I run and run. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito parin sa loob ng gubat. Hindi ko alam kung saan ang tamang daan papalabas, at hindi ko alam kung anong mang-yayari sa akin. Napakalayo ko na sa bahay niya, binulsa ko na ang potion na ibinigay ni Aling Linda habang bitbit ang maliit na lalagyan ng gintong ibinigay niya.
Humihingal akong napahawak sa isang puno, lumilinga-linga ako sa paligid nag-babakasakaling may makita akong kakaiba at hindi ako nag-kakamali. Sa malayo may isang maliit na liwanag ang natatangi sa gabi. Hindi ko alam ngunit kusang tumakbo ang paa ko patungo dito. Hindi ako maaring mag-tagal dito sa loob, mahahanap niya ako.
My jaw drop, nang nakita ko na ito sa malapitan. I was mesmerized by the sorroundings, ngayon pa ako nakakakita ng puno na magkasing haba at taas, it was equally even at talagang nakakamangha. Sa gitna nito makikita ang liwanag na nakita ko kanina at isa pala iyong malaking bahay. Mas malaki man ang bahay niya ngunit masasabi kong malaki rin ito. Walang tao sa labas, ngunit naririnig ko ang hiyawan at sigawan sa loob.
Anong nangyayari?
Pinili kong mag-lakad patungo dito, habang papalit lalo lang itong lumalakas, nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Rinig kong napakadaming boses ang nasa loob maaring napakadaming tao din ang nandito. Lumingon muna ako sa likod bago ko pihitin ang pintuan, pagkabukas ko ay siya ding pag-ragasa ng isang batong apoy papunta sa akin. I curse silently, and block my hands. Bago paman ito dumapo sa akin, at nawala na ito. Labis naman akong napabuntong-hininga at napatingin sa loob.
It was chaotic. Naghalo-halo ang ibat-ibang mages, may mga kasing edad ko at mayroon ding hindi. Pinagtitinginan nila ang dalawang mages naglalaban sa gitna. I was startled nang may paparating na naman patungo sa akin, I just stare at it and instantly vanished. Halos matupok na rin ang bahay dahil sa kanila, the girl has cloning magic dahil naparaming mukha nito ang pagala-gala sa loob while the boy has lava magic. Kahit hindi ako nakapasok sa isang paaralan, alam kong ang ibat-ibang klaseng mahika.
Ngunit bakit wala ni isa sa kanila ang pumipigil nito, nakatingin lang sila sa gitna na tila masayang-masaya sa nangyayari. Akmang pupunta na ako sa gitna para pigilan sila nang may biglang dumating na isang lalaki.
He's old, kaya ba niya?
Pinigilan niya ang dalawa, hindi ko nakita ang ginawa niya ngunit bumalik sa dati ang lahat. Napanganga ako sa nasaksihan. He has a creation magic, a rare magic.
Like mine.
Isa-isang bumalik sa kanilang ginagawa o kwarto ang mga mages na nandito kanina hanggang sa kami nalang dalawa ang natira. He look at me and smile, a welcome smile. Dahan-dahan itong pumunta sa akin, at tumingin sa aking mata. "Nakita ko ang lahat, lalo na ang ginawa mo." marahang ani nito.
Labis naman akong naguluhan sa sinabi niya ngunit tumawa lang ito ng marahan. "Maari ba tayong mag-usap bukas, ineng?" tanong nito.
Tumango ako ng marahan,"Alliya po ang pangalan ko. Ngumiti naman ito ng malaki. "Sige po, Lolo...?"
"Lolo Cruz." pag-tatapos niya sa sinabi ko. "Halika magpahinga ka muna." dagdag niya at dinala ako sa isang silid sa itaas. Namamangha naman akong tumingin dito dahil sa laki, malayong-malayo sa hinihigaan ko noon.
"Dito po ako matutulog?" tanong ko habang nililibot parin ang tingin. Isang higaan lang naman ang nandito ngunit malaki, alam ko rin na malambot ito sa imahe palang, halos purong puti lang din ang kulay na nandito sa loob.
"Bakit, ayaw mo ba?"
Agad akong lumingon sa kanya at paulit-ulit na umiling. "Gusto po."nahihiyang ani ko.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasíaAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...