Chapter 8

2.7K 79 10
                                    

Ngayon ang araw sa sinasabi nila na paligsahang magaganap dito sa loob. Wala kaming ginawa kahapon kung hindi magkulong sa kwarto,dahil may ginto na kaming binigay ni Headmaster nabayaran na namin ang sunod na buwan na pamamalagi dito sa dorm.

Napatingin ako sa salamin habang suot ko ang uniform ng Academy, bilin ni Headmaster na maaring hindi magsuot ng uniporme ang hindi kalahok ngunit pinili ko paring magsuot... pinili pala namin. Mas gusto ko din na ganito, dahil parang mas ramdam kong malaya ko, na nasa ibang lupain ako.

I was startled nang biglang may kumatok sa aking pintuan. Tiningnan ko pa ang sarili ko bago piniling pihitin ang pinto at lumabas. Nadatnan ko naman ang tatlo na naghihintay sa akin at gaya ko nakasuot ng uniform.

"Let's go? Kanina pa nag-uumpisa." saad ni Rita sa sinang-ayunan namin.

Dahil hindi pa ako nakakapunta sa stadium ay tanging pagsunod lang ang ginawa ko. Nasa hulihan kaming dalawa ni Rita habang nasa unahan sina Blair at Red. May nakakasabay din kaming ilang estudyante na ang iba ay nakasuot ng uniporme ang iba naman ay hindi.

"Balita ko may bagong dumating kahapon na sumali ngayon." basag katahimikang saad ni Red sa amin.


"Talaga?" paniniguradong saad ni Rita.


"Yes, nabalitaan ko rin kalat 'yon kahapon." kibit-balikat na sagot ni Blair.

Napatingin naman ako kay Rita ng biglang kumunot ang noo nito.

"Ngunit bakit sila sumali agad? Naghahanap din ba sila ng ginto?" tanong niya sa kanila.


Nabalitaan kong napakalaking ginto ang ibibigay ni Headmaster sa mananalo may kasama pang ibang bagay na galing sa mga misyon. Maaring pinaghahandaan talaga niya ang ganitong pangyayari  o gusto lang niyang malaman kung sino ang malakas sa akademya.

Subalit, sinasabi na nina Rita na ang Alpha at Clover ang pinakamalakas dito sa maaring silang dalawa ang mananalo sa paligsahan.


"I doubt that, nakatira sila sa kabilang building." sagot ni Blair kay Rita.

"What?!"

Nanglaki ang mata ko sa sinabi ni Blair, pati rin pala sina Red at Rita. Ang sabi ni Headmaster isang daan ginto ang bawat kwarto doon, tapos sila kahapon pa dumating ngunit doon agad nakatira. It sound fishy.


"Wag niyo nang isipin, manood nalang tayo mamaya." tanging saad ni Blair sa amin.


Sa di kalayuan may natatanaw na akong napakalaking stadium, sa gitna dumadaan ang estudyante kung gayon doon din kami dadaan. Nang makarating, agad binuksan ni Red ang pinto at dahan-dahan kaming pumasok. Pumunta kami sa bahagi ng upuan para sa mga manonood, buti nalang agad kaming nakakita sa itaas na bahagi.

Pagkaupo agad kong tiningnan ang mga kalahok na nakaupo sa upuang para sa kanila, rinig ko naman ang bulong-bulongan ng ibang nandito na nasa ika-labing walong upuan ang mga bago. Agad hinanap ng mata ko ang numero at namataan ang pitong tao.

They're seem relax, para lang silang nababagot habang nakaupo.

Lahat napatingin sa pinto ng biglang bumukas ito, at pumasok at grupong nakita ko kahapon. They walk with grace and power, 'yong tipong walang kinakatakutan. Lahat naman ng mga manonood maliban sa amin ay sumisigaw ng pangalang Alpha at Clover.

Tumitig ako sa kanila habang papalit sila sa upuang nakalaan sa kanila at tahimik na umupo.

"I wonder if Rogue wrote this is his schedule and the time  when it suppose to end." Blair mumbled na nakarating sa aking tenga.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon