Chapter 9

2.6K 68 16
                                    

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang singhap na nila Rita ang naririnig ko ngayon. Halos na ngang hindi sila kumukurap nakatutuok lang sa mga bagong dating na grupo. Maski ako napanganga akong nakakita sa kanilang laban, they're not easy.

Napakalakas nila kumpara sa amin.

Nakatutok lang kami sa gitna at napakatahimik ng paligid. Tanging ang bagong grupo at Alpha nalang ang nasa harap at pawang natalo ng bago ang ibang grupo pati ang Clover na lalong nagpalaki ng mata nila Red.

May pinag-uusapan sila dahil kita ko ang pagbuka ng mga bibig nila ngunit hindi namin narinig, nakita nalang naming biglang may pader na gawa sa yelo ang lumitaw sa harap ng mga bago at biglang nagsimula ang laban ng dalawang panig.

They're fight was intense at ramdam 'yon dito. Walang nagsasalita, walang galaw kang makikita dahil lahat nakatutok sa gitnang entablado. Ngunit ang mata ko ay tanging nakatitig kay Rogue at sa kalaban nitong babae, in the back of my mind bakit babae ang kalaban niya na dapat ay lalaki. Nakita ko ang kapangyarihan nilang lahat at hindi 'yon basta-basta. It was powerful.


Nanglaki ang mata ko nang matamaan ng kidlat ang babae, ramdam kong masakit ito dahil napangiwi ito at biglang napahawak sa kanyang balikat, ngunit mas nanglaki ang mata ko ng biglang yumelo sa loob.

The stadium are filled with ice, rinig ko pang napahiyaw sina Red at Rita at napahawak si Blair sa akin. Tumingin ako sa upuan naming naging yelo, Unti-unti ko itong hinawakan at nagbabakasaling bigla itong mawala but to my horror hindi.

Hindi kaya ng kapangyarihan ko.

Napasinghap akong napatingin sa babae ngunit lahat sila at naiwang nakatayo habang grupo nila Rogue ay naging dehado lalong-lalo na si Rogue na naging yelo.

I was still in awe.. no we are. Nakanganga halos lahat ng estudyante sa nasaksihan pati na si Headmaster. Dahil ang akala ng lahat mananalo ang grupo nila ngunit natalo lamang sa mga bagong dumating.

"T-they're on the next level." Red stuttered habang nakatitig sa lalaking may apoy na kapangyarihan.


"Ngayon lang ako nakakita ng ganito." saad naman ni Rita habang tinitingnan ang mga upuan naming naging yelo. Ngunit bago paman ito tuluyang hawakan ni Rita rinig namin ang pag-snap ng babaeng may gawa sa kamay niya at unti-unting nalusaw ang mga yelo at bumalik ang dati naming upuan.

Parang hirap parin magsalita ang iba dahil sa gulat, nahimasmasan lang nang biglang nagsalita ang announcer at sinabi ang kanilang pagkapanalo at ibinigay ni Headmaster ang premyong napanalunan nila. Wala paring nagsasalita sa mga manonood at kusang umalis ang mga bagong dating, at doon lang naging maingay ang loob.

Hindi mawari sa iba ang nangyayari, kanya-kanya silang opinyon sa nakita. Napatingin ako kina Rita na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa gitna kung saan nakatayo ang nanalo. Nabalik lang sila sa dati ng tapikin silang dalawa ni Blair.

"Balik na tayo." saad niya at tumayo. Sumunod naman ako sa kaniya at hinila na ang dalawa pabalik sa dorm nila.

Nag-aalala ako sa nangyari sa iba, dahil kitang-kita ang sugat na natamo nila. Ang nakita ko lang ay kinuha sila at dinala sa hindi ko alam.

"Hindi parin ako makapaniwala na natalo ang Alpha." biglang saad ni Rita.

Agad namang napatango si Red sa kanyang sinabi. "Ito na ata ang pinakamalalang pangpagulat dito sa loob." sagot pa niya.

Kung 'yon ang iniisip nila mas iniisip ko na bakit hindi kaya ng kapangyarihan ko ang kapangyarihan ng babaeng 'yon. Napatingin ako sa kamay ko at may bakas ng pagkapula ibig-sabihin nagamit ko ang kapangyarihan ko ngunit hindi kaya ang kapangyarihan niya.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon