Kabanata 13:

34 1 0
                                    


Nandito kami sa gymnasium namin nag-aantay sa mga kaibigan namin. Nag-announce kasi na wala kaming klase dahil may meeting ang mga teachers.

Nagpapalit na ang mga kaibigan namin ng jersey nila kaya inantay nalang namin sila.

"Sino kaya ang makakalaban ng varsity players natin 'no?" ani Noe.

Nagkibit-balikat ako sa kanila dahil wala talaga akong idea sa I makakalaban.

"Wala bang sinasabi sainyo?" tanong ni Tati.

Umiling ako. "Hindi pa naman kami nakakapagmeeting about sa mangyayaring laban sa baskethall,"

Nabigla naman ako ng may humalik sa pisngi ko. "Elijah!"

Humalakhak naman siya saka pinisil ng bahagya ang pisngi ko. Tinabig ko naman yung kamay niya.

"Hey, Are you mad?" aniya saka tumabi sakin. Inirapan ko naman siya.

Daming tao tapos hinalikan niya ako kaya nagbulungan tuloy mga schoolmate namin. I really hate attention.

Hinawakan niya naman ako sa baywang saka pinatong ang baba sa balikat ko.

"Elijah, Ano ba!" iritang wika ko.

"Hey, Bakit kaba nagagalit?"

Hindi naman ako nakasagot ng narinig kong nagsalita ang coach nila.

"Aldston!" malakas na tawag ng Coach nila dahil bukod tanging si Elijah nalang ang nakaupo sa bleacher.

Pero hindi naman siya nilingon kaya sinenyasan ko si Elijah.

"What are you doing?" tanong ko.

"Let's talk!" aniya.

Tinignan ko ang coach nila na nakasimangot na.

"Tawag ka na---"

"Ayoko. Mag-usap tayo kung bakit ka nagagalit," putol niya sakin. 

Bumuntong-hininga naman ako. He's hardheaded kaya for sure hindi yan aalis habang hindi ko siya kinakausap.

"Elijah, I'm not mad. I just hate the attention, You know that right? Napunta satin ang attention nung kiniss mo ako," paliwanag ko.

"I'm sorry,"

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Sige na. Magsimula na kayo sa practice game niyo oh?"

Tinitignan niya lang ako kaya hinaplos ko ang braso niya. "Go. I'll watch you,"

"Ako lang ang papanuorin mo Babe ha?" aniya saka tumakbo palapit sa mga ka-team niya.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti kay Elijah na nagtuturo sa mga ka-team niya ng diskarte sa laban.

He really loves basketball. Since we were in highschool, He's always part of the varsity.

Habang nanunuod kami ng practice game ni Elijah ay tahimik lang din na nanunuod mga kaibigan ko. Tanging tilian lang ng mga schoolmate naming babae ang maririnig mo.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko. "Hello Elisse,"

[Ms. Avianna, Pinapasabi po ni Prof. Jeleen na may meeting raw po tayo ngayon,] wika ni Elisse ang sekretarya namin sa club.

Pero meeting? Ngayon talaga? I'm watching Elijah's practice game.

"Elisse, Do I really need to be there? You know, I'm here in gymnasium... Watching Elijah's practice game---"Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay narinig ko na ang boses ni Prof Jeleen.

[Ano, Elisse... Did you call your president?]

Napabuntong-hininga nalang ako. "I'll be there Elisse,"

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon