Kabanata 2:

204 5 46
                                        

Umupo agad ako sa damuhan sa may tambayan namin.

Ang lugar na ito ang takbuhan ko sa tuwing gusto ko nang katahimikan. Actually, Ako ang nagdala sa kanila dito nang makilala ko sila nung elementary palang ako.

"Are you sure that you don't want to go home Via?" tanong ni Elijah.

Natawa naman ako sa kanilang nakatingin lang sakin. "Kapag nag-aaya akong umuwi todo react kayo tapos ngayon ayoko pang umuwi nagrereact din kayo, Yung totoo?"

Inirapan naman ako ni Tati saka nagsalita. "Alam kasi naming hindi ka ganyan kung wala kang problema,"

"Kapag may problema lang ba ako pwedeng magstay sa labas na kasama kayo?" ani ko.

Bago pa sila makapagsalita ay nagsalita na uli ako.

"I just want to relax kahit ilang oras lang..." dagdag ko.

Hinayaan nalang nila ako saka sila nag-usap ni Noe habang ang mga boys ay naglalaro nang ML.

"Akalain niyo nga na tinulungan lang naman natin si Via sa kapatid niya tapos naging magkakaibigan tayo," masayang kwento ni Noe.

Totoo yun. Nung elementary ako ay same school kami ni Ate Monica at hangang school ay pinapahiya niya ako hangang isang araw dumating sila Tati at pinagtanggol ako. Simula non ay lagi na silang sumasama sakin kahit napaka-ilap ko sa kanila.

"Eto pa ah, Ayaw pa ata satin nun ni Via kasi kahit lagi tayong sumasama sa kanya ay hindi niya tayo kinakausap tapos nilalayuan pa niya tayo." Tumatawang wika ni Tati.

"Syempre! Wala namang nakikipagkaibigan sakin nun kundi kayo lang eh," ani ko.

Wala kaming ginawa kundi alalahanin ang simula namin saka mag-kwentuhan hangang inabot na kami nang alas onse nang gabi.

"Sunduin ka nalang namin dito ha?" wika ni Elijah habang nakadungaw sa bintana.

Tumango naman ako sa kanya saka kumaway sa kanila. "Mag-ingat kayo guys! Love youuuu!"

"I love you too!" nakangiting wika ni Elijah.

Naghihiyawan naman ang barkada namin kaya inilingan ko naman sila.

"Baliw!" Tumalikod na ako sa kanila saka naglakad pa pasok nang bahay.

Akala ko tulog na silang lahat nang biglang bumukas ang ilaw nang buong sala.

"Ganyan ba ang uwi nang babae?" malamig na wika ni Mommy.

"Pasensya na po... Nagkatuwaan lang po kami ng mga kaibigan ko,"

"Talagang inuna mo yang katuwaan niyong magbabarkada bago tumulong dito sa bahay ha?! Kailangan nang tulong ni Monica sa assignment niya pero wala ka! Wala ka talagang silbi!" nanggigil na wika ni Mommy.

Napapikit naman ako para pigilan ko ang sarili ko sa masasabi ko. Ayoko nang gulo kaya pinipilit kong tumahimik.

"Kaya naman po ni Ate Monica yun... Diba Top 1 siya sa klase kaya magagawa yun ni Ate,"

"May pinapahiwatig ka ba?!"

"Wala po...." ani ko. "Akyat na po ako!" dagdag ko saka naglakad paakyat nang kwarto ko.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko saka tumingin sa kisame ko.

Wala bang katapusan ang lahat nang ito? Kailan ba nila ako makikita?

Nagising nalang ako sa kalambag na nagmumula sa labas nang kwarto ko.

"Avi! Avi!" sigaw ni Ate Monica. "Avi, Ano ba? Nagbibingi-bingihan ka ba?"

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon