Ngayon ko lang napagtanto ang dating hindi ko masabi at magamit na kapangyarihan ay pwede at malaya ko na palang nagagamit, may nakakita na pala at may nakaalam. Hindi ko man lang ito napakita at nasabi kay Aling Linda.
Napayuko at nag dalawang-isip kong sasabihin ko ba. Ngunit agad bumalik ang mga sinabi ni Lolo Cruz, kung saan magiging tahanan ko ito.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Headmaster, " Destruction magic." mahinang saad ko.
Nakita kong napasinghap sina Red at Rita at tila hindi makapaniwala si Blair, tumitig naman si Headmaster sa akin, "Apo ka ni Llordes." it was not a question but a statement.
Napalaki ang mata kong napatitig kay Headmaster. "Paano niyo po nalaman?" tanong ko.
Sasagot na sana si Headmaster nang yugyugin ako ni Rita ng paulit-ulit. "Alliya! It is a rare magic. Shutaaa!" she exclaimed.
Nakabawi naman si Red sa gulat at hinawakan ang kamay ko. "RRBA na tayo, okay!" she said with a puppy eyes.
Mahina naman akong napatawa sa reaksiyon nila. Tumikhim si Headmaster kaya agad napatahimik ang dalawa.
Tumingin naman ito sa akin. "To answer your question Alliya, matalik kong kaibigan sina Llordes at si C--"
"Lolo Cruz." pagtatapos ko sa sasabihin niya.
Napangiti naman ito. "Kilala mo ba pala si Cruz, at oo matalik ko silang kaibigan. Alam mo na bang gamitin sa wasto ang kapangyarihan mo?" tanong ni Headmaster sa akin.
Tumango ako sa kanya, I practice and practice all the time nong nasa puder palang niya ako.
"Well, dahil agad niyong nahanap ang kumukuha sa mga ginto..." Headmaster pause at may kinuhang maliit na bag sa kanyang drawer at inilahad sa amin. "Your golds." nakangiting saad nito.
Napatili naman si Red at Rita at kinuha ito sa kamay ni Heasmaster habang paulit-ulit na nagpapasalamat. Ngumiti lang si Blair kay Headmaster at yumuko lang ako ng kaunti.
"Maari na kayong lumabas.. at Alliya, I will need your help soon." saad ni Headmaster na nagpakunot ng noo ko.
Pinili na naming magpaaalam at tumungo sa labas. Bumalik kami sa kwarto ko at agad silang umupo sa sofa habang pumunta ako sa comfort room para maghugas ng kamay. Napatitig ako sa kamay kong namumula.
I sigh at piniling magmadali, I can block magic but it will have a pain reaction in my hands. Hindi ko man ito pinapakita kanina ngunit napakasakit ng kamay ko habang nakahawak kay Phil. On the bright side, It will subside after a couple of hours.
Ngunit hindi ko alam pag may nakalaban akong malalakas o tipong katulad ko dahil ngayon ko palang nagamit ang kapangyarihan ko, noong nasa bahay ako ni Lolo Cruz at ngayong gumagawa kami ng misyon sa loob,paano nalang kaya pag nasa labas na kami gumagawa hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.
Pinili ko nalang bumalik kina Rita na kung saan ang nakatitig sa akin habang naglalakad. Agad naman akong hinila ni Red para maupo sa gitna nila.
"Bakit hindi mo sinabi na ganyan magic mo, Alliya?" tanong ni Rita sa akin.
Napakamot ako ng batok at tumingin sa kanya. "Nahihiya ako." hilaw akong tumawa sa huli.
Ngunit binatukan ako nito ng malakas. "Anong nahihiya! Pag ako ganyan ang magic ipangyayabang ko pa!" sigaw ni Rita at napasimangot.
Tumawa naman si Red at hinawakan ang buhok niya. "Hindi kasi mayabang si Alliya, okay lang yan!" hinihimas pa nito ang buhok niya na nagpatawa sa aming lahat.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...