Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa paligid, pilit kong ginagalaw ang aking mga darili at nang maramdaman ko ito, tahimik akong natuwa. Agad akong bumangon at bumungad sa akin ang mukha nilang lahat.
"Ayos ka lang ba, Alliya?" sabay na tanong nina Red at Rita. Tumango naman ako sa tanong nila. Pilit kong dinadamdam ang aking sarili, malayong-malayo na ito sa nararamdaman ko kanina.
"That witch! Humanda siya sa akin!" dagdag nito na agad nagpakunot ng noo ko.
"Bakit?" tanong ko at inilibot ang tingin sa paligid. Nasa labas na pala kami ng gubat, ngunit wala na dito si Constance, hinahanap ko naman ang chest nang makitang nasa gilid lang ito ay napahinga ako ng maluwag.
"Iyong babaeng bumaril sa iyo, her bullets have poison that can lead to death!" sagot ni July sa akin.
Napalaki ang mata ko sa sinabi niya. Kaya ba titig na titig siya sa akin? Hinihintay ba niyang umepekto ito sa akin? Bakit ayos na ako ngayon? Ang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko.
"B-bakit parang ayos na ang pakiramdam ko?" tanong ko sa kanila.
Napahawak ako sa aking batok ng bigla akong binatukan ni Blair, "Bakit gusto mo bang bumalik sa nangyari sa'yo kanina?! Alam mo bang alalang-alala kami sa iyo?!" sagot niya sa akin at sumimangot.
Agad ko naman itong dinambahan ng yakap, "Nagtatanong lang naman." saad ko at tumawa.
Bigla namang tumikhim si Rogue kaya napunta ang tingin ko sa kanya, "Constance healed you." sagot niya sa tanong ko kanina.
What? Tama ba ang nadnig ko? Constance has a healing magic?! Isang natatanging kapangyarihan na tanging siya lang ang mayroon, katulad ko!
"Nasaan siya ngayon?" tanong ko at lumilinga sa paligid.
Tinuro naman ni Harvy ang tarangkahan ng Namorn, "Umuwi na siya sa kanila." sagot niya.
Napatango naman ako at tumayo. "Saan na tayo ngayon?" tanong ko.
"We're going home." sagot ni Rogue sa akin. Agad naman kaming naghintay ng masasakyan, buti nalang ay may lumabas na kalesa galing mismo sa loob ng Namorn, at talagang sa amin ito dumeritso.
Biglang bumaba ang kutsero nito at tumingin sa akin, "Pinadala ako ni Constance dito, sabi niya ihahatid ko kayo." sabi niya.
Agad naman na natuwa ang iba at agad sumakay sa likod nito, agad kinuha ni Harvy at Adam ang chest at pinagtulungan itong isakay sa likod, sumunod ako kay Blair na patungong likod dahil nakita ko nang nasa harap na si Victoria nakaupo. Pagkaupo naming lahat, sumilip muna ako sa tarangkahan ng Namorn nag-babakasaling makikita ko ulit si Constance para magpasalamat, ngunit wala.
Malakas akong napabuntong-hininga at tumingin nalang sa labas, habang unti-unti nang pinaandar ng kutsero ang kalesa.
"Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? Nagdadalamhati kaba dahil hindi ka sa harap nakaupo?" biglang bulong ni Rita sa akin.
Napalaki naman ang mata ko at agad itong kinurot sa bewang niya. "Sira, nagbabakasali lang ako na makita si Constance para mag-pasalamat." sagot ko dito.
Mas lalo namang lumawak ang ngiti nito at ramdam kong hindi ito naniniwala, "Sabi mo eh!" paunang saad niya, "Ang bait niya, talagang binigyan niya pa tayo ng masasakyan." dagdag na saad niya.
Agad akong napatango sa sinabi niya, sa apat na natatanging kapangyarihan dito sa Sylverian tanging dalawa lang ang ganap na nakilala ko, si Lolo Cruz, Si Constance at syempre ako. Ngunit, sino kaya ang nagmamay-ari sa isa?
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...