Chapter 23

2.3K 87 12
                                    

Bumalik kami sa dati naming lugar na pinag-kwentuhan ni Lolo Cruz, kung saan kita ang kalangitan at ang mang-lalakbay na pumapasok at lumalabas. Agad naman kaming umupo sa bakanteng upuan, "May mga kaibigan na po ako, galing din po kaming misyon ngayon. Alam niyo po ba na ginto ang misyon namin ngayon, pumunta pa kaming Namorn para mahanap ito." agad na kwento ko kay Lolo Cruz.

"Kita kong napakasaya mo na, Alliya. Sana wala ka nang balakid na makakaharap." saad naman nito sa akin.


"Sana nga po," sagot ko at malakas na napabuntong-hininga. "Hindi ko po alam ang mangyayari sa akin sa darating na araw o panahon." dagdag ko pa.


"Basta't tandaan mo na nandito ako para tulungan ka, Alliya." dinig kong saad ni Lolo Cruz. Tumingin ako sa kanya na nakangiti, "Alam ko po 'yan." sagot ko.


"Dalawin mo ko kung may oras ka, babalik na ako sa bulwagan may paparating na mang-lalakbay." biglang saad ni Lolo Cruz, tumingin naman ako sa harap at nakitang may paparating nga na mga mages at papasok na ito sa loob ng bahay. Agad akong tumango kay Lolo Cruz, "Dito lang po muna ako." sagot ko naman.

Ngumiti ito at nagsimula nang maglakad pabalik, pinili ko nalang ibalik ang tingin ko sa kalangitan. Malapit na palang gumabi, malamig na din ang simoy ng hangin malayong-malayo sa hangin na nanggaling sa Namorn at Tamora. Ramdam mo talagang nasa lupaing Salla ka na talaga. Bigla akong tumayo para tumingin sa kabuuan ng gubat.

Bigla akong napaisip, ano na ang nangyayari sa bahay niya at kay Aling Linda? Hinahanap ba niya ako? Ibabalik ba niya ba ako ulit pag-nagkita kami? Sa tuwing nakaharap ako sa gubat na ako lang mag-isa palaging bumabalik sa isipan ko ang nangyari, kung paano ako tinulungan ni Aling Linda makatakas, kung paano ako napadpad dito at hanggang sa mapunta ako sa Salla.


Malakas akong napabuntong-hininga, sana naman at magiging malaya na talaga ako, walang pinagtataguan at walang pinagngangambahan.


"Anong iniisip mo?"

Bigla akong nagulat ng may nagsalita sa likod ko,  agad akong lumingon at nalamang si Rogue lang pala ito unti-unting naglakad patungo sa akin. Lumingon ako sa likod niya nag-babakasaling nandoon sina Victoria ngunit wala pala.

"Sinong hinahanap mo?" napakunot-noong tanong niya at lumingon din siya sa likod niya.


"Nasaan ang iba?" balik-tanong ko naman. Ngunit agad ko din itong dinugtungan. "Akala ko kasunod mo sina Victoria." sagot ko at ibinalik ang tingin sa labas.

Hindi ito sumagot pa at pumunta lang din sa gawi ko. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa, hindi ko alam ang iniisip niya dahil pawang nakatitig lang din ito sa kawalan. "Okay ka lang?" basag katahimikang tanong ko.

Ramdam kong tumingin ito sa akin, at ibinalik din ang tingin sa labas, "Oo, ikaw?" balik tanong niya.


"Oo, marami lang bumabagabag sa isip ko."

"Mind to share?" biglang sagot nito na nagpakaba sa akin.

"No! Ibig kong sabihin sa susunod na." agad na sagot ko, hindi sa ayaw kong malaman nila ang nangyayari sa buhay ko ngunit masyado pang maaga para i-kwento ito. Isa pa bago ko palang silang nakasama hindi ko alam kung maniniwala sila sa sasabihin ko.


Rinig ko namang mahina itong napatawa sa sagot ko, "Ganyan din ako noong una, at naiitindihan kita." napatingin ako sa kanya nang naging seryoso ang sagot nito.


"Kung hindi lang nakita ni Blair ang nakaraan ko, walang nakakaalam nito hanggang ngayon." he murmured to himself.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, ito ba ang sinasabi ni Blair na pagkakamali niya, ngunit bakit hindi tunog galit ang pagkakasabi ni Rogue. I had this urge to asked him, ngunit wala ako sa posisyon para malaman ito. Isa lang akong bagong dating na estudyante nangangarap makakuha ng maraming ginto.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon