Chapter 10

2.5K 68 2
                                    

I can't help it but to stare at them. Ngunit nang ilibot ko ang tingin sa loob halos lahat pala at pawang nakatingin sa kanila.

Unang bumalik ang babae at sumunod naman si Rogue at umupo sa kanya-kanya nilang upuan. Para namang walang nangyari sa loob dahil lahat ay bumalik sa pagkain. Dahil tapos na naman ako, tumitig nalang ako sa labas kung saan sila nag-usap.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Seryoso ba? Ngunit parang hindi. Because they're seem alright and Rogue was smiling.

"Alliyaaa!"

Bigla akong napatingin kay Rita ng sumigaw ito sa tenga ko at malakas na tumawa. "Anong iniisip mo? Tara na!" dagdag pa niya at tumawa.

"Wala. Saan tayo?" sagot ko naman at tumayo. Sabay kaming lumabas sa cafeteria na kahit isa sa kanila walang nakapansin.

"Maghahanap na tayo ng bagong misyon!" Rita exclaimed. Halos magningning na nga ang mga mata nito.

Sabay kaming naglakad papuunta sa may gate. Marami parin namang estudyante ang nandito, nakita ko pa sina Phil na nakaupo sa bandang unahan. Naghanap naman ng mauupuan sina Blair at agad akong sumunod sa kanila. Pinili naming maghintay kasama ng iba.


"Ganito ba ginagawa niyo araw-araw?" tanong ko sa kanila.

Sabay naman na tumango ang tatlo. "Mahirap makakuha ng misyon sa dami ng estudyante." saad ni Blair na nakatingin lang sa harap.

"Kaya makipag-unahan tayo, Alliya." Red said and chuckled.

Kumunot naman ang noo ko. Akala ko kung sino ang mauuna dito ay siyang unang makakuha ng misyon at hanggang sa hulihan ngunit hindi pala.

"Watch." tanging saad ni Blair at tinuro ang nangyayari sa gate.

May isang matandang dumating, nanglaki naman ang mata ko nang halos kalahati sa mga estudyante ay pumunta sa kanya na tila may sinasabing mamumulaklak na pangungusap hanggang sa unti-unting bumalik ang iba na bagsak ang balikat at natira ang isang grupo, umalis naman sila kasama ang matanda.


"Ganyan dito Alliya, kaya dapat tiyagaan nating makakuha." Rita said and I nod at her.


Ngunit makalipas ang ilang oras ay wala ni isang dumating. Kaya halos lugmok na ang mga mukha ng iba. Malapit na ring bumigay ang iba dahil unti-unti na silang umaalis. Tumingin ako kina Blair na ngayon ay halos pikit-pikit nang nakaupo.

"Excuse me?"

Napatingin ako sa likod ng may babaeng biglang dumating. Kumunot pa ang noo nitong napatingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Kayo ba ang RRBA?" tila nagdadalawang-isip niyang saad. Nagising naman ang diwa ng tatlo na ngayon ay nakatitig na sa kanya.

"Oo, bakit?" Rita answered.

"Ah, pinapatawag kayo ni Headmaster ngayon na." saad niya.

Nagpasalamat naman kami sa kanya at tumayo. Pinagpagan ko na din ang paldang suot ko at baka may alikabok galing sa upuan namin.

"Ngayon kulang napagtanto, ang baduy ng pangalan natin!" Red mumbled na rinig namin. Mahina naman akong napatawa sa sinabi niya.

"Ano kaya ang sasabihin ni Headmaster?" kunot-noong tanong ni Rita.

Nagkibit-balikat naman si Blair habang tila nag-iisip ni Red. Nagsimula kaming maglakad patungo sa opisina ni Headmaster. Nakita pa naming naglalakad pabalik sa building nila ang bagong dating na grupo. Habang hindi ko na makita ang grupo nila Rogue.

Salla Academy (Sylverian Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon