Chapter 36

2.1K 60 2
                                    

Nagising ako dahil biglang may tumapik sa pisngi ko, unti-unti ko namang ibinuka ang aking mata at nakangiting Red ang bumungad sa akin. Agad akong bumangon at luminga sa paligid.

"Nasaan si Blair?" mahinang tanong ko.

Tinuro niya naman ang pintuan, "Nandoon na sa baba, tara na Alliya!" saad nito at hinila ang kamay ko.

Napangiti naman ako at tumayo, akmang maglalakad na kami patungo sa pinto ng bigla akong napangiwi. Napatingin ako sugat ko, at napabuntong-hininga.

"Hala! Nakalimutan ko ang sugat mo, pasensiya na Alliya."

Inangkla ko ang braso ko kay Red. "Ano ka ba, okay lang ako. Tara na!" nakangiting saad ko sa kanya.

Tumango naman ito at ngumiti. Dahan-dahan naman kaming naglakad pababa sa hagdan, rinig ko naman ang mga tawa na nanggagaling sa kusina kaya doon kami dumeritso. Napa-angat ang tingin ko sa kanila, napalaki naman ang mata ko ng makitang masaganang kumakain sa Rogue sa gilid, bigla akong nakaramdam ng saya.

Akmang tatakbo ako para sana yakapin siya nang mapagtanto kong nandito pala lahat.

"Alliya!" napatingin ako ng bigla akong tinawag ni Rita.

Napunta naman ang atensiyon nila sa amin, nagkatinginan kami ni Rogue ngunit iniwas ko rin ang tingin ko.

Biglang lumapit si Rita sa akin, "Okay ka na ba?" bungad nito.

Ngumiti ako sa kanya, "Oo naman." sagot ko.

"Kumain na kayo," saad ni Elara at ngumiti sa akin.

Agad naman akong umupo sa bakanteng upuan, at nagsimulang kumain. Napangiti ako ng patago ng makitang maayos na ang lahat, gising na sina Meliora at ang mga kasamahan niya at syempre sina Rogue. Si Helen nalang ang tanging pinoproblema namin, nasisigurado kong alam na niya ang nangyari sa kweba ngayon. Tiyak kong hinahanap na niya kami.

Bigla namang tumayo si Sandra na nasa harap ko, "Okay! Makinig. This is Alliya." saad niya at tinuro ako. Napatingin naman ang mga lalaking kasamahan siya sa akin at ngumiti may tumango din. Ngumiti lang ako sa kanila.

Bigla namang lumapit si Red sa akin, "Nagpakilala na kami kanina, ikaw nalang ang hindi pa." bulong niya na nagpatango sa akin.

"Hi, Ako si Relm!" malaking ngiti saad ng isang lalaki. Ngumiti lang din ako sa kanya.

"Copelan."

"Vandel."

Sabay na saad nilang dalawa. Tumango lang ako sa tono ng pananalita nila, at tinuloy ang pagkain. Dahil tapos na ang iba may iba na pumunta sa sala nila para mamahinga. Napatingin naman ako kay Rogue nang bigla itong tumayo at pumunta sa sala, na hindi man lang nagpaalam sa amin.

Tahimik akong napabuntong-hininga at tinuon ang pansin sa pagkain. Tanging kaming dalawa nalang ni Red ang nandito, "Ganyan na 'yan si Rogue, kanina pa." biglang saad ni Red sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya at napakunot ang noo. Tumawa naman ito ng mahina, "Nalulungkot ka diba? Wag kang mag-alala hindi ko sasabihin sa iba na gu--"

Bigla kong tinakpan ang bibig nito. "Hindi sa ganon!" depensa ko sa sasabihin niya.

Ngumiti naman ito ng nakakaasar sa akin, "Sabi mo eh!" tanging saad niya at tumawa.

Napabuntong-hininga ako, hindi naman talaga ganon. Hindi lang ako sanay sa pinapakita niyang reaksiyon lalong-lalo na sa akin. Oo 'yon yun. Ngunit hindi ko na ito sinabi pa kay Red at tinuloy lang ang pagkain.

Pagkatapos namin, agad akong dumeritso sa hugasan ng mga pinggan at sinimulan itong hugasan. Nagpresinta na ako kanina na ako nalang maghuhugas dahil sila naman ang naghanda sa mga pagkain. Pumunta na din sa sala si Red para makipaghalubilo sa kanila.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon