Kinabukasan,Palabas na ako pero hindi ko padin nakikita si Mommy at Ate Monica. Hinahanap ko sila para magpaalam kasi kanina pa ako inaantay ng mga kaibigan ko.
"Nakakaawa si Ms. Avianna 'no? Anak din siya pero parang balewala lang siya sa nanay niya," bulong ng isang katulong namin.
Napakunot naman ako ng noo dahil pinaguusapan nila ako.
"Kaya nga eh... Nakakapagtaka nga kasi kahit ganon siya tratuhin nila Ma'am Monica. Aminin natin na si Ms. Avianna ang pinakamabait nating amo dito," wika naman nung isa pang katulong.
I cleared my throat to get their attention. Wala naman silang sinabing masama pero ayoko lang mapagalitan sila nila Mommy kapag narinig sila.
"Sorry po Ma'am..." sabay nilang wika.
Ngumiti ako sa kanila ng tipid. "That's fine... Baka marinig lang kayo ni Mommy,"
Yumuko naman sila saka humingi uli ng pasensya pero nginitian ko nalang sila. Narinig ko naman ang sunod-sunod na busina ng sasakyan ni Elijah.
Naglakad naman ako palabas ng bahay. Mula ng magkakilala kaming magkakaibigan, Ganito na ang set-up namin ang sunduin ang isa't isa para sabay-sabay kaming pumasok.
"Ang tagal mo!" malamig na wika no Elijah.
Nanlaki naman ang mata ko sa gulat miski ang mga kaibigan ko. This is the first time na mainip or pagsalitaan niya ako ng ganyan.
"Uhm... I'm sorry. I was looking for my Mom and Ate," ani ko bago sumakay sa sasakyan niya.
Sumingit naman si Tati sa usapan namin kaya napalingon ako sa kanya.
"I saw your Ate and Tita... Umalis sila ah? Naka-civillian pa nga ang Ate mo," wika ni Tati.
Naka-civillian? Hindi ba siya papasok sa school.
"Ahh... Baka aalis sila," wika ko.
Kinunutan ako ng noo ni Tati. "They didn't tell you?"
Umiling nalang ako saka tumingin sa labas ng bintana. Napatingin lang ako sa mga kaibigan ko ng magsalita si Noe.
"Via, Sabihin mo nga kung san ka dinala ni Elijah... Kagabi ko pa siya kinukulit pero sinisigawan niya lang ako," pangungulit ni Noe.
Kinagat ko yung ibabang labi ko. I don't know what should I tell them. For sure, Elijah didn't want to tell them what happened.
"Noe, Can you please stop pestering Via... And stop being noisy," inis niyang wika.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Noe. Tipid nalang akong ngumiti sa kanila.
Pagdating namin sa university ay kinukulit padin ako ni Noe. Napatahimik nalang kami ng padabog niyang sinara ang pintuan sa driver seat.
"Hey, Ano bang problema mo at kanina kapa badtrip?" saway ni Noe sa kanya.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Elijah saka naglakad paalis.
"Kung tumigil ka nalang sa pangungulit kay Via... Napaka-tsismosa mo," malamig niyang wika.
I want them to stop fighting over me. I know how close they are since they are twin.
"Tsismosa? How could you Elijah?! I just wanted to know... Dati naman di ka ganyan ka-affected ha? If I were you, Magbago ka baka dahil jan hindi ka magustuhan ni Via," sigaw ni Noe.
Nanlaki naman ang mga mata namin sa sinabi ni Noe pero mas nanlaki ang mata ko ng ambaan ng sampal ni Elijah ang kakambal kaya agad akong napatakbo palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
قصص عامةIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...