Chapter 12

2.5K 80 10
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas, pilit kong nilibot ang tingin sa loob at gaya ko tila nagising din sila dahil sa ingay. Agad akong bumangon at binuksan ang bintana dito sa loob, pagtingin ko sa labas nagkalat ang mga mages na binubuksan ang kanilang mga paninda, may naglalakad at may naglilinis.

Naginat-inat ako bago tumungo sa may pintuan para lumabas. Paglingon ko sa kanila pikit-mata pa itong nakatayo at humihikab. Patago akong ngumiti bago buksan ang pintuan. Pagkabukas, nadatnan ko pang naghahanda  ng pagkain si Lola Celes.

Nang makita niya kami agad itong ngumiti, "Umupo muna kayo, ihahanda ko lang ang pagkain."nakangiting saad nito.

Tila nabuhayan naman sina Rita at agad humanap ng pwesto, agad din akong umupo habang nakatingin kay Aling Celes.


"Masarap ba ang tulog niyo?" biglang tanong ni Lola Celes habang inilagay ang mga pagkain sa mesa. Umupo din ito sa bakanteng upuan.

"Okay lang naman po." sagot ko sa kanya.

"Yakang-yaka." saad pa ni Rita sabay thumps-up.

Ngumiti naman si Lola Celes, "Maraming salamat talaga sa pagtulong sa akin, kumain na kayo."

Sasagot pa sana ako na walang anuman ngunit pinili ko nalang ngumiti at nagsimulang kumain. Naging tahimik ang loob at pawang nakatingin lang kami sa pagkain. Makalipas ang ilang minuto ay una akong natapos, napatingin ako kina Blair na hanggang ngayon ay kumakain pa.

"Ako na po maghuhugas ng mga pinggan, Lola Celes." biglang imik ko.

Tumango si Lola Celes at ngumiti. "Maraming salamat."




Pagkatapos kumain ng lahat at pinili ko nang simulan ang paghuhugas. Bumaba na sina Rita para magsimulang ibalik ang libro at hanapin ang pinapahanap ni Headmaster habang nakatingin lang si Aling Celes sa akin.

"Wala po ba kayong kasama dito?" tanong ko sa kanya para naman may mapag-usapan kami.


Rinig ko ang buntong-hininga nito. "Galing akong Tamora noon, doon ako may mga kasama ngunit ngayon wala na."


Napakunot naman ang noo ko. "Tamora?" Ang pinakamalaking lupain at nasa gitna ng lahat?" tanong ko.

Hindi pa ako nakakapunta sa Tamora, tanging sa libro ko lang ito nakikita at nababasa at pati narin sa mga kwento ng iba. Ito ang pinakamalaking lupain sa Sylverian, kaya maraming may gustong pumunta doon.


Tumango naman ito at ngumiti, tila may mga masayang  memorya ang bumalik sa kanya. "Nandoon ang mga kaibigan ko." sagot ni Lola Celes.


"Siguro po, napakasaya ng kabataan niyo dahil sa ngiting nakapaskil sa mukha niyo ngayon." saad ko.


Ngunit tumawa ito ng malakas, napalaki naman ang mata ko dahil ngayon kulang itong makitang tumawa. "Siguro nandoon ang saya ngunit napakagulo ng Tamora noon. Maraming pangyayari." sagot niya.

Ngumiti lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang mga nangyayari sa ibang lupain,  binalik ko nalang pinggan sa tamang lagayan.

"Lola Celes tapos na po, tutulong lang po ako sa ibaba." paalam ko sa kanya bago nagsimulang maglakad pababa.

Ngumiti lang ito at tumango. Nang nakarating ako sa ibaba nadatnan ko na sina Blair na malapit ng matapos sa kanilang ginagawa. Nang makita nila ako at agad tumayo si Rita at may iwinagayway na libro, napalaki ang mata ko nang mapagtanto ito pala ang librong pinapahanap ni Headmaster.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon