Pumasok na kami sa tuwid na daan papasok sa gubat kung saan deritso sa bahay ni Lolo Cruz. Halos hindi nga mawala ang ngiti ko dahil sa wakas ay makikita ko na ulit si Lolo Cruz. Ngunit maaring magpahinga kami sa bahay niya o maari ring hindi. Tahimik akong napabuntong-hininga.
Napatingin ako sa itaas, malapit ng lumiwanag ang paligid subalit tuloy parin sa lakaran ang lahat. Wala ring kumikibo sa amin, pati sina Rita na ramdam ko na ang pagod. Makalipas ang ilang minuto ay tanaw ko na ang bahay ni Lolo Cruz. May mga manglalakbay na din kaming nakikita na umaalis at pumapasok sa gubat.
Napalingon ako sa grupo nina Rogue, magtatanong ba ako o hindi? Hindi namin alam kung saan kami pupunta dahil hindi man lang nila sinabi kanina. Kusa lang tumayo si Rogue at nagsimulang maglakad, sumunod ang Alpha kaya wala kaming nagawa kung hindi sumunod din.
"Saan po tayo patungo?" lakas loob na tanong ko sa kanila.
Lumingon ang babaeng hindi ko alam ang pangalan at lumapit sa akin, akala ko ay tatarayan ako nito ngunit bumulong lang pala. "Pupunta tayong Namorn." mahinang sagot nito.
Tumango naman ako sa sinabi niya at ngumiti. "Ganyan talaga sila pag naglalakbay ngunit tiyak na makakausap mo sila." dagdag na saad pa niya.
Napatitig ako sa kanya, nakangiti itong napatingin sa akin kaya bigla akong napayuko. Rinig ko naman ang hagikhik nito at nagsalita, "I'm July, you are?" tanong nito.
"Alliya." daliang sagot ko sa kanya.
"I like your hair." bigla namang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Gusto mo bang hiramin ito?" tanging sagot ko habang ibinigay sa kanya ang cardigan na suot ko. Nakasuot lang kasi ito ng maiksing damit, hindi ba siya giniginaw?
Ngunit imbes na kunin ay humalakhak ito na rinig ng iba. Napatingin ang Alpha sa amin ngunit ibinalik din ang tingin sa daan habang napatitig sina Rita at Red sa amin.
"Sanay ako sa lamig at sa ganitong suot." saad niya at tumawa pa sa dulo.
Napayuko ako sa sinabi niya. Anong klaseng sagot 'yon Alliya?! Hindi nalang ako sumagot at ngumiti lang sa kanya. Pagkalingon ko sa harap ay nasa harap na kami sa bahay ni Lolo Cruz akmang pupunta na ako doon ng bigla akong hilahin ni Blair sa kanila.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Blair sa akin.
Napakunot ang noo ko at tumingin sa kanila. "Hindi ba tayo papasok?"
Umiling si Blair sa akin, "Deritso lang sila sa paglalakad, hindi tayo hihinto diyan." sagot niya.
Wala akong nagawa kung hindi tumango at lumingon sa likod kung saan nadaanan na namin ang bahay ni Lolo Cruz. Nakalabas na kami sa gubat at sabay kaming napahinto sa labas. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan, may daan ngunit hindi ko alam kung saan patungo, sa harap nito ay isang gubat na naman, napatitig ako sa daan ngunit walang kalesa ang dumadaan dito.
Biglang tumikhim si Rogue na agad nagpakaba sa amin, ngunit nilibot niya ang tingin sa aming lahat, "Pupunta tayong Namorn, kailangan muna nating dumaan sa Tamora bago makapunta doon." saad ni Rogue sa aming lahat.
Magtatanong na sana ako ng bigla akong kinilabit ni Rita. "Anong itatanong mo?" bulong nito sa akin.
"Bakit pa natin kailangang pumunta sa Tamora?" tanong ko sa kanya.
"Nasa hilagang bahagi tayo ngayon, nasa Sentro ang Tamora at nasa Hilaga ang Namorn. Kaya kailangan muna nating dumaan sa Tamora bago makapunta doon, isa pa may masasakyan tayo doon papuntang Namorn." sagot ni Rita sa akin, tumango naman ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasíaAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...