Pagkasirado ko ng pinto agad bumungad ang mukha ng tatlo na nag-aabang sa aking sasabihin. Napangiti akong itinaas ang susi at uniform na bitbit ko. Kinuha naman ni Red ang dalawang pares na uniform at isinukbit ni Rita at Blair ang kamay nila sa akin. Nagsimula na naman kaming maglakad papalabas.
"Saang dorm ka Alliya?" agad na tanong ni Rita.
"Sa maliit..." I paused for a while, at tiningnan ang numerong nakaukit. "Room 359." pagtatapos ko.
Bigla akong napangiwi nang sabay na tumili si Red at Rita, balak ko sanang takpan ang tenga ko dahil sa lakas nito ngunit nakasukbit ang dalawang kamay nila.
"Magkatabi tayo, Alliya." saad ni Blair at ngumiti, dahil hanggang ngayon tili parin ng tili sina Rita.
Ngumiti lang din ako kay Blair bilang tugon. Laking pasalamat ko at magkatabi lang kaming tatlo ng kwarto, dahil hindi ko alam makihalubilo sa iba, at hindi ko alam kung anong klaseng ugali ang ibibigay nila sa akin pag nagkataon.
"Sumali ka na sa amin, Alliya." excited na ani ni Red sa akin.
Tumango naman ng paulit-ulit si Rita. "Yeah, napag-usapan na namin kanina, Alliya. Magiging RRBA na tayo!" malakas na saad naman ni Rita.
Napatingin ako kay Blair at ngumiti lang din ito sa akin. Kung sasali man ako sa isang grupo o kina Rita, hindi sa muna ngayon. Masyadong madali, hindi pa naman niya ako mahahanap diba? I silently sigh and wish that it came true.
"Pag-iisipan ko muna." tanging saad ko sa kanila.
Tumango naman silang tatlo, sa di kalayuan may natanaw na akong dalawang gusali na magkatabi, walang masyadong labas-pasok sa isa subalit marami sa isa at doon kami pumasok. May kanya-kanyang ginagawa ang mga estudyante, may nag-uusap sa may gilid, may ibang may dalang mga malalaking bag na tila isang taon bago bumalik dito.
"Masanay kana Alliya, ganyan talaga dito at siya nga pala sa kabilang building nakatira 'yong nagbayad ng isang daang ginto para sa isang dorm." sambit ni Red habang nakatingin sa kanila at tinuro ang kabilang building.
Sumang-ayon naman ang dalawa. "Palaging umaalis ang mga estudyante dahil sa misyon ngunit alam kong babalik sila sa darating na paligsahan." seryosong dagdag naman ni Blair.
Napakunot ang noo ko. Paligsahan? Yoon bang nabasa kong papel sa table ni Headmaster kung saan nakalista ang mga dadalo? Kung hindi ako nagkakamali, War of the Strongest ang nasa itaas na nakasulat doon.
"I can't wait! Makikita ko na ulit ang Alpha makiglaban." tila namamanghang saad ni Red.
Umismid naman si Rita at sumagot. "Matatalo rin sila ng Clover, duh! Clover go!" malakas pa nitong sambit.
Hanggang sa nagbangayan ang dalawa dahil sa mga gusto nilang manalo. Nakarating kami sa elevator kaya umuna kaming pumasok ni Blair, mahinang napatawa si Blair habang nakatingin sa dalawang nasa dating pwesto pa namin at halos magsasabunutan na naman. Agad sinarado ni Blair ang elevator kaya naiwan ang dalawa sa ibaba. Napatingin ako kay Blair ngunit tumawa lang ito, "Susunod rin sila." saad niya.
Pagkalabas namin sa elevator, agad kaming dumeritso ng lakad,napapatingin lang ako sa paligid at piniling magbilang sa lahat ng silid na nandito ngunit masyadong madami, napakalapad at mahaba rin ang hallway kaya hindi ko maiwang hindi mamangha. Malayong-malayo ito sa inaasahan ko kanina sa labas.
"We're here." napatingin ako kay Blair sa sinabi nito. Napatitig ako sa numerong nakasaad sa pintuan at 'yon nga ang nakalagay sa susi ko. Agad ko namang isinilid ito at kusang bumukas ang pintuan. Pagkakita ko palang sa loob, hindi ko maiwasang mapangaga sa nasaksihan, ulit, napakalayo nito sa inaasahan ko.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...