Nang maramdaman kong wala na sila ay agad kaming tumayo si Claus. Narinig ko namang napahinga ito ng maluwag. Napatingin naman ako sa kanya, "Nakita mo ba kung saan sila dumaan?" tanong ko.
Napabusangot naman ito, "Sa kapal nitong mist, kahit sa malapit hindi ko makikita!" bulalas naman ito.
Umiling nalang ako at hindi na ito sinagot pa. Base sa tunog ng kanilang paa patungo silang kanluran. Sino nga ba ang tumawag sa kanila? Madami pa ba silang kasama na nasa paligid lang?
"Tayo na!" muli kong saad kay Claus at nagsimulang maglakad.
Hindi ko alam kung nasaan, ngunit sinunod ko lang ang sa tingin ko ang daang tinahak ng dalawa kanina. Sana naman malaman ng taga-Salla o Tamora ang nangyayari dito. Dahil alam kong hindi ko kaya silang lahat.
My magic is defense, and I can do physically offense. Ngunit hindi ko alam, hindi namin alam ang mga kapangyarihan ng mga bandito na nandito.
Bigla kaming napatigil ng may pumalakpak sa paligid, tumibok ng mabilis ang puso ko at hindi alam ang gagawin. Agad namang hinawakan ni Claus ang pulsuhan at akmang tatakbo ng biglang may nabuong pader sa harap namin.
"Not so fast." rinig kong saad ng isang lalaki, at hindi nga ako nagkakamali. Biglang may lumabas na babae sa gitna ng makapal na mist.
Nang makita niya kami, tumawa naman ito ng malakas na parang nababaliw, pinahiran pa niya ang mga luhang tumakas sa kanyang mata dahil sa aliw, "Anong ginagawa ng mga bata dito?... I love visitors!" dagdag pa niyang saad.
Hindi kami sumagot bagkus ay tinitigan lang siya. He looked like a middle-aged man. Ngunit ang una kong napansin ay ang malaking hiwa sa bandang pisngi nito. Agad niya naman itong tinakpan gamit ang mahaba nitong buhok.
"Anong ginagawa niyo dito?!" lakas-loob kong sigaw sa kanya.
Muli naman itong humagikgik, "Bakit ko naman sasabihin?" parang batang saad nito.
"Claus!" sigaw ko.
Kasabay nito ang paglabas ng napakadaming karayom sa kamay ni Claus at lahat ito patungo sa lalaki. Tila hindi naman ito inaasahan ng lalaki at kita kong napalaki ang mata nito ngunit agad din itong gumawa ng pader at iniharang sa harap niya.
"Stop." mahina kong saad kay Claus. Rinig ko namang napaismid ito, "Alam ko." tanging sagot niya.
Napahalakhak muli ang lalaki, dahil wala ni isa ang tumagos sa kanya. Nawala ang pader sa harap niya, at tumingin sa amin. "Tila humihina ang kapangyarihan ni Mila, bakit hindi kayo naapektuhan sa mist?" saad niya at tumingin sa itaas.
"Puntahan ko lang," ngisi nito. Bumuo ito ng maliit na pader at agad itong tumuntong sa itaas. Unti-unti namang humaba ang pader at nakangisi parin itong tumingin sa akin, tatakbo na sana ako para pigilan ang pag-angat nito ng hawakan ni Claus ang pulsuhan ko.
"Tumingin ka," nakagising saad nito.
Nawala ang lalaki sa aming tingin at humalo ito sa mist, bumuo ang pader sa aming harap at unti-unti siyang umangat papataas ng bigla nalang itong sumigaw at nawala ang pader sa harap namin. Nakita nalang namin itong nahulog at nakahandusay sa daan, at napakaraming sinulid ang nakatusok sa katawan nito.
"Hindi ko gusto ang tawa nito," tanging saad ni Claus.
Napatingin naman ako sa kanya, "Anong ginawa mo? Hindi ko nakitang may karayom na lumabas sa kamay mo?" tanong ko.
"Kaya kong maglabas ng karayom kahit saan ko gusto, Alliya. Kanina ko pa ito inihanda sa itaas habang humalakhak ito. Akala ko alam niya ngunit nagkakamali ako, dahil hindi niya makikita ang karayom dahil sa kapal nitong mist." sagot ni Claus sa akin.
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...