Chapter 13

2.6K 68 13
                                    

"What?"

Unang nakabawi ang babaeng katabi ni Rouge habang nakataas ang kilay nito. Napayuko naman kaming tatlo habang nakatingin lang si Blair sa sasabihin ni Headmaster.

"You heard me, Victoria."

Napatingin ako kay Victoria ngunit imbis na nakangiti na taliwas ang pinapakita nito. Tila hindi nito gusto ang sinabi ni Headmaster.

"But why?" tanong naman ng isang babae.

Malakas na napabuntong-hininga si Headmaster at tumingin sa kanilang lahat, "Kailangan niyo paba ng ginto? Nabayaran niyo na ang dorm ng isang taon tapos maghahanap pa kayo ng ginto. Sila..." tumingin naman si Headmaster sa aming apat. "Kailangan nila ng ginto para pambayad sa tinutuluyan nila." paliwanang ni Headmaster.


Base na naintindihan ko, maghahanap sila ng ginto. Kailangan ko ng ginto para sa pamamalagi ko dito, sana naman ay pumayag silang isama kami. Ramdam ko namang gusto din nila Rita ang sumama dahil talagang nakaabang sila sa sasabihin ng Alpha.


"Of all people? Them?" biglang saad ng isang babaeng nagtanong kanina kay Headmaster.

Lumingon naman si Headmaster sa kanya na tila hindi nasasayahan sa sinabi nito. "Bakit Andrea? Kilala niyo naman si Blair, anong masama?" napabuntong-hininga si Headmaster at tumitig sa kanya, at sa kanila. "Kailangan niyo din na tumulong sa kapwa estudyante minsan." pagtatapos ni Headmaster.

Hindi na umimik ang Andrea na sinabi ni Headmaster at tumingin lang sa gilid.

Ngunit napatingin ako kay Blair na ngayon ay walang emosyong pinapakita sa kanila. Kilala niya sila? Hindi sa kilala sa pangalan ngunit tiyak kong nakasama na niya ito base sa pinapakita nila.


"It's fine with me."

Napatingin kaming lahat sa sinabi ni Rogue. Tila nabuhayan naman kaming apat sa sinabi nito at talagang makikita mo ito sa mga mukha namin. Pagkatapos sumang-ayon ni Rogue ay umuna na itong umalis, sumunod naman ang mga kasama nito at naiwan kaming apat sa harap ni Headmaster.


"Headmaster? Totoo ba yon?" Tili ni Red na ngayon ay abot-langit ang saya.

Ngumiti naman si Headmaster sa amin at tumango. "Maghahanap sila ng ginto, kailangan niyong agahan bukas. Aalis sila ng madaling araw magkikita kayo sa gate." saad nito.

"Blair..." tawag niya kay Blair. "Ikaw na bahala sa grupo mo." saad nito na hindi ko maintindihan.

"Masusunod po Headmaster. Una na po kami, salamat po ulit." nakangiti na ngayong saad ni Blair at hinila na kami papalabas.


Ngayon, nagsimula na kaming maglakad pabalik sa mga dorm namin. Iniisip ko parin ang nangyari kanina, makakasama namin ang Alpha sa misyon ngunit makakaya kaya namin? Ang talagang nagpapagaan ng loob ko ay ang gintong makukuha namin.

"Agahan niyo bukas maliwanag?" biglang saad ni Blair sa amin.


Napatango naman kaming tatlo. "Hindi parin ako makapaniwalang makakasama natin sila!" Red exclaimed.

Bigla naman itong binatukan Red. "Nakakakaba, wag kang excited. Hindi natin alam kung saan tayo pupunta." sagot nito sa kanya.


"Kahit na. Makakasama ko sila." hagikgik nito sa gilid na ikinatawa ko.


Napatingin ako sa hindi nagsasalita na Blair at piniling lumapit sa kanya. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Tumingin naman ito sa akin at ngumiti. "Oo naman. Agahan mo bukas." sagot nito sa akin.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon