Special Chapter

1.7K 56 17
                                    

ROGUE POV:



"So, magkapatid kayo?" basag-katahimikan ni Harvy ngunit nakatanggap lang ito ng malakas na batok galing kay July.


"Harvy, pang-ilang beses mo na 'yang tinanong! Hindi nga!" sigaw niya pabalik.


"Hindi ko nga talaga maintindihan!" sigaw naman pabalik ni Harvy sa kanya.



Patago akong napabuntong-hininga at iniba ang tingin. How can't he understand? Alliya explained it to him hundreds of time.


Speaking of, sabay naman na pumasok galing sa kusina sina Alliya at Ina bitbit ang mga pagkaing hinanda nila.


"Rinig na rinig ko ang boses mo, Harvy. Hindi nga. Hindi ko kaano-ano ang Ama ni Rogue, hindi ko Ama ang Ama niya, may sarili akong Ama na matagal nang hindi bumabalik." Alliya explained slowly. I hissed, ng makitang dahan-dahan na tumatango si Harvy habang nakatitig kay Ina.


"Tita... baka gusto niyo ng karamay sa buhay, pwede ako---"


I cursed, at nanlilinsik ang matang nakatingin sa kanya... nang bigla akong napatigil ng hawakan ni Alliya ang kamay ko.


"May lumalabas na kidlat sa kamay mo." mahinahon niyang saad at umupo sa tabi ko.


"Nagbibiro lang ako!! Maawa ka!" sigaw ni Harvy na nagtago na pala sa likod ni Hedrick.


Malakas naman itong tinulak ni Hedrick at tinuloy ang pagkain niya, "Wag mo akong idamay, nanahimik ako!" tanging saad niya.


Bigla namang humalakhak naman si Ina, "Kumain ka na, Rogue! Nasaan pala mga kaibigan mo, Alliya?" baling ni Ina sa kanya.


Ngumiti naman si Alliya sa kanya, "May mission po sila ngayon, Tita. Hindi lang po ako sumama." sagot niya.


"Sayang naman! Andami ko pa namang handa ngayon!" sagot ni Ina sa kanya. "O'siya.. kumain kayo ng marami!" dagdag niya at bumalik sa kusina.


"Happy birthday ulit, Tita!" sabay na sigaw ni Harvy at Hedrick.


Nandito ang lahat ng Alpha, at si Alliya. Today is my mother's birthday as her request.. nag tipon-tipon kaming lahat sa bahay. Bukas, babalik rin agad kami sa Academy dahil may mission na ibinigay si Headmaster.


Bumalik naman si Ina muli at umupo sa gilid ko. Napatingin naman ako sa kanya, "Hindi ka po ba kakain?"


Umiling ito, "Ang dami kong tinikman kanina, busog na ako." sagot niya sa akin at ngumiti.


"Tita! Mag-kwentuhan tayo mamaya ha!" rinig kong saad ni July kay Ina.


Malaki naman na ngumiti si Ina, "Oo! Ang dami kong iku-kwento! Victoria, sumama ka. Baka ang aga mo na namang matutulog." sagot ni Ina sa kanya.


Victoria cleared her throat, "Y-yes po, Tita. Masama lang po ang pakiramdaman ko 'nong nakaraan." sagot naman ni Victoria sa kanya.


"Basta ako palagi akong nandito, Tita! Nakikinig sa mga kwento mo, nakatitig sa mga---"


"Tumahimik ka, Harvy! Maawa ka sa amin!" sigaw sa kanya ni Andrea.


Mariin akong napatingin kay Harvy, ngunit muli itong nag-tago sa likod ni Hedrick. "Biro lang, Leader!" hirit pa niya.


Malakas akong napabuntong-hininga at tinuon ang pansin sa mga pagkain sa harap. Rinig ko lang din ang ilang halakhak ni Ina at Alliya. Hindi na ako nakinig sa mga sinasabi nila at pasimple na sumusulyap lang sa kanila.



Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon