"Paano niyo pala nalaman na may ginto dito?"
Napatingin naman silang lahat sa akin ng nagtanong ako. Biglang namayani ang katahimikan sa kanila, habang nakatingin lang ako sa kanila.
"Galing kami dito nong nakaraan.." paunang saad ni Victoria. "Bago kami bumalik sa Salla para sa paligsahan. Habang ginagawa namin ang dati naming misyon may narinig kaming boses, and we decided to hide."
"Sabi nila gagawin nila ang lahat makita lang ang mga ginto, nakatinginan kaming lahat dahil sino naman ang walang gusto sa ginto diba?" pagtatapos ni July sa sinabi ni Victoria.
"Paano kong nakuha na nila?" mahinang tanong ni Red sa kanila.
Natahimik sila maski kami. Paano nga at nakuha na pala nila? Anong gagawin namin dito? Kailangan ko din ng ginto.
"I doubt that." sagot ni Adam sa kanya na ngayon ko lang narinig magsalita.
"Why?" sagot naman ni Red sa kanya.
"Just ask Blair." tanging sagot nito na nagpakunot ng noo ko.
Lahat kami ay tumingin sa pinakailalim kung saan prenteng nakahiga si Blair na nakikinig sa amin. Malakas itong napabuntong-hininga, "I used my power when I touch this thing and I saw them, I saw other mages. Kagagaling lang nila dito, bagsak ang balikat at lugmok ang mukha. I bet they still not find it." saad ni Blair sa amin.
Lahat naman ay bumalik sa pagkakahiga pagkatapos niyang magsalita. Muntik ko nang malimutan ang kapangyarihan ni Blair. Kung ganoon ang sitwasyon, kailangan naming maunahan ang ibang mages na may balak din na kumuha nito.
"We must find it first." sagot ni Andrea sa kanya.
'Yun din ang iniisip ko.
"Let's sleep early." biglang saad ni Rogue sa amin. Lahat naman sila ang sumang-ayon at inayos ang pagkakahiga nila. Nakakamangha lang dahil ang hinihigaan nila ay pawang nakapatay ang ilaw ngunit ang dalawang puno bawat gilid at umiilaw parin.
Nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid, wala na naman akong naramdamang kakaiba kaya pinili ko nang mahiga at ipikit ang mata.
Sana naman ay mahanap namin ito agad.
--
Bigla akong nagising dahil sa ingay na nanggagaling sa paanan ko. Unti-unti kong ibinuka ang aking mata para malaman kung ano ito, only to find Rogue. Nakaupo ito sa sanga habang kumukuha ng mga maliit na dahon na tila lahat ang inilagay niya sa gitna.Nanglaki ang mata ko nang akmang gagamit siya ng kapangyarihan.
Balak ba niya itong sunugin?!
Bago paman niya ito masindihan bigla akong sumigaw ng mahina. "Wag!" ramdam ko namang nagulat ito dahil biglang nawala ang kidlat sa mga kamay niya.
Dali-dali akong bumangon at lumapit sa kanya. "Balak mo bang manunog? Wag! Kawawa ang gubat at kumikinang na dahon!" sigaw ko sa kanya gamit ang mahinang boses.
"At hindi natin alam ang mangyayari kung maninira ka!" dagdag ko pa.
Agad kong ibinalik ang mga dahon na dating lagayan nito, ramdam ko naman na nakatitig parin si Rogue sa akin, teka.... bigla akong nahinto sa aking ginagawa at pilit iniisip ang ginawa ko kanina.
Sinigawan ko ba ang leader ng Alpha?
Napalaki ang mata ko at unti-unting itinaas ang ulo ko at tumingin sa kanya, "Paumanhin!" paulit-ulit na saad ko habang nakasiklop ang dalawa kong mga kamay.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...