Tahimik lang si Kuya Aidon habang nagmamaneho kaya naisipan kong magsalita.
"Is Daddy is there already?" tanong ko. "Sino ang sumundo sa kanya?"
Tumango siya. "Sinundo siya nila Mommy at Monica,"
Buti pa sila ang sumundo kay Daddy samantalang ako nasa school. Pinilit ko nalang wag isipin yun para hindi ako makaramdam ng inggit.
"Boyfriend mo ba yung lalaking nakahawak sa baywang mo?" seryosong tanong ni Kuya.
Napatingin ako kay Kuya at inantay kung may kadugtong pa siya pero seryoso padin siyang nagmamaneho.
"Si Elijah po? He's my friend," ani ko.
Tumango-tango naman si Kuya Aidon sakin. "I'm a man and I can say if a man like you Avi. It's fine if you have a boyfriend already because your in a right age but..."
Lumingon siya sakin bago lumiko sa subdivision namin. "I want him to court you formally... Gusto ko kung magkakaboyfriend ka ay doon ka sa bahay liligawan,"
"Tatandaan ko po yan Kuya Aidon," ani ko nalang para hindi na humaba pa ang usapan.
"Obviously, That man likes you Avi. I don't mind if he courts you but I should know if he's serious about you,"
Bumuntong-hininga ako. I don't know how to explain to my Kuya about Elijah.
I understand already that Elijah likes me but he never told me that he'll court me.
"Kuya Aidon, We're just friends. Hindi naman po siya nanliligaw sakin," paliwanag ko.
Nagkibit-balikat sakin si Kuya Aidon saka pinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
"If you say so..." aniya saka lumabas ng sasakyan.
Napabuntong-hininga nalang ako saka lumabas ng sasakyan. Hawak ako ni Kuya Aidon sa kamay habang naglalakad kami papasok ng bahay.
Naabutan namin si Daddy na nasa sala habang busy nag-aabot ng pasalubong kela Mommy at Ate Monica.
"Daddy..."
Lumingon naman si Daddy na nakangiti. "Avianna, Napakalaki mo na at mas lalo kang gumanda."
Yumakap naman akong mahigpit kay Daddy. Akala ko hindi magiging masaya si Daddy na makita ako.
"I miss you Dad... Sobra po kitang namiss," ani ko.
Hinalikan niya ako sa noo. "Namiss din kita anak ko. Kamukhang-kamukha mo ang Mommy mo,"
Napatingin naman ako kela Mommy pero inirapan lang nila ako kaya ngumiti nalang ako kay Daddy.
Tinapik niya naman sa balikat si Kuya Aidon. "You did great son... You take care of your Mom and sisters,"
"That's nothing Dad. They're my family," ani Kuya Aidon.
Hinatak naman ako ni Daddy saka umupo sa sofa. "May binili akong bagong sapatos, Bag at cellphone para sayo Avi... I know you'll love my present,"
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko. Tinanggap ko naman yung bag na inabot niya sakin pati narin yung dalawang box.
"Wow. Dad, This is the latest iphone and... Yung shoes na madalas kong pinopost sa facebook," masaya kong wika.
"Alam kong mapapasaya kita kapag yan ang binigay ko sayo,"
Yinakap ko uli si Daddy ng mahigpit habang nagpapasalamat. "Salamat po Daddy, I love you po!"
"Anything for my princess," nakagiting wika niya.
Inabot niya narin ang pasalubong niya kay Kuya Aidon. Nang biglang nagsalita si Ate Monica.
![](https://img.wattpad.com/cover/303967365-288-k620088.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
General FictionIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...