Chapter 38

2.2K 65 0
                                    

Nakasakay kami ngayon sa isang kalesa pauwi sa Salla. Palihim naman akong nakangiting napatingin kina Hedrick at Harvy na pinapagalitan ni July at Andrea dahil kay Helen. Napunta naman ang tingin ko kay Adam at Blair na tahimik lang sa kanilang upuan. Nasa harap naman si Rogue at Victoria na tahimik lang sa harap.

Napunta ang tingin ko sa gilid ko kung saan palaging tumitingin si Red na may nang-aasar na tingin. Pinalakihan ko ito ng mata ngunit patago lang itong tumawa. Dahil malapit lang naman ang Salla sa Nama mga ilang oras lang ang byahe namin. Hindi na din kami natulog pa at nakatutok lang sa labas.

Bumalik naman sa ala-ala ko ang ginawa ni Rogue kanina. Ngumiti ako ng palihim at tumingin sa mga tanawin sa labas. Tirik pa rin naman ang araw, at hindi na namin nakita pa sina Meliora.

Makalipas ang isang oras ay tanaw ko na ang tarangkahan ng Salla, umayos ako ng upo at kinuha ang bag ko na nasa sahig ng kalesa at naghanda para bumaba. Huminto naman ang kalesa at isa-isa kaming bumaba, nakita ko ring nagbayad si Rogue sa kutsero at pumunta sa gawi namin.

"It's good to be back!" malakas na sigaw ni Harvy sa harap ng tarangkahan. Napunta naman ang tingin ng mga mamamayan sa amin, ngunit agad din nilang ibinalik sa kanilang ginagawa.

Naglakad na kami papasok, huminga ako ng malalim at dinadamdam ang sariwang hangin, mas maganda talaga ang hangin dito Salla. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at pumunta sa gawing sakayan para magpahatid patungong Akademya.

Hindi din mawala ang mga ngiti sa aming labi dahil gaya ko gusto ko rin i-kwento kay Headmaster ang lahat na nangyari, ang makasama namin sina Meliora at kung paano namin sila natalo.

Ngunit, mas nangibabaw sa akin kung may naisip na ba siyang paraan kung paano hanapin ang ina ni Rogue. Sa nakita ko kanina kay Rogue alam kong pinili niyang magpakatatag sa harap nila ngunit mas nangungulila siya sa kanyang Ina. Hindi man niya sabihin, ramdam ko. Dahil kahit na ako 'yon ang nararamdaman.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Akademya, agad kaming bumaba at nagsimulang maglakad papasok sa tarangkahan. Napunta naman ang tingin ng nga estudyante sa amin ngunit hindi na namin ito pinansin pa at dumeritso sa opisina ni Headmaster.

Kumatok muna si Victoria na nasa harap at binuksan ang pintuan, nakita naman namin si Headmaster na nakaharap sa bintana na tila may malalim na iniisip.

"Headmaster." tawag ko. Napalaki naman ang mata ni Headmaster na nakatingin sa amin. Kahit na nakakunot ang noo ay umupo kami sa harap ng kanyang upuan. Napabuntong-hininga ito at humarap sa amin. "Masaya ako sa inyong pagbabalik..." paunang saad niya. "Bumalik kayo dito mamaya para kunin ang ginto niyo. Maari na kayong umalis." pagtatapos niya.

Kahit naguguluhan at unti-unti na kaming umalis ngunit napaharap ako ulit kay Headmaster nang tawagin siya ako, "Alliya, maari ka bang makausap?" tanong niya. Agad akong tumango sa kanya, humarap ako kina Blair kusa naman silang tumango at ngumiti sa akin bago sinirado ang pinto.

Napalaki naman ang mata ko ng makitang bumalik si Rogue at binuksan ang pintuan, ngunit tumitig lang si Headmaster sa kaniya, "Hindi ito tungkol sa iyo Rogue, maari ka nang umalis." saad ni Headmaster sa kanya.

Tumango si Rogue, "Alam ko, hinihintay ko lang si Alliya." napasinghap ako sa sagot nito. Tumingin naman ito sa akin, "Sa labas lang ako." he mouthed. Tumango ako sa kanya at agad ibinalik ang tingin kay Headmaster na nakatitig sa amin.

Tumingin naman ito sa akin na seryoso, "Alliya, may pumuntang matanda dito hinahanap ka."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, sino naman ang magbabalak na maghanap sa akin?

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon