Chapter 14

2.5K 63 7
                                    

"Bilisan nating kumain, panay parin ang sulyap ng iba." bulong ni Red sa amin na agad naming sinunod.

Pagkatapos naming kumain agad kaming tumayo at lumabas, agad naman kaming nakahanap ng mauupuan. Pagkaupo, ay sabay pa kaming napabuntong-hininga.

"Sino 'yong babae kanina?" tanong ko sa kanila.

"She's May, leader ng Clover." sagot ni Blair sa akin na nagpasinghap sa akin.

L-leader? Buti nalang talaga at hindi ako naka sagot kanina.

"Kaya hinawakan kita kanina dahil nararamdaman kong sasagot ka. Hangga't maari iwasan mo siya, Alliya. Iwasan natin pala." saad naman ni Rita sa akin.

Napakunot ang noo ko. Siya ang leader ng Clover ngunit natalo siya ng lalaking may kapangyarihang hangin noong paligsahan. Ngunit napagtanto ko naman na galing pala sa nanalong grupo ang lalaking iyon, kahit na may kaparehas silang kapangyarihan dito iba parin ang lakas na taglay nila.

"Just wear casual clothes tomorrow." paalala naman ni Blair sa amin na agad naming tinanguhan.

"Nakakakaba bukas, saang lupain kaya tayo pupunta." biglang saad naman ni Red sa amin.

Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Biglang bumalik sa isip ko si Aling Linda, ano na ang nangyari sa kanya? Hinahanap ba niya ako? Bakit parang wala? Sana naman hindi kami mapunta sa bahay niya. Ngunit pati ako hindi alam kung saan nabibilang lupain ang bahay niya. Tumakbo lang ako ng tumakbo sa napakalaking kagubatan.

"Basta't tumulong lang tayo sa kanila sa abo't ng ating makakaya." saad naman ni Rita sa amin.

Napatango ako sa sinabi niya. Kahit na ako gusto kung ipakita ka sa kanila na kaya din namin gumawa ng misyong mahirap.

"Tayo na, maaga pa tayo bukas." nakangiting saad ni Blair sa amin at tumayo. Agad naman kaming sumunod sa kanya at nagsimulang bumalik sa dorm namin.

Pagkatapak ko palang sa building,  lahat ng mata nila ay nakatutok sa amin. May babaeng umabante at pumunta sa aming harap bago kami tiningnan ulo hanggang paa.

"Paano kayo napasama sa misyon ng Alpha?" nakataas kilay na saad nito.

Ngumiti si Blair ng ubod ng tamis at tiningnan din siya mula ulo hanggang paa. "Its for me to know and for you to find out." saad ni Blair at nilagpasan ang babae.

Akmang aakyat na kami ng biglang humalakhak ang babae ng napakalakas. Napalingon kami sa kanya na ngayon ay nakahawak sa tiyan niya dahil sa labis na tuwa.

"Oh! I forgot dati ka palang myembro ng Alpha but because you-"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang lumapit si Blair sa kanya at may binulong sa kanya. Biglang napalaki ang mata ng babae ngunit ramdam ko ang galit nito dahil pawang nakasara ang dalawang kamay nito. Ngunit napatitig kami kay Blair dahil sa sinabi ng babae.

She was an Alpha before. Napatingin ako sa dalawa ngunit pawang nakanganga ang ang mga bibig nito, kahit na sila hindi alam na dating myembro si Blair. Bumalik na si Blair sa amin at ngumiti naman ako sa kanya, nakayuko kasi itong bumalik sa amin na tila ba may malaking kasalanan itong ginawa.

Naging tahimik ang aming pag-akyat pati ang dalawa ay hindi man lang nagsalita mas lalong yumuko naman si Blair kaya agad kong tinapik ang likod niya. Pagkarating sa dorm nila ay agad binuksan ni Blair ang pinto at pumasok, akmang pupunta na ako sa aking pinto ng bigla akong hinila nila Rita papasok sa kanila.

Pagkasirado ko ng pinto agad sumigaw sa tuwa ang dalawa at talagang pinaghahampas pa ng unan si Blair. Ngayon ako na naman ang nakanganga habang nakatingin sa inakto ng dalawa.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon