Kabanata 34:

132 4 0
                                        

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Nasan ba ako? Bakit puro puti ang nakikita ko.

"Avi, Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kuya Aidon.

"Nasan po ako? Pano niyo nalaman kung nasan ako?" tanong ko.

Hinawakan ni Kuya Aidon ang kamay ko saka tipid na ngumiti. "Nakita ka ng guard na walang malay sa puntod ni Tita Aviela... Sabi nila ay ang una nilang tinawagan ay si Elijah dahil siya ang huling kausap mo ayon sa record pero binigay lang ni Elijah ang number namin,"

"Hindi po ba nagpunta si Elijah dito?"

Umiling siya sakin. Wala na talaga siyang pakielam sakin. Ganon siya kagalit sakin na kahit awa ay wala na siyang maramdaman.

"Please, Stop expecting from him Anak," malungkot na tugon ni Daddy.

Mapakla akong ngumiti. "Dahil ba katulad niyo ay hindi rin siya maniniwala sakin? Dahil nakipagsex ako sa ibang lalaki?"

"Avianna..."

"That's fine Dad. Tanggap ko na ganyan ang tingin mo sakin dahil hindi naman ako katulad ni Ate Monica,"

Tumalikod na ako kay Daddy saka nagtalukbong. Nasasaktan ako kapag nasasaktan ko si Daddy pero sa ngayon mas nangingibabaw ang sakit na dinulot niya. Nilang lahat.

Narinig kong nagpaalam si Daddy kay Kuya Aidon na uuwi muna siya para magpalit at binilin ako kaya naman unti-unti kong tinanggal ang pagkakataklob ko.

"Gusto mo bang makabawi Kuya Aidon sakin?" tanong ko.

Tumango naman sakin si Kuya Aidon. "I'll do eerything for you Avi. Just tell me!"

"Gusto ko na pong lumabas ng ospital ngayon pero hindi ako sa bahay uuwi ngayon.. At wag mo ring sasabihin kay Daddy sa gusto ko,"

Aalma pa sana siya pero bigla din siyang napatigil bago bumuntong-hininga.

"Pumapayag ako sa gusto mo pero doon ka sa condo ko mananatili, Okay?" aniya.

Tumango nalang ako sa kanya at sinabing kunin ang mga damit ko ng hindi makakahalata ang iba.

Pagdating naman namin sa condo niya ay agad siyang nagpaalam para kuhanan ako ng damit.

Binuksan ko naman ang laptop niya saka gumawa ng resignation letter. Hindi ko alam kung kaya kong manatili sa trabaho ko knowing that my friends and I aren't okay.

It's awkward ang besides alam kong mahihirapan lang silang harapin ako. Magkakasakitan lang kami.

Nagpunta muna ako sa pinakamalapit na bangko at winidraw ang lahat ng pera ko para wala silang ma-trace sa oras na lumayo ako.

Pagdating ko sa condo ay nandon na si Kuya Aidon na nag-aantay sakin.

"San ka galing?" tanong niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Nagpahingan lang. Makakauwi kana Kuya, Gusto ko nang magpahinga."

Tinignan niya ako sa mata bago tumayo at lumabas ng condo unit niya.

Kinabukasan ay nag-ayos na ako at naghanda para sa pagpunta ko sa shop. Hindi naman ako papasok para dumuty kundi para magpahalam.

Naabutan ko sila Tati at Noe na nagkasama sa isang table habang may tinitignan.

"Pasensya na, Kung hindi ako nakapasok kahapon."Ani ko. Hindi naman sila kumibo saka nanatiling nakatingin sa monitor.

Kinuha ko naman ang resignation letter ko saka nilapag sa table nila. Agad namang binasa 'to ni Noe.

"Aalis ka?" tanong ni Tati.

Bumuntong-hininga ako saka tumango. "This is for the good Tati. I know nahihirapan kayo sa sitwasyon dahil nandito ako kaya mas mabuti narin ito... And besides, I have a personal issues,"

Tinignan naman niya ako sa mata kaya umiwas ako ng tingin.

"Hindi kaya aalis ka kasi buntis kana? Who knows kung ilang beses ka ng nagalaw ni Patrick," sarkastikong wika ni Noe.

Pinunasan ko ang luhang pumatak s mga mata ko. "I didn't know na ganyan kababa ang tingin niyo sakin. You we're my bestfriend, Of all people kayo ang bukod tanging nakakakilala sakin,"

Hindi pala lahat ng kaibigan ay tunay na kadamay 'no? Dahil minsan sila pa ang unang magtatakwil satin.

"Kung mabuntis man ako, Wag kayong mag-alala hindi ko na guguluhin ang buhay niyo. Ang kakambal mo, I'm sorry!"

Tinalikuran ko na sila saka unti-unting nililigpit ang mga gamit ko sa pwesto ko. Hindi naman nila ako pinansin or lingunin manlang.

Mukhang expected na nilang aalis ako dito. Talagang hindi nila ako kayang paniwalaan.

Hinawakan ko ang picture frame naming magkakaibihan na nasa table ko. Sobrang tagal ng panahon naming magkakaibigan, Hindi ko akalaing wala pala silang tiwala sakin.

Sa kanila ko ineexpect ang tiwala na makukuha ko despite of those things pero isa din pala sila sa mga taong mababa ang tingin sakin.

Tinapon ko naman ang picture frame sa basurahan na nasa tabi ko. Wala na akong planong dalhin yun sa pag-alis ko.

Tinanggal ko narin ang necklace na binigay ni Elijah sakin at ang bracelet naming magkakaibigan saka nilapag sa table ko.

Binuhat ko naman ang mga gamit ko saka naglakad palabas ng shop pero bago pa ako makalayo sa pwesto nila Tati ay nilingon ko sila.

"It was nice having a friends like you'll. Too sad, I'm not meant to have you all as my friends...I know kakalimutan niyo na ako sa ginawa kong yun. That's the right thing to do, Forget what we all have." Tinaas ko ang kamay braso ko na pinaglalagyan ng bracelet namin.

Napatingin naman sila roon. Alam kong tanda nila ang promise namin na habang suot namin ang bracelet na yun ay ibig sabihin ay nananatili ang pagkakaibigan namin.

Tinalikuran ko na sila saka pinagpatuloy ang pag-alis sa lugar nayun. Hindi ko alam kung paano ko nasabi sa kanila ang lahat ng yun na hindi nagbebreakdown.

The hardest thing to do is to leave behind those people who have been a big part in our lives.

Pagod na akong ipilit ang sarili ko na pakinggan nila ako. Tatlong araw lang mula ng mangyari yun pero parang sobra akong nadrain.

Kalayaan ang gusto nila mula sakin dahil nandidiri sila sakin. Kalayaan ang ibibigay ko sa kanila.

Pagkarating ko sa condo ni Kuya Aidon ay agad kong inimpake ang gamit ko. Nang magising ako sa ospital knowing na si Elijah ang unang nakausap ng guard pero wala siyang pake sakin. Narealize kona gusto ko nalang takbuhan ang lahat.

Hindi ko kayang harapin ang buong pamilya ko. Hindi ko na kayang makita ang mga kaibigan kong patuloy sa paghusga sakin.

I know ito ang tama kong gawin. Ang kalimutan ang lahat ng nangyari.

All my life, Wala akong ibang ginawa kundi ipagsisikan ang sarili ko sa taong hindi naman pala ako tunay na anak.

I've been a good person pero hindi ata talaga mabait sakin ang diyos dahil binigyan niya ako ng mabigat na buhay.

Binuksan ko ang lahat ng socmed ko at dinelete ko ang lahat saka nilapag ang cellphone ko sa kama. Bago pa ako maabutan ni Kuya Aidon ay umalis na agad ako sa condo niya.

Wala akong pinagsabihan na aalis ako. Kung saan ako pupunta. Bukod tanging sulat lang ang iniwan ko para sa kanila at sana sundin nila yun.

Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko sa pupuntahan ko pero pinapangako kong hindi na ako magiging marupok sa susunod na yugto ng buhay ko.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon