Chapter 40

2K 63 0
                                    

"Sandali, Alliya." huminto ito at malalim na napabuntong-hininga. "Hindi ko 'yon magagawa sa iyo." pagtatapos niya.

"Ano pong nais niyong ipahiwatig? Ano pong inutusan kayo?Ipaintindi niyo po sa akin, Aling Linda." naguguluhang tanong ko sa kanya.

Biglang umupo si Aling Linda sa upuang nandito, tumingin naman ito sa akin, at tinapik ang katabi nitong upuan. Napatango naman ako at dahan-dahang umupo sa gilid niya.

"Hindi ko alam ang iniisip niya, nang malaman niyang nakatakas ka sa tulong ko. Nangangalati ito sa galit, takot na takot ako sa panahong 'yong Alliya." paunang saad ni Aling Linda. Hinawakan ko naman ang kamay nito ng marahan. Namuhay ako ng masaya  sa Salla ngunit hindi ko man lang naisip kung anong nangyayari kay Aling Linda sa kamay niya. Parang kinain ako ng konsensiya.

"Hindi mo kasalanan.. buhay pa nga ako diba?" tila tumatawang saad ni Aling Linda.

"Pasensiya na po sa naidulot ko sa inyo." mahinang saad ko naman sa kanya.

Luminga-linga naman ito, "Hindi mo kasalanan, kung naglakas loob lang ako noong una, noon palang tinulungan na kita. Ngayon, inutusan niya akong hanapin ka at dalhin sa kanya ngunit mas pinili ko muling itakas ka... at sa ngayon tayo ng dalawa." pahayag ni Aling Linda.

Kusang tumulo ang luha sa aking mata, hindi sa takot kung hindi sa pagpapasalamat. Maaring ngang dinala na ako ni Aling Linda sa kanya ngunit muli na naman niyang isinugal ang kanyang buhay ng dahil sa akin.

"Maraming salamat sa iyo, Aling Linda. Hinding-hindi ko po ito malilimutan. Nandiyan po kayo nung panahong kailangan ko ng karamay, tinulungan niyo akong makamit ang kalayaan kahit sa konting panahon. Pangako po, gagawin ko lahat ng gusto niyong gawin." puno ng pasasalamat kung tugon sa kanya.

Ngumiti si Aling Linda. "Hindi mo kailangan magpasalamat, Alliya. Tinuring na din kitang parang anak ko. O s'ya tumayo ka na at magpahinga. May kwarto sa itaas, alam kong pagod ka dahil galing ka pang misyon." saad naman ni Aling Linda.

Bigla akong napahikab sa sinabi niya, "Paano po kayo?" tanong ko naman.

"Dito muna  ako sa ibaba, magpahinga ka na susunod ako." sagot naman nito.

Tumango ako sa kanya, gusto ko mang manatili dito sa ibaba ngunit pagod na pagod ako. Naglakad na ako papuntang itaas, may nakita naman akong isang pintuan at agad ko itong binuksan. Bumungad sa akin ang hindi kalakihang kwarto na may isang kama sa gilid, may maliit na bintana sa kaliwang bahagi at lagayan ng damit sa kanan at may mga kasangkapang hindi ko alam kung ano.

Hindi ko muna ito pinansin at dumeritso sa kama. Agad akong humiga at tumitig sa kisame, biglang bumalik sa aking isipan sina Rita. Hinahanap na kaya nila ako ngayon? Ano kayang nararamdaman nila?

Malakas akong napabuntong-hininga at tumagilid, ipinikit ko ang aking mata hanggang sa dalawin ako ng antok.

--

Nagising ako dahil biglang lumamig sa loob, dahan-dahan akong bumangon at tumingin sa paligid. Agad akong bumaba para hanapin si Aling Linda, ngunit nakita ko itong nakasandal sa pinto na parang galing sa pagtakbo dahil hinihingal ito.

Napakunot ang noo ko, "Ano--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng binigyan ako nito ng tingin ang inilagay ang kanyang hintuturo sa labi niya. "Shhhh." saad niya.

Napatingin ako sa loob at nakitang ang lahat ng bintanang nandito ay nakasirado na ngayon bagkus lininisan naman namin ito kahapon. Dahan-dahan akong naglakad patungo kay Aling Linda at dahan-dahan naman niyang kinandado ang pinto, kinuha ang kamay ko at dinala sa itaas.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon