Wala akong ginawa kung hindi umiwas sa bawat atake nila ang iba naman ay sinisira ko bago paman makalapit sa akin. Napatingin ako sa kamay ko, namumula na naman ito. Ngunit ito lang ang kaya kong magawa ang umiwas at sirain ang kapangyarihan nila.
All I can do in my magic is defense. Doon lang ako makakalaban. Kung nandito lang sana si Claus.. bigla akong napahawak sa balikat ko ng matamaan ako ng kapangyarihan ni Mila. Lumubo naman ang sakop ng mist niya ngunit bago ba ito lumaki ay agad ko na itong sinira.
Bigla akong nakaramdam may papalit sa likod ko kaya agad akong tumalon at hindi niya ako nagkakamali, isang ugat na hugis espada. Umiba naman ang direksiyon nito't patungo sa akin. I groaned, at dali-daling tumakbo patungo sa ibang direksyon ngunit pagkaharap ko ay isang bolang mist ang patungo sa akin, napalaki pa ang mata ko dahil isang tangkay nalang ang pagitan nito sa katawan ko, agad ko naman itong nahawakan at nasira ngunit napadaing ako at napahawak sa likod ko.
Ngunit narinig ko nalang ang kagikgik ni Greg at dinukot ang kutsilyong hawak niya. Napatingin ako sa kamay ko at halos mawalan ng balanse ng makitang puno ito ng dugo. Bigla nalang may ugat na gumapang sa paa ngunit wala na akong lakas para sirain, hanggang sa nakaramdam ako ng antok at unti-unting dumilim ang paligid.
--
Pilit kong pinapakiramdam ang katawan ko, para akong lumulutang sa ilalim ng tubig, hindi magalaw at tila humihina ang aking paghinga. Gusto kong sumigaw, magsalita ngunit walang boses ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko rin maibuka ang mga mata ko sa hindi ko alam na dahilan.
Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Ang huling natatandaan ko lang ay ang pagsaksak ni Greg sa akin, at bigla akong nawalan ng ulirat.
Ngunit rinig ko ang bawat patak ng tubig, ang tunog ng paglalakad sa paa, at isang tunog na hindi ko alam kung ano. Narinig kong may bumukas na pinto at may pumasok base sa tunog ng sapatos nito.
"All cleared." rinig kong saad nito.
"Ilang oras bago matapos?" rinig ko namang saad ng isang boses. Agad namang napakunot ang noo ko dahil sa pamilyar nitong boses, ngunit hindi ko maisip kung saan ko ito narinig. Ngunit ano ang tinutukoy nilang oras?
"Ayusin mo ang pagbabantay dito, pupunta sila mamaya." rinig ko namang saad nito. Tila naman ako'y nahimasmasan dahil boses pala ito ni Mila na may mist magic. Pilitin ko man na igalaw ang katawan ko ngunit hindi ko talaga ito magalaw, tila may pumipigil sa akin.
Narinig ko nalang na bumukas ang pinto at agad din na sumirado. Napabuntong-hininga naman ang alam kong kausap ni Mila, "Ano bang magagawa dito? Nakakabagot naman." saad niya.
"At anong tingin nila sa akin, tanging tagabantay?!" rinig ko namang dagdag niya.
Alam kong naglalakad ito ngayon dahil sa tunog ng kanyang sapatos, nakarinig naman ako ng tila may tinitipa ito sa gilid hanggang sa may sumigaw. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ang masagana nitong tawa. Hindi ko alam, hindi ko alam kung nangyayari, ngunit ito ay delikado. Ako ay nasa delikadong sitwasyon.
Biglang nawala ang sigaw ngunit ang tawa ang hindi mawala-wala. Tawa ng isang batang tila naaliw sa kanyang ginagawa. Muli na naman itong naglakad, may tinitipa sa gilid at muling may sumigaw. Kung kanina ang boses ng isang lalaki, ngayon naman ay babae. Sumisigaw ito na tila nakaramdam ng sakit, isang nakakabaliw na sakit. Biglang nawala ang sigaw at napalitan na naman ng kanyang tawa.
Rinig ko namang muli itong naglakad, hindi ko alam kung bakit sa tingin ko ay nasa harap ko ito ngayon. Ngunit biglang tumahimik, wala itong tinipa, wala akong narinig na sigaw.
"Too bad, at hindi kita pwedeng galawin." he murmured. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya dahil hindi ko nakikita. Ngunit napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito.
"Ngunit...." bumalik ang kaba sa aking dibdib. "hindi ko mapigilan." pagtatapos nito. Muli nakarinig ako ng sigaw, sigaw ng sakit at paghihinagpis, at aking napagtanto ang sigaw na ito ay galing mismo sa bibig ko.
Biglang tumulo ang luha sa aking mata, ang sakit.. napakasakit, parang hiniwa ng paulit-ulit ang mga kalamnan ko sa loob. Ang sakit... napakasakit na tila kuryente itong dumadaloy sa buong katawan ko. Muli naman akong napasigaw ng muli itong may pinindot at halos parang piniga ang puso ko sa sakit. Hindi ko kaya, napakasakit nito. Muli ko na namang narinig ang tawa nito, tawang parang sayang-saya sa kanyang nakikita.
Parang nawalan ako ng lakas, mas lalong hindi ko magalaw ang katawan ko, mas lalong nawawalan ako ng hininga. Ngunit rinig na rinig ko parin ang malutong na tawa nito. Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang nakapaligid sa katawan ko, hindi ko alam ang nangyayari, hindi ko lang maibukas ang dalawang mata ko, hindi ko magamit ang kapangyarihan ko na tila may tumitigil nito.
Bigla naman siyang napatigil sa ang kanyang pagtawa ng bumukas ang pinto. "Anong ginawa mo?!" rinig kong saad.
"Nakakabagot naman kasi," rinig kong sagot ng isa.
"Hindi natin pwedeng galawin 'yan, malalagot tayo. Hindi malalagot ka!" rinig ko naman. "Parating na sila, ihanda mo ang sarili mo." dagdag niya pa.
Muling bumukas ang pinto, rinig ko ang napadaming tunog ng mga sapatos. Hula ko nasa higit tatlo ang pumasok. Biglang natahimik ang loob, hindi ko alam kung nangyayari, kung nag-uusap ba sila at hindi ko na marinig.. hindi ko alam.
"Ihanda mo na si Alliya, parating na sila!"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ang boses na 'yon, napakapamilyar.. hindi kilala ko. Anong ginagawa niya dito? Ililigtas ba niya ako? Itatakas niya ba ako?
"Bilisan mo!" muli nitong dagdag.
Gusto kong umiling.. kung kanina gusto kong ibuka ang mata ko, ngayon parang gusto ko nalang ipikit ito.
A-aling Linda?
Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon. Anong ginagawa niya dito? Anong ihanda ako? Nasaan nga ba ako ngayon? Ang daming tanong sa isip ko at wala akong mahanap na sagot. Anong ginagawa ni Aling Linda? Kasama niya ba sila Mila? Akala ko ba at nasa bahay sila nina Claus? Si Claus nasaan si Claus ngayon? Si Nelia? Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko maintindihan.
"Ilang minuto ang proseso?" rinig kong tanong ni Aling Linda.
Anong proseso? Nakarinig naman ako ng pagtipa, "Mga sampung minuto." rinig kong sagot nito.
"Pumasok na po kayo." rinig ko namang saad ng isang babae, ang kaninang pumasok.
Nakarinig ako ng pagbukas ng kung ano, at agad naman itong sumira. Muli ko na namang narinig ang pagtipa sa kung alin, "All set, handa ka na po ba?" rinig kong tanong ng isa.
"Oo." sagot naman ni Aling Linda.
"Okay, in 3..... 2---" hindi natuloy ang sasabihin nito ng nakarinig kami ng napakalakas na pagsabog. Rinig ko ang sigawan sa labas na tila may nangyayaring hindi nila inaasahan.
"Anong nangyayari?"
"Bantayan mo ang pinto!" rinig kong saad ni Aling Linda.
Nang biglang bumukas ang pinto, rinig ko naman ang pagsinghap nilang lahat. "Alam kong may ginagawa ka, ngunit hindi ko inaasahan na ganito 'yon Linda."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tila nanginginig ang buo kong katawan. Ang boses na 'yon. Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon. Ang boses na tila hindi ko malilimutan.
Bakit?
Paano?
Anong ginagawa niya dito?
BINABASA MO ANG
Salla Academy (Sylverian Series 2)
FantasyAlliya wanted freedom from the beginning. She saw her family die and was locked up with her family's murderer. Not until someone helps her, that leads her to be free and to her new home. She makes friends, she values them, and she lives happily in...