at tumawa.
"Hindi na kami papasok, maraming salamat sa tulong niyo." saad ni Victoria sa kanila.
"Maraming salamat din sa inyo," tanging sagot ni Meliora.
"Hindi ko nga lubos maisip na kayo ang makakasama namin sa misyon. Till next time, bumisita kayo okay!" saad naman ni Sandra.
"Alliya, magpagaling ka!" dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...