"What the?!" rinig kong saad ni Blair sa gilid ko. Gaya ko bakas din ang gulat sa kanilang mukha.
Kahit malakas na kumakabog ang dibdib ko dahan-dahan parin kaming lumalapit sa babae. Tumitig ako sa mukha niyang bakas ang luha na naging bato, ang mata niyang nagmamakaawa, at ang bibig nitong nakanganga. Gaya ng ibang mages na nandito, nakasuot rin siya ng maayos na damit at sapatos at hula ko nasa trenta ang edad nito.
"Bakit ganito? Anong nangyayari? Bakit dito sa atin?" tanong ni Rita. Hindi kami sumagot dahil maski kami hindi alam. Hindi ko alam kung nangyari naba ito noon o ngayon lang.
Ngunit bigla nalang napunta ang tingin ko sa kwintas na nasa leeg niya, hindi gaya sa katawan niya hindi ito naging bato. Mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko para makita ito ng mabuti at bigla nalang nanglaki ang mata ko ng mapagtantong.. ang kwintas ay nagpapahiwatig na galing siya sa lupaing Nama.
Ang lupain dati kong tinitirhan. Lumayo ako sa babae at bumalik sa pwesto namin nina Blair kanina, at piniling tanawin ang tatlong pilit paring tinitingnan ang babae.
Hindi ko kaya! Wala na akong pakealam sa nangyayari sa kanilang lupain lalong-lalo na sa mga mages na nandoon. They abandoned us, they didn't help us! At hindi rin ako tutulong sa kanila!
Pumunta ako sa gawi nina Blair para magpaalam, tumango lang naman sila at hindi na sumagot pa. Pinili ko nalang mamili ulit ng mga damit, nagtingin-tingin lang ako sa mga nakasabit na mga paninda ngunit paulit-ulit na bumabalik ang mukha ng babae kanina at ang nangyari sa amin noon.
Malakas akong napabuntong-hininga at tumitingin sa paligid, napadpad ang tingin ko sa lumang aklatan si Lola Celes, napangiti ako at nagsimulang maglakad papasok sa aklatan niya. Agad ko naman itong nakita na binabalik sa mga lagayan ang ilang libro, "Lola Celes." tawag ko sa kanya.
Lumingon ito sa akin at ngumiti, "Oh, Alliya. Naparito ka?" bati niya sa akin. Iniwan din niya ang mga libro at pumunta sa gawi ko. "Halika, doon tayo sa itaas." dagdag niya.
Malaki akong napangiti at tumango. Nagsimula na itong maglakad paitaas kung saan ang bahay niya at sumunod naman ako sa kanya. "Kamusta po?" tanong ko.
"Mabuti naman, unti-unti nading nabubuhay ang aklatan, marami nang pumapasok para magbasa." sagot ni Lola Celes. Ramdam ko ang saya nito sa bawat salita niya kaya agad akong napangiti.
"Alam mo bang galit ako sa mga estudyante ng Akademya, ngunit ngayon lubos na akong nagpapasalamat sa inyo." ngumiti ito sa akin, "Maupo ka muna, Alliya. Ipaghahanda kita." dagdag niya.
Wala akong ibang tugon kung hindi ngumiti ngunit bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Lola Celes. Galit din ako.
"Kumain ka muna, Alliya." napatingin ako kay Lola Celes nang magpalag ito ng pagkain at inumin.
"Maraming salamat po," sagot ko.
"May problema ka ba? Ang tamlay mo."
Malakas akong napabuntong-hininga wala naman sigurong masama kung magkwe-kwento ako diba?
Nilunok ko muna ang kinakain ko, "Lola Celes, may babae po sa labas na naging bato." paunang saad ko ngunit biglang lumaki ang mata ni Lola Celes at napatayo ito, "Ano?!" reaksiyon niya.
Napakunot ang noo ko sa reaksiyon niya, "Opo. Humihingi po ito ng tulong kanina ngunit wala po kaming nagawa, pilit din po niyang pinupokpok ang bandang dibdib niya." saad ko naman.
Paulit-ulit na umiiling si Lola Celes na tila ba hindi niya gusto ang kanyang narinig, "Bakit po?" hindi ko mapigilang mapatanong sa reaksiyon niya.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...