Dahil maaga pa naman, pinili ko nalang kunin ang bag ko at ilagay ang mga damit na dala ko sa closet. Ngunit sa kasamaang palad hindi ko makita ang bag na dala ko,ang alam ko inilagay ko ito sa gilid ng kama. Halos malibot ko na ang kwarto subalit hindi ko talaga ito makita maliban sa loob ng banyo.
Nagdadalawang-isip ako kung papasok ako dahil paano naman mapupunta ang munting bag sa loob ng banyo?
I heaved a sigh at piniling buksan ang pintuan, napakunot ang noo kong makita ito sa ibaba. Kinuha ko naman ito at dinala sa sofa, ngunit agad na nanglaki ang mata ko ng maramdamang sobrang gaan nito, malayong-malayo kanina.
Wala akong inaksayang oras at agad itong binuksan, hinalungkat ko ang loob... at hindi nga ako nagkakamali.
Nawawala ang gintong dala ko.
Napatulala ako sa nasaksihan, agad nawala ang gintong dala ko. Paano na ito? Kailangan ko bang i report ito kay Headmaster? Pero diba sabi ni Blair talamak ang ganitong pangyayari ngunit bakit hindi sila gumawa ng aksiyon?
Nilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto nagbabakasaling may bakas sa kumuha ngunit wala. Subalit napahinto ang mata ko sa bintanang nandito na malayang nakabukas, dahan-dahan akong tumungo papunta doon. May malaking puno sa harap at ang sanga nito ay mismong nakatutok sa aking bintana, kung gayon maaring itong puno ang ginamit ng kumuha. Dahil alam kong sinirado ko ang pintuan bago lumabas kanina.
Malakas akong napabuntong-hininga at lumabas. Kumatok ako sa pinto nila Blair, binuksan naman ito ni Red ng malaki.
"Pasok ka, Alliya."
Pagkapasok ko, agad ko silang namataang nakaupo sa sofa, ang kaninang inaantok na Rita ay masigla na ngayon. Hinila naman ako ni Red patungo sa kanila, kumaway pa si Rita nang makita niya ako.
"Upo ka Alliya, may problema kaba? You look down?" tanong ni Blair sa akin. Umupo naman si Red sa tabi ko at tumingin sa akin.
Tumingin ako sa kanilang lahat, "Nawawala ang gintong dala ko." mahinang saad ko.
Napalaki naman ang mga mata nila sa aking sinabi.
"Ano?!" unang nakabawi si Rita na ngayon ay nakatayong tumingin sa akin. Tanging tango ang sagot ko sa kanya.
"I can't take this anymore! Una ako tapos ngayon ikaw na naman?!" saad naman ni Red na agad napakuha sa aking atensiyon.
Tumingin ito sa akin at tumango. "Oo, Alliya. Pinaghirapan ko 'yong ginto na iyon tapos kinuha lang nang ganon kadali!" mariin na saad pa nito.
"Let's go to the Headmaster office. Baka may solusyon ni Headmaster nito." suhestiyon ni Blair na agad naming sinang-ayunan.
Tumayo kaming apat at dumeritso sa office ni Headmaster. Ramdam ko ang galit ni Red dahil hanggang ngayon nagkasalubong parin ang kilay nito. Kahit na ako, gusto kong magalit. Bigay iyon ni Aling Linda sa akin, pinaghirapan niyang ipunin 'yon tapos mawawala lang nang ganoon kadali. Nanlumo ako sa aking iniisip, ngunit bigla akong napatingin sa humawak sa balikat ko.
"We'll make sure na makukuha natin ulit 'yon." nakangiting saad ni Blair sa akin.
I silently sigh and plaster a smile. I hope so.
Pagkarating, kumatok muna si Red bago buksan ang pinto. Nakangiti namang tumingin si Headmaster sa amin, "What brings you here RRB?" tanong nito.
Umupo naman kaming apat sa upuan na nandito, napakunot naman ang noo ni Headmaster ng makita niya ako. Nakita ito nila Rita kaya agad itong nagsalita.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...